Stargazer

December 30th, 2007 by dragonesang-diosa

Talented. Yan ang tawag sa malaking porsyento ng kalalakihan, lalo na yung mga may itsura at lalung-lalo na yung akala nila may itsura sila.

Haragan sa mga bolahan ito. At kung Gulliver ang middle name mo, malamang n-times ka nang nabiktima. Parang si…ehehe.

Oo, tanggapin na natin na masarap yung pakiramdam na importante ka, na ikaw lang ang iniikutan ng mundo nung isang tao. Kahit na sabihin nating hindi mo sya gusto, nakakahaba pa rin ng hair.

Pero ang malala nito pag nagsimula ka nang maniwala. Pag tumatayo na ang balahibo mo sa batok kapag sinasabi nya na ikaw ang bumubuo sa Universe. Napapangiti pag naaalala ang [hinayupak na] nagpatibok sa uto-uto mong puso. Saya sa intensity na di mo akalaing posibleng mangyari sa lupa. Yung tipong bangag na di na kelangan ng tulong ng droga.

Sa aking pag-iimbestiga, nalaman kong may mga taong kayang gawin to. Yung tipong she makes up his universe. Mga obsessed! Leche! Haha. Tapon ang social life para sa jowang napagdesisyunan na na syang gustong pikutin, este, pakasalan. Hindi naman to healthy, nakakasakal, nakakatanga, nakakasawa. Kaya sabi ng mga astronaut,

“I need space…”

at magsisimula na ang stages ng life cycle of the star.

Science muna tayo mga bata, eto ang life cycle ng stars na may kasamang ‘EHEM’ (EHEM=Pauso ko lang, oki?):

NEBULA

A nebula is a cloud of gas (hydrogen) and dust in space. Nebulae are the birthplaces of stars.

EHEM: eto yung stage na hindi pa sya nag-eexist para sayo. Just another face in the crowd, yung tipong kahit katabi mo na di mo mapapansin kasi busy ka sa pagkkwento sa kasama mo tungkol sa kahit ano o kaya naman ay busy sa pagkutingting ng telepono mo. Akala ng marami ay insignificant ang mga moments na ganito pero ito ang kadalasang simula ng kalokohan na hilig nilang tawagin na “love” *cringe*.

STAR

A star is a luminous globe of gas producing its own heat and light by nuclear reactions (nuclear fusion).

EHEM: the moment of realization. That spark of light. Eto yung moment ng kadalasang hindi masagot na tanong na “When did you realize that you like him/her?”. Syempre totally unaware tayo dahil pailalim kung tumira ang ganitong panahon. Palusot nga ng iba “It’s subliminal.”. Bigla na lang marerealize na “iba sya sa iba” may kaibang epekto kapag malapit na o kaya pag nakikita. Inaabang-abangan sa khit anong oras ng araw o gabi dahil maginhawa sa pakiramdam makita. (uuuuuy).

RED GIANT

This is a large bright star with a cool surface. It is formed during the later stages of the evolution of a star like the Sun, as it runs out of hydrogen fuel at its centre.

EHEM: eto na. matagal nang mag-on. Yung tipong iniisip na ng friends nila na “Awww. You two look good together, you’re soooo the perfect pair!” (ganito ba kaarte friends mo? ahaha). Yun ang akala nila! Hah! Dito na lumalabas ang mga komplikasyon. Masyado nang matagal magkasama at nagkakakitaan na ng…masasamang traits. Uphill climb na ang pagmemaintain sa relasyon from this point on. GUDLAK!

RED DWARF

These are very cool, faint and small stars, approximately one tenth the mass and diameter of the Sun.

EHEM: congratulations for reaching this point. Ibig sabihin you have accepted the imperfections of your partner. May tibay ang pagsasama, may liwanag ang buhay! Yey? Think again! Hehe. Lumalamig, lumiliit… hindi magagandang adjectives. Hmmm…

WHITE DWARF

This is very small, hot star, the last stage in the life cycle of a star like the Sun.

EHEM: ayun o! very small na lang. hmmm.

Para

siguro to sa mga jegi couples, syempre kung member kayo, di ko na ieexplain. At kung di kayo member, aba kasalanan ko pa ba yun?? Hehe. Bleh!

SUPERNOVA

This is the explosive death of a star, and often results in the star obtaining the brightness of 100 million suns for a short time.

