Archive for September, 2008

5th of September, sarap burahin sa kalendaryo….

Sunday, September 7th, 2008

Birthday ng kapatid ko. Sweldo. Dapat masaya ko. Pero…

Simulan natin sa umaga, nagising ako bago ang alarm, bad dream…

Isa sa mga madalang na panaginip na natandaan ko at in a first person POV. Nagpropose daw sakin si Bruce Wayne (oo, si batman), patay ka dyan! Hehehe. Kaso lang di natuloy ang kasal namin, kasi nga isa syang…fictional character at ang pangarap ko talagang pakasalan e si Brandon Routh. Edi keri ko pa yun, may iba nang ikakasal dun sa venue, yep we cancelled it on the same day. We ended up watching the other couple’s wedding, nagtext ata si joker kaya nag fly sya kagad. Naloka na lang ako nung i-lock yung mga pinto tas may mga naka Gregorian na get-up tas may dalang malalaking weapons (we’re talking about freakishly huge blades na may handle) in different shapes. Habang nagpapalitan ng vows hinihiwa nila (slowly as if giving the person a chance to fully experience the pain) yung mga mukha nung mga nakaupo sa first pew, may isa mas malas kasi sa leeg sya natripang hiwain. Ginagawa nila to habang kumakanta ng “murderer, murderer”. Parang Sweeney Todd na go bigtime ito, minus the spurting blood (conservative din kasi ang regulatory board ng mga panaginip ko). Pagtapos ubusin ang mga nakaupo sa first pew, nagform sila ng line paharap sa altar, kala ko lusot na kami (I was in the third pew), but noooo, may tatlo pang rumonda at namimili ng audience na hihiwain. Nag move yung row na kasama ako kaya nagka-space sa tabi ko, pota ako ang nasa dulo, I’m next!!! Bago dumating yung isang “Greggy”, may tumabi saken na mamang malaki yung tyan, umasa na lang ako na maitatago ako ng tyan nya. Sya yung hinila nung Greggy, sabi “Oi, ikaw, lika dito.” (Ay pota nagtatagalog pala!) natakot na ko kaya napilitan nako gumising. Pinag-isipan ko kung iiyak ba ko for added effect pero decided not to dahil korni. Nag-propose na saken si batman, choosy pa ba ko? Saka naalala ko na wala na pala akong conditioner kaya bumangon na ko at bumili na lang. Hehe.

Kala ko period na dun, pero when it rains, it pours.

Pagdating ko sa office, hindi maka-login yung roaming profile ko sa kahit anong PC, at kung anu-ano pang kalokohan na nagresulta sa mahigit isang oras na pagtanga. Well, atleast bayad. Pero badtrip pa rin ang walang ginagawa. Nakalogin din naman ako after 48years, muntik ko nang antayin mag flash yung events sa buhay ko pero di naman nangyari.

And it kept on pouring…

Breaktime. Badtrip nako dahil hindi productive sa pagtatrabaho (nax!) bumili ako ng sopas at siomai saka juice. Hindi kasi ako nag almusal. Habang nagkakatuwaan sa pagbubuly-han, at matapos ang isang higop ng sabaw, may nakita akong naklutang sa sopas – at hindi sya dapat nandon dahil hindi sya sahog – IPIS!!!! Pero hindi sing-laki ng font na to. Yung ipis na maliit at manipis, yung mga nasa gilid ng bus na luma, o yung ipis na nasa banyo pag umaga. Pero kahit anong klase pa ng ipis yan, potangena ipis pa rin yun! Sabi nga ni Mike Enriquez “EEEW! Kadiri!” hindi ko na idedetalye kung anong mga sumunod na nangyari dahil it all went spiraling towards hell. Naiyak lang ako, grossed out at traumatized, I’ll never look at sopas the same way ever again… para sa isang tao na mahilig kumain, malaking trauma ang makakita ng bagay na kadiri sa pagkain mo, natiis kong magutom tas parang ayoko nang kumain. Pero syempre talo ko sa gutom kaya kumain din ako ng sisig nung lunch, atleast kung may ipis yun, kakulay na kaya hindi ko na mapapansin.. hehe, diba nga what you don’t know won’t hurt you saka what doesn’t kill you will only make you stronger? Pakainin kaya natin ng ipis yung nagpauso neto? Inisip ko na lang na on the plus side, atleast buo pa yung ipis nung makita ko, kasi kung bawas na ibig sabihin nasa loob ko na yung iba, daba? Ang optimist ko noh? Hehe, I’m now a stronger person… pota. Ang kumontra pakakainin ko ng full-grown ipis!!!

Ang ending…

What always comes after the rain? Baha, hindi rainbow. Aba, atleast na-withdraw ko na yung bonggang sweldo ko. Buhay na ulet! Hehe. Mabibili ko na ng cake yung mga may bertdey kong kapatid. Plus the hope that I will be given a chance to wake up to a better tomorrow.

E ano naman kung pangit ang araw ko ngayon? Swerte pa rin ako dahil yung iba inipis na, tinitiis pa ring kainin. Yung iba kahit sopas na may ipis, walang makain (pero parang swerte pa yun). Yung iba, kumakain ng ipis. Yung iba utak ipis. Yung iba boses ipis. Wala nang pinupuntahan to kaya tama na ang pagbanggit sa ipis.

