Tropa ni Ate Betch
Sunday, September 7th, 2008How dare she blame it on my baby toi!
Alam kong di natin nalimutan si Ate Betch from College…
Refresher:
Sya yung malditang taga-bigay ng clearance form sa College of Arts and Sciences sa UPLB, naku may mga bagong biktima nanaman sya for sure dahil graduation is just around the corner. Uurong nanaman ang regal at tutubo ang sungay ni ate betch. Bongga nanaman sya ngayon. Tangina sya.
Present:
Heniwey, akala ko lusot na ko after the fateful clearance period… BUT NOOOOOO…
Marami nga pala kung tumubo ang masasamang damo. Syempre may mag o-audition para sa ‘Who is the Betchiest of Dem Ol’ title na ginaganap taun-taon sa bayan nila na kung tawagin ng marami ay IMPYERNO. Di kagaya ng normal na contests, hindi iniipon sa iisang lugar ang contestants, distributed sila sa iba’t-ibang lugar. Simple lang ang mechanics, pagalingang mameste ng buhay ng iba. Mahirap, pero someone has to do the job daba? Lets all be thankful for all the Ate Betches on earth, dahil kundi sa kanila, wala tayong paggagamitan ng mga mura gaya ng potangena, mamatay na sana sya, kunin na sana sya ni lord, etc. Sila ang mga dakilang tagasukat kung hanggang saan ang pasensya ng ibang tao. Sila ang mga tagasubok kung may kapasidad ka ba talagang makapatay. Sila ang nagpapalapit satin kay lord:
“Lord, alam ko pong may dahilan ang lahat ng to, kaya naman sinusuko ko na sya sa inyo. Kunin nyo na po sya… eymen. ”
Diba? Pabanal nang pabanal ang marami dahil sa kanila, ilang request kaya ang narereceive na ganito araw-araw? Hay… sabi ko bagong buhay mode na ko. Pero talaga yatang gusto ni lord na i-prove ko ang sarili ko.
Sabihin sa sarili ng 10x
“Killing is a sin…”
Pero hindi ba mas kasalanan na hayaan na lang silang pagala-gala sa lupa? Try ko kayang sa tubig pagalain?
Ano nanaman ba ang problema mo hunyo? Eto na ang kwento…
(queue in pang teledramang music)
Nagsimula ang lahat ate Charo noong magkatrabaho ako sa Pa-q, dahil malayo ito sa aming bahay, kinailangan kong mangupahan. Dahil sarado yung dapat naming lilipatan napilitan kaming humanap ng iba. Doon naming nakita ang boarding house ni ate betch. Maliit na kwarto na narealize kong sobrang mahal para sa 1500 na upa sa isang bwan. Walang tumatagal daw na boarder, malamang lang…
Fast forward, tinatamad na kong magkwento dahil sobrang badtrip na.
Inuwi ko si Baby Toi sa bhaus dahil kelangan kong hapitin yung ginagawa namin na libro. Sabi ko dati magdadala ko ng pc pero di pumayag ang betch, kaya bumili ako ng laptop. Malakas daw kasi sa kuryente ang computer. Pero yung anak nya magdamag nagdodota saka nagpapatugtog ng bwakanang lakas. Hindi naman yun malakas sa kuryenteee. She had to blame it on my poor Baby Toi. Ni hindi pa nga kami nagcecelebrate ng monthsary, sinusubok na agad ang relasyon namin! Sinigil lang naman ako ng 200 php para daw sa energy consumption ni Baby Toi. Makatarungan ba yun??? Hay… Ikayaman kaya nya yung nagoyo nya saken? Sana. Dahil kung hindi, lugi pa sya sa iisipin sa kanya ng mga makakabasa nito. Actually hindi ako ganong bummed out dahil sa dalwang daan, nakakapikon lang kasi saken nya siningil yung excess daw sa kuryente nung month na yon, two weeks ko pa lang dala si Baby Toi nun… at considering na summer at natural na biglang taas ng kuryente. Ganun din kasi sa apartment namin nung college. Mas nakakapikon pa kasi nung sinabi kong exaggerated naman ata na ako lang mag isa yung nakapagpamahal ng kuryente, sabi ba naman, ayaw naman nya talagang magpaggamit ng mga ganun, ako lang daw mapilit. Kulang na lang itapal ko sa muka nya yung 300. nga pala, sinisingil nya lahat ng boarders ng 100 para sa gas, walo kami, ka0share sila ng mga junakis nya sa pagconsume ng gas. Ayus diba? Pagpapalain talaga. Hataw sa tubo.
Let’s pray for her…
Lord, please end her suffering…take her back as soon as possible. Like, now.
Two weeks after that incident, lumipat na kami ng apartment. Bow.