EHEM: the dramatic break-up. Dapat eksena para maging historical event ang paghihiwalay nyo. Kung babae ka, isigaw na buntis ka at wala syang kwentang lalake (note: kung may laman na nga talaga sundutin ang mata ng lalake sabay sipa sa parte ng katawan na hindi nya malilimutan agad). Kung lalake ka naman, tumahimik ka na lang, kung ayaw mong masaktan. Hindi ako biased noh! Hahaha. Overwhelming to lalo na kung medyo matagal na rin kayo at marami nang nagawa together. Sad… but don’t think that this is the end, there’s more. Hehehe

NEUTRON

STAR

These stars are composed mainly of neutrons and are produced when a supernova explodes, forcing the protons and electrons to combine to produce a neutron star. Neutron stars are very dense.

EHEM: Kitams, dahil nga malakas ang impact ng break-up hindi mo na makita kung  totoo nang affection o love (that word again*cringe*) na pinapakita ng iba. Ayaw mo lang kasing maging assuming kaya hinahayaan mo lang. Mapapagod yan, sige ka, wag kang tatanga tanga. Get a clue dude! Tadyakan kita eh! Do I have to scream on your face before it finally sinks in?? (haha, sorry, I got carried away…)

BLACK HOLE

Black holes are believed to form from massive stars at the end of their life times. The gravitational pull in a black hole is so great that nothing can escape from it, not even light. The density of matter in a black hole cannot be measured. Black holes distort the space around them, and can often suck neighbouring matter into them including stars.

EHEM: aka BITTERNESS. The by-product of that oh-so-sweet “LOVE”. Latak. Di naman lahat nagiging ganito pero if you’re like someone I know, na strong ang personality, malamang isa ka ring ehemplo ng “spread the jadedness crusade” — (hinga ng malalim and read the following aloud in one breath) taga untog ng mga tatanga-tangang kaibigan na nagpapaloko sa mga jowa nilang hindi mapakali at laging kinakati.

Kadalasang misteryoso at matatapang lang ang nag-aatempt tumibag. Pero kung wala kang tyaga wag ka nang magbalak, dahil ang mga taong to ang pinakamahirap kumbinsihin na may matitino pang tao (lalake?) sa mundo. You have to earn their trust to be worthy of their company. Kung hindi ka matibay baka mahawa ka ng bitterness at mapapagod ang atay nyo pareho kaya go na! hahaha.

celebrating sad day…

December 24th, 2007 by dragonesang-diosa

Nakakatanga, actually, ako yung tanga. Dahil sa sobrang antok, na delete ko lahat ng laman ng inbox ko. I know, brilliant! Hehe. Naiyak ako. Andun yung text nya na “Lab yah” at yung text nya nung grad. Nakakatanga.

Balak ko naman talagang burahin lahat ng laman ng inbox ko, kaso sa new year pa. Fresh start kung baga. E di pa nagpapasko eh! Kainis naman… sign na siguro na it’s time to move on. Tama na ang pagka-engeng… Tigilan na ang kabaliwan. Magtrabaho na lang. Darating yun kung darating at sana mauntog na, utang-na-loob naman! Kung damit tayo sa loob ng washing machine, durog durog na tayo. Pang ilang cycle na to ah? Ano bah???

Sang bwan na mula nung sinabihan ako ng magic words na hindi ko na pinaniniwalaan. Para kasing dinudura lang. everyday expression. Yung tipong pag nadulas sasabihin “Ay, I love you.”. pag nagulat, “I love you.”. pag wala nang masabi, “I love you”. Andali lang, ‘sing simpleng sabihin ng: “pabiling kendi”, “nauuhaw ako”, “gutom na ko”, “kati ng kamay ko”. Ewan kung bat ganon kadali para sa iba. Pero saken sing dali to (atleast when you mean it) ng pagsigaw sa mataong lugar ng: “Potek natatae na ko”, “ako yung umutot”, “may tinga sa bandang bagang ko at gusto kong dukutin”. Simple lang naman. Dali lang non, mga pang araw araw na sinsabi.

Sana wag na lang sabihin kung hindi totoo. Madali kasi maniwala yung ibang tao.

at dahil nakagawian na, dapat may theme song.. hehe

love you lately (daniel powter)

You packed your last two bags.
A taxi’s ’round the bend.
You used to laugh out loud,
But you can’t remember when.
You lost your lies.
It’s like your moving out of time,
And the whole word crumbles right beneath you.