Basta dapat thankful tayo sa mga bagay bagay sa buhay natin kahit minsan parang badtrip, may reason pa rin kung bat nangyari yun satin. Nakakaumay din pag lagging blue skies ang drama mo, kelangan may ulan to freshen things up, not to dampen our days. And after the rain, we look at the blue skies with a better appreciation. =j

Tropa ni Ate Betch

Sunday, September 7th, 2008

How dare she blame it on my baby toi!

Alam kong di natin nalimutan si Ate Betch from College…

Refresher:

Sya yung malditang taga-bigay ng clearance form sa College of Arts and Sciences sa UPLB, naku may mga bagong biktima nanaman sya for sure dahil graduation is just around the corner. Uurong nanaman ang regal at tutubo ang sungay ni ate betch. Bongga nanaman sya ngayon. Tangina sya.

Present:

Heniwey, akala ko lusot na ko after the fateful clearance period… BUT NOOOOOO…

Marami nga pala kung tumubo ang masasamang damo. Syempre may mag o-audition para sa ‘Who is the Betchiest of Dem Ol’ title na ginaganap taun-taon sa bayan nila na kung tawagin ng marami ay IMPYERNO. Di kagaya ng normal na contests, hindi iniipon sa iisang lugar ang contestants, distributed sila sa iba’t-ibang lugar. Simple lang ang mechanics, pagalingang mameste ng buhay ng iba. Mahirap, pero someone has to do the job daba? Lets all be thankful for all the Ate Betches on earth, dahil kundi sa kanila, wala tayong paggagamitan ng mga mura gaya ng potangena, mamatay na sana sya, kunin na sana sya ni lord, etc. Sila ang mga dakilang tagasukat kung hanggang saan ang pasensya ng ibang tao. Sila ang mga tagasubok kung may kapasidad ka ba talagang makapatay. Sila ang nagpapalapit satin kay lord:

“Lord, alam ko pong may dahilan ang lahat ng to, kaya naman sinusuko ko na sya sa inyo. Kunin nyo na po sya… eymen. ”

Diba? Pabanal nang pabanal ang marami dahil sa kanila, ilang request kaya ang narereceive na ganito araw-araw? Hay… sabi ko bagong buhay mode na ko. Pero talaga yatang gusto ni lord na i-prove ko ang sarili ko.

Sabihin sa sarili ng 10x

“Killing is a sin…”

Pero hindi ba mas kasalanan na hayaan na lang silang pagala-gala sa lupa? Try ko kayang sa tubig pagalain?

Ano nanaman ba ang problema mo hunyo? Eto na ang kwento…

(queue in pang teledramang music)

Nagsimula ang lahat ate Charo noong magkatrabaho ako sa Pa-q, dahil malayo ito sa aming bahay, kinailangan kong mangupahan. Dahil sarado yung dapat naming lilipatan napilitan kaming humanap ng iba. Doon naming nakita ang boarding house ni ate betch. Maliit na kwarto na narealize kong sobrang mahal para sa 1500 na upa sa isang bwan. Walang tumatagal daw na boarder, malamang lang…

Fast forward, tinatamad na kong magkwento dahil sobrang badtrip na.

Inuwi ko si Baby Toi sa bhaus dahil kelangan kong hapitin yung ginagawa namin na libro. Sabi ko dati magdadala ko ng pc pero di pumayag ang betch, kaya bumili ako ng laptop. Malakas daw kasi sa kuryente ang computer. Pero yung anak nya magdamag nagdodota saka nagpapatugtog ng bwakanang lakas. Hindi naman yun malakas sa kuryenteee. She had to blame it on my poor Baby Toi. Ni hindi pa nga kami nagcecelebrate ng monthsary, sinusubok na agad ang relasyon namin! Sinigil lang naman ako ng 200 php para daw sa energy consumption ni Baby Toi. Makatarungan ba yun??? Hay… Ikayaman kaya nya yung nagoyo nya saken? Sana. Dahil kung hindi, lugi pa sya sa iisipin sa kanya ng mga makakabasa nito. Actually hindi ako ganong bummed out dahil sa dalwang daan, nakakapikon lang kasi saken nya siningil yung excess daw sa kuryente nung month na yon, two weeks ko pa lang dala si Baby Toi nun… at considering na summer at natural na biglang taas ng kuryente. Ganun din kasi sa apartment namin nung college. Mas nakakapikon pa kasi nung sinabi kong exaggerated naman ata na ako lang mag isa yung nakapagpamahal ng kuryente, sabi ba naman, ayaw naman nya talagang magpaggamit ng mga ganun, ako lang daw mapilit. Kulang na lang itapal ko sa muka nya yung 300. nga pala, sinisingil nya lahat ng boarders ng 100 para sa gas, walo kami, ka0share sila ng mga junakis nya sa pagconsume ng gas. Ayus diba? Pagpapalain talaga. Hataw sa tubo.

Let’s pray for her…

Lord, please end her suffering…take her back as soon as possible. Like, now.

Two weeks after that incident, lumipat na kami ng apartment. Bow.