Archive for September, 2007

kanta, iyak sabay tawa. hehehe

Monday, September 24th, 2007

Up Dharma Down - Oo

‘Di mo lang alam
Naiiisip kita
Baka sakali lang maisip mo ako
‘Di mo lang alam
Hanggang sa gabi inaasam makita kang muli

Nagtapos ang lahat sa di inaasahang pahanon
At ngayon ako ay iyong iniwan
Luhaan, sugatan, ‘di mapakinabangan
Sana nagtanong ka lang
Kung ‘di mo lang alam
Sana’y nagtanong ka lang
Kung ‘di mo lang alam

Ako’y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Hindi mo lang alam
Kay tagal na panahon
Ako’y nandirito pa rin hanggang ngayon para sa’yo

Lumipas mga araw na ubod ng saya
‘Di pa rin nagbabago ang aking pagsinta
Kung ako’y nagkasala patawad na sana
Ang puso kong pagal ngayon lang nagmahal

‘Di mo lang alam
Ako’y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Puro s’ya na lang
Sana’y ako naman
‘Di mo lang alam
Ika’y minamasdan
Sana’y iyong mamalayang hindi mo lang pala alam

‘Di mo lang alam
Kahit tayo’y magkaibigan lang
Bumabalik lahat sa tuwing nagkukulitan
Baka sakali lang maisip mo naman
Ako’y nandito lang
Hindi mo lang alam
Matalino ka naman

Kung ikaw at ako
Ay tunay na bigo sa laro na ito
Ay dapat bang sumuko
Sana hindi ka na lang pala aking nakilala
Kung alam ko lang ako’y masasaktan ng ganito
Sana’y nakinig na lang ako sa nanay ko

‘Di mo lang alam
Ako’y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Puro s’ya na lang
Sana’y ako naman

‘Di mo lang alam
O, ika’y minamasdan