So, I might’ve made a few mistakes,
But that was back when you would smile,
And we would go everywhere,
But we ain’t been there for awhile.
And this I know,
There’s a place that we can go-
A place where I can finally let you know.

‘Cause I’m the one that loves you lately.
You and me, we got this great thing.
We’re the only ones that around,
We’re the only ones that around this Babylon.

I hope you find whatever you’ve been lookin’ for.
Just remember where you’re from and who you are,
‘Cause there’s a thousand lights that’ll make you feel brand new,
But if you ever lose your way, I’ll be right here for you.

‘Cause I’m the one that loves you lately.
You and me, we got this great thing.
So, come back and you sit down. Relax.
Everything’s to see that you’ve come a long, long way,
And it’s the place that you should be.

‘Cause I’m the one that loves you lately.
You and me, we got this great thing.
‘Cause I’m the one that loves you lately.
You and me, we got this great thing.
And we’re the only ones that around,
We’re the only ones that around this Babylon.

Quompliqada’s 100th post

December 20th, 2007 by dragonesang-diosa

yey! sangdaang kalokohan, kakulitan, kapraningan, kabitter-an, at kung anu-ano pa. magcecelebrate ako, inom akong kape! hahaha.

sinimulan ko tong blog na to dahil:

1. nauso

2. bored ako

3. kelangan ng outlet

4. wala, trip lang talaga.

bakit dragon juice?

dragonesa’s juice. iba’t ibang essence, minsan pa-profound, minsan - ay madalas pala - bitter, makulit, minsan basta may masabi lang. pakiramdam ko nga sobrang inexpose ko sarili ko sa blog na to. hehe. buti na lang tanga yung mga pinatutungkulan ko at hindi nila alam na sila yun, kundi…kaput! hehe. naisip ko rin na dapat siguro may kwenta ang ilagay ko ngayon, pero naisip ko, akin namang blog to kaya, watdahel pinigang balat ng kahel, ilalagay ko pa rin to. shet! haha.

ETO NA YUNG TOTOONG POST:

Kelangan natin ng mga komplikasyon sa buhay. Di mo kasi mararamdaman ang saya hanggat di ka pa natatanga. Di ka matututong ayusin ang mga sarili mong gusot kung tatakasan mo lang palagi,may bonus pang multo yan, matatanga ka lalo dahil iisipin mo to hanggat di pa tapos.

Dalwang klase lang yun, yung ikaw ang binibigyan ng komplikasyon o ikaw ang nagpapakomplikado ng buhay ng iba. May pangatlo pala, kung ikaw si hunyo, combo nung mga naunang nabanggit ang category mo.

Di ko rin alam kung bat gusto ko lagi ng gulo. Pakiramdam ko kasi pag masyadong madali, may mali. Praning na kung praning pero yun talaga ang naiisip ko. Sa halos lahat ng bagay o kaya tao. Kahit sinong ka-close ko ang tanungin mo, walang magsasabi sayo na never ko silang hiniritan o binara. Katwiran ko kasi kung di nila kayang tagalan yung masamang side ko e hindi rin sila worth ilaban ng patayan. Kaya nga onti lang yung masasabi kong "True Friends" hehe. Char. Lampas naman sa bilang ng daliri ng kamay at paa kaya siguro marami na yun. Hehe.

Hindi ko naman ginusto pero komplikado talaga karamihan ng mga natatapat saken. O malamang ako lang ang nagpapakomplikado, kasi nga… wala, trip lang. hehe. Ang sakin lang naman, kung di mo na kaya edi umalis ka. Manghihinayang siguro ko pero gaya ng gutom at pakiramdam pag natatae, lilipas din yon kung alam mo ang tamang pagtitiis.

Kung hindi ako komplikado, hindi mo siguro ko matatandaan. Isa lang sa mga napagtripan mo nung wala ka pang magawa. Side venture. Kung hindi ako komplikado, hindi mo ko hahanap-hanapin. Kung hindi ako komplikado, hindi ka siguro babalik-balik. Kung hindi ako komplikado siguro ayos lang sayo na hindi na kita pinapansin. Kung hindi ako komplikado, hindi siguro ganun kasaya ang bawat "meeting" natin noon. Kung hindi ako komplikado, hindi siguro sya kasama mo ngayon.

La naman akong magagawa kung sawa ka na sa giyera. Pwede namang ibang tao awayin. Hehe.

Kaw lang siguro nakaintindi sa lahat ng komplikasyon kong pinapauso. Panalo sa timing. Di ko lam kung tsamba lang lahat yun. Pero alam mo kung kelan yung totoong topak kesa sa topak-topakan lang. Alam mo kung anong gagawin pag sinumpong na ko. Alam mo kung kelan ako hahabulin at kung kelan ako hahayaang magpalamig. Hinahanap ko pa rin yung ganon hanggang ngayon, kaya siguro takot na silang lahat saken. Yung iba wala, ayaw lang. hehe. Ayos lang. hehehe. May kandidato ngayon na gusto kang tapatan. Tatagal kaya? Hehe. Mukang hindi. Pero sana mali ako…

nakakaaliw lang..

December 9th, 2007 by dragonesang-diosa

after some years, ngayon ko lang ulit nadinig tong kantang to. katuwa lang. i know isa to sa mga pa-virgin songs at sobrang plain nya pero wag na lang akong pakialaman sa mga gantong guilty pleasures. shet! hahaha. la akong masulat na maayos lately, nagkaon na lang ako ng journal-journalan andun lahat ng kalokohan ko. haha.

nakasakay nanaman ako sa roller coaster, di maintindihan ang gustong gawin, at pag minalas pa, pikit mata lang pag bumabaliktad na ang mundo. nakakahilo pero sana masanay na rin ako sa mabilis na takbo, sa magulong buhok, at sa malakas na pagsigaw.

kiss by kiss
By: emilia

You can’t believe
How did i succeed
I went where no ones gone before
I opened up your heart
And did took through the door
To forevermore

What did i do
I took my time with you
The other girls they moved too fast
I knew the way to make it last
Was take it slow
I let it grow

Kiss by kiss and
Baby touch by touch
Left you wanting me so much
Darling
Kiss by kiss is how i got you
To fall in love with me like this

Now here’s the key
I made you come to me
I didn’t run
I didn’t chase
I played it cool
I gave you space
Before i knew
I was holding you

Made every kiss
Just so hard to resist
I always left you wanting more
Careful not to give it all
I’ve played it smart
I won your heart

Kiss by kiss and
Baby touch by touch
Left you wanting me so much
Darling
Kiss by kiss is how i got you
To fall in love with me like this

Night by night and
Baby day by day
You go to feel that special way
Darling
Kiss by kiss is how i got you
To fall in love with me like this

I wanted you from the start
You know it was so hard
To keep it locked inside me
Afraid to scare you so
Instead i let it show

Kiss by kiss oh
Baby touch by touch

Kiss by kiss and
Baby touch by touch
Left you wanting me so much
Darling
Kiss by kiss is how i got you
To fall in love with me like this

Night by night and
Baby day by day
You go to feel that special way
Darling
Kiss by kiss is how i got you
To fall in love with me like this

Oh yeah
Kiss by kiss

WORKING CLASS…

November 24th, 2007 by dragonesang-diosa

uu… manggagawang pilipino…

dahil tamad magluto, lumabas ako ng boarding house para bumuli ng pagkain… may karinderiang malapit, asteg, dun na lang. ang mga kasabay kong bumili? yung mga nagtatanim ng tubo ng nawasa… asteeeeg… feeling ko construction worker ako.  haha. char.

taxpayer na ko… gumigising ng maaga, nagbibihis ng maayos, nagtatrabaho, maghapong nakaharap sa pc — para kumita ng anda. tas pagsweldo makakaltasan automatically ng ibibigay sa bayan. ayos sana kung iisipin kong yung hindi ko natikman sa sweldo ko ay makakapagpaaral ng studyante sa mga state U, makakapagpagawa ng mga bagay na magpapadali ng mga ginagawa ng mga pilipino araw-araw. pero onga, badtrip maisip na parang ala naman nangyayari…

pero ang totoo nyan higit sang bwan pa lang akong nagtatrabaho. hahahaha…=p

excited, kinikilig, nanginginig, adik!

October 8th, 2007 by dragonesang-diosa

haha.. bukas na… isang tulog na lang… can’t wait… sheeeeet… hahaha…

naalala ko nung una kong nakita ang pagbabadya ng pagdating, sumigaw ako sabay talon… sa gitna ng mga sinehan sa megamall (na 2nd office ko na dati, mas madalas pa nga ako dun kesa sa dating opisina), sumigaw ako ng — di ko na matandaan, "yey!" ata. basta ang importante dun, nagtinginan sakin yung mga dumadaan. tinawanan lang ako ng tita ko na kasama ko nun. haha. kala ko di ipapalabas sa pinas yun kasi diba "banned for life" daw si claire danes dito. e sya yung isa sa mga bida. at ang tristran thorn, hang gwapo! hahaha..

ano bang pinagsasasabi ko? hehe. showing na ang stardust bukas!!!! yehey! manonood ako! bakit ganto ko ka-praning? dahil sa… dahil sa… PAG-IBIG! haha.. (adik na talaga ko.)

si neil gaiman (crush ko, dahil sa itsura at talent), kapangalan ko asawa nya. ahehehe.. obsessed.. maganda talaga yung libro, sana pati yung movie… date movie daw ito, pero di naman sinabing hindi papapasukin ang walang date, kamatayan na pag ganun! hahaha. ang galing e, sa libro pa lang, nadala nya na ko sa kung saan saan, pinakilala kung kani-kanino… it all seemed so tangible.. like some escape world whenever there’s a "concert" at home.

a man’s quest to the unknown to get the fallen star for the one he loved the most. (tristran ang panagalan nung bida pero tristan yung narinig ko sa trailer.) he was promised to get anything he desired if he could get the star back. but the journey made him realize that there was more to life than that of the town inside the wall. it was a place where nothing was what it seemed. the fallen star turned out to be a lady instead of a rock. a lady with a bad temper, difficult and with a broken leg. but he was not the only one in pusuit of the star. a fact that led to their seemingly unending adventure. anong nagyari sa huli? ayun, di pala nya mahal talaga si girl from the village at ikakasal ang hitad sa mas matanda sa kanya. tristran fell for the fallen star who called him an idiot, dunderhead, lackwit, etc. (ang saya daba?) he had to go through extreme torture just to realize that faerie was the place where he belongs.

syempre relate-relate-an din daw ako sa character. kapareho ko yung star sa temper, at fondness sa name-calling. haha. yung tipong cruel to be kind ang drama. hehe. nagkaron ng glint of hope na baka may tao nga na makakapagtyaga sa ugali ko. char! hehehe.

"he [tristran] wondered how it could have taken him so long to realize how much he cared for her [yvaine], and he told her so, and she called him an idiot, and he declared that it was the finest thing that ever a man had been called."

-neil gaiman, stardust

i joined them but i couldn’t beat them…yet! haha

October 6th, 2007 by dragonesang-diosa

haha. buti na lang di ako natuto magdota nung college. siguro di pa ko graduate ngayon pag nagkataon. hahaha. pota nakakaadik. kahapon lang ako tinuruan, napaka bano. hahaha. nakakagigil. yung tipong makakasira ako ng mouse. nanginginig kamay ko after. hahaha. bakit ako tawa ng tawa???? hahaha. di ko mapigilan. parang nung unang bili lang ng poly pocket na laruan. nakakaaliw, di ko mabitawan. pero alam kong malayo ang  poly pocket sa pc games. para sa isang batang pokemon lang ang nilalaro sa gameboy emulator, big shift ang bago kong gustong gawing bisyo. hindi naman ako hustler sa mga ganto, di ko nga matapos ang zuma e (yep, ganun kabano!) hahaha. shet.

sabi saken ng kapatid ko, "andaling laruin nyan e, bat hirap na hirap kang matuto…" tawa lang ako. hehehe. naiintindihan ko na kung bat maingay ang paligid pag mga nagdodota ang kasabay ko. tamang imbudo sa mga nagbblog pero hindi mo talaga mapipigilan. nakakailang mura ako in an hour. twice siguro nung number ng pagkapatay nung hero ko, sige na nga, 10! o yan totoo na. hehehe. nakakagigil talaga. magpapractice ako at dudurugin kita boi sa susunod!!! hahahahaha!!!!!

yey for platonic love!

