Di ko rin akalain na magkakaron agad ng episode three. Ahahahaaaay… haha, landi! At dahil required ang theme song, eto na…
*c’mon and get me, get me, get me, baby I’m yours c’mon and get me, you’ll never be lonely, lonely, lonely, so baby…c’mon and get me. (Get me– MYMP) – I know, ang harot! haha
Aburidong araw nanaman, hindi pa rin tumatakbo ang papel, (I’m dead next week, by the way), at sinong magaling ang pedeng sisihin? Yung kyut! Imbudo, ibinilin ko na kelangan ng pirma sa likod ng papel, ayun di sinabi, ANG GALENG! PALAKPAKAN!!!!
Pupunta na lang ako sa mall kinailangan ko pang pumunta sa office nila, bitbit ang gamit ko, pumunta ko don. Hay, hinga nang malalim, behave don’t slaughter him now, may witnesses… Ismayl. Ayan… Game!
Nasa bungad sya ng pinto, di ko pinansin, gusto ko ngang sapukin agad e. Kinausap ko agad yung dapat kausapin pero naghahanap talaga ng sakit ng katawan ang lolo kaya tanong agad
“Going home ka na?”
gusto kong sigawan ng
“hindeeee, trip ko lang bitbitin ang bag ko everywhere I go. Oo
sana
kaso dahil shungaers ka, I had to drop by your office.”
Hay. Mabait ka June, patience, patience. Tinanguan ko na lang tas balik kay ate.
Nung nagsabog ng pampam binaliktad nya ang bubong nila para sumahod kya hindi nakahalata na asar ako sa kanya. Humirit ulet
“Ang cute naman ng fish mo.” He was referring to my cell phone charm na nightmare before Christmas na di ko mintindihn kung bakit kyut daw.
Sabi ko, “Pirate kaya yaaaaan.”
Bakit hindi ko matarayan tong hinayupak na to???
“June.” Sabi nya, ilang beses, parang chocolate na nilulusaw nya unti-unti sa bibig nya ang pagkakasabi, potek kakilig!
Di ko na sya pinansin kahit tinanong nya ng ilang beses kung umiilaw daw ba yun. Lumabas na sya. Natapos ko na ang ipinunta ko dun kaya gora na kami sa mall. Pagbaba ko ng hagdan andun pa pala sa madadaanan ko. Hay. Binati pa rin ako nginitian ko rin naman muka nga lang ngiti pagatapos kumain ng hilaw na kamias.
“Hmf. Kaw may kasalanan e. Sayo ko sinabi yun tas di napirmahan…” hindi ko alam kung ba’t iba ang delivery nito kesa sa narehearse sa utak ko na giyera-mode.
“Uy hindi ako may gawa nun.” How can I stay mad at him with that smile.
“Oi sayo ko kaya sinabi. Itinawag ko pa after.” Sabay attempt na sipain sya.
Ngumiti lang sabay. “Bye, June!”
“Tse!”
Tumalikod na ko agad kasi baka makita yung ngiti kong parang nanalo ng limang Choco Mucho sa aking suking tindhan. Hahaha. Pota parang teen-oriented show lang, I feel so high school.
* c’mon and get me, get me, get me, baby I’m yours c’mon and get me, you’ll never be lonely, lonely, lonely, so baby…c’mon and get me!
>>>> haha. Gusto kong isipin na natataranta din sya pag nakikita ako kaya hindi nya nasabi. Hay. Kainis. have to distract myself from the big bore i face in the office every freaking day…