potek….
Tagal na din mula nung una tayo magkakilala. Pareho tayo ng topak at mga trip sa buhay. Sabay nating sinubukang gumawa ng isang bagay galing sa kung anu anong karaniwang hindi pinapansin ng iba. Syempre nagkatangahan muna tayo kung anong gagawin nang biglang *ting!*.
Tara , gawa tayo ng paso! Gawa tayo ng bagay na pwedeng pakinabangan galing sa dumi kung ituring ng iba. Potters ang drama natin, ayos, hanap na tayo ng materyales. Putik, konting tubig at potter’s wheel. Kelangan ng tamang consistency ng putik para maihulma ng maayos. Sabi naman sayo malabnaw pa e, pero atat ka masyado sinalang mo agad sa mabilis nang umiikot na potter’s wheel. Yun, putik everywhere! Sabi na kasing hindi makakatagal sa mabilis na ikot ng gulong. Nauwi sa maruming pader ang obra
sana nating dalawa. Hindi ko na kinareer ang paninisi sayo kasi sobrang irita ko na nun. Nilayasan na lang kita. Di ko na inintindi kung sinong maglilinis ng kalat, kaya mo na yun may kasama ka naman e. Yoko na, sabi ko, bahala ka na dyan. Kala ko tapos na don.
Episode 2
Adik nga naman talaga yang si manong Ted Hanna no, lakas mang trip. Nilagay nanaman tayo sa iisang kalsada. Habang pareho tayong naglalakad ng nakatungo, nagkauntugaan tyo. PMS. Patay ka. Bumuga ko ng apoy, sunog ka. Kala ko tatakbo ka na pagkatapos non, pero matigas nga pala muka mo. Tinawanan mo lang ko, kaya natawa na rin lang ako. Kumustahan, kwentuhan, sumbatan ng mga dating kasalanan, tawanan ulit. Ngkatanungan tayo kung ano nga bang hinahanap natin sa lupa. Naghahanap ako ng halamang pwedeng ipalit sa cactus kong namatay. Hinahanap mo naman ang dulo ng bahaghari. Iiwan na
sana kita para ituloy ang “quest for the next carbon dioxide filter” pero naisipan mong makisabay.
Magkaibang direksyon ang pupuntahan natin. Pero mapilit kang malungkot maghanap mag-isa, e bored din ako kaya sige na nga. Sa paglalakad, may nakita tayong modeling clay, ayos, libangan. Libre na, malaki pa yung clay, iba iba pang kulay, hati tayo. Habang naglalakad, unti unti nating hinuhulma ang clay, magkatabi tayong gumawa ng kung anu-ano. Minsan seryoso, minsan galing sa outer space. Unti unti nating nagawa ng mumunti nating mga obra. Pag kapos, hiraman ng kulay na kailangan. Tagal din pala nating nalibang, layo na ng nalakad natin. Nawala na halos sa isip ko na naghahanap nga pala ko ng halaman, non ko narealize na hindi naman ako masasamahan ng halaman sa mapanganib na kalsada. Saka puno na ang kamay ko sa mga ginawa ko kanina, mga munting plano na balang araw sana magawa kong palakihin, di ko na kaya ang dagdag na bigat. Yoko muna ng halaman, Samahan na lang muna kitang hanapin ang dulo ng bahaghari, basta balatuhan mo ko ng gold coins ha? Kahit pambili lang ng Sony Bravia. Di ka pa rin tapos gawin ang obra mo, naghihintay ka pa kamo ng magtutuloy nyan para sayo? Gudlak.
May natira pa rin akong clay, di ko pa lam kung san gagamitin, marami pa naman siguro kong oras. Pero pano kung topakin nanaman si Manong Ted? Pano kung dumating yung may ari ng clay tas bawiin? Pangangatawanan ba ang banal na kasabihang “Finders keepers, losers weepers” o magpapakabait nanaman ako at isosoli ang hindi naman akin?