October 4th, 2007 by dragonesang-diosa

***warning cheesy contents…

In my life I’ve known only a handful of people whose memories paint a smile on my face. They are the ones who fill the lapses in my day’s thinking process. When I can no longer produce fresh ideas my mind takes a tour to that part of my inner workings marked “happy place”. An oasis that helps me hold on to dear sanity.

They may not know it, but the constant supply of happy memories every encounter make life worth living.

Thank you for being my energy supply. Thank you for helping me keep my life in balance. Thank you for making existence worth continuing.

Without you life would just be filled with monotonous moments, boring and dry. With you I can do crazy things without being embarrassed because you’re even crazier! It’s okay to talk about dumb and senseless things for we understand that depth is somewhere between those words – unspoken because we know it in our hearts.

I’m glad because I can talk to you about serious subjects and argue over our difference in views. In the end, we get to a compromise or plainly respect the differences. Thank you for the memories worth remembering. Thank you for not always agreeing with me. Thank you for making me cheesy. (ang alat ko na! hahaha)

kanta, iyak sabay tawa. hehehe

September 24th, 2007 by dragonesang-diosa

Up Dharma Down - Oo

‘Di mo lang alam
Naiiisip kita
Baka sakali lang maisip mo ako
‘Di mo lang alam
Hanggang sa gabi inaasam makita kang muli

Nagtapos ang lahat sa di inaasahang pahanon
At ngayon ako ay iyong iniwan
Luhaan, sugatan, ‘di mapakinabangan
Sana nagtanong ka lang
Kung ‘di mo lang alam
Sana’y nagtanong ka lang
Kung ‘di mo lang alam

Ako’y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Hindi mo lang alam
Kay tagal na panahon
Ako’y nandirito pa rin hanggang ngayon para sa’yo

Lumipas mga araw na ubod ng saya
‘Di pa rin nagbabago ang aking pagsinta
Kung ako’y nagkasala patawad na sana
Ang puso kong pagal ngayon lang nagmahal

‘Di mo lang alam
Ako’y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Puro s’ya na lang
Sana’y ako naman
‘Di mo lang alam
Ika’y minamasdan
Sana’y iyong mamalayang hindi mo lang pala alam

‘Di mo lang alam
Kahit tayo’y magkaibigan lang
Bumabalik lahat sa tuwing nagkukulitan
Baka sakali lang maisip mo naman
Ako’y nandito lang
Hindi mo lang alam
Matalino ka naman

Kung ikaw at ako
Ay tunay na bigo sa laro na ito
Ay dapat bang sumuko
Sana hindi ka na lang pala aking nakilala
Kung alam ko lang ako’y masasaktan ng ganito
Sana’y nakinig na lang ako sa nanay ko

‘Di mo lang alam
Ako’y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Puro s’ya na lang
Sana’y ako naman

‘Di mo lang alam
O, ika’y minamasdan
Sana iyo’y mamalayang hindi mo lang pala alam
Oooooooo

Malas mo
Ikaw ang natipuhan ko
Di mo lang alam
Ako’y iyong nasaktan

KAMUSTA NAMAN??

September 18th, 2007 by dragonesang-diosa

Sa harap ng computer sa opisina.

Airconditioned.

Malamig.

Sya lang ang tao.

Pilit kinacram ang trabahong matagal na dapat tapos. Di rin nya alam kung bakit kelangan nyang ulit-ulitin yung report na pinapagawa sa kanya e kahit anong gawin naman e pareho din ng conclusion.

Humahaba lang bawat rebisa, ganun pa rin naman. Nagiging boring lang lalo, nakakapagod.

At dahil nga sa sobrang pressure, nautot sya.

Di na napigilan.

Walang tunog pero lintik ang amoy.

ANGBAHO!

Pero wala syang magawa.

Alang ibang dapat sisihin kundi ng sarili dahil sya ang may gawa ng sariling delubyo. Lalong isinumpa ang putanginang trabaho.

Gusto nyang umalis na sa lugar na yon. Huminga ng malinis na hangin sa labas pero hindi nya magawa.

Bakit?

Kasi panaginip lang lahat.

Wala naman talaga sya don pero kongkretong nararamdaman, nakikita, at – higit sa lahat – naaamoy nya ng paligid. Isipin mo na lang kung ikaw ang nasa lugar nya. Nakakayamot siguro noh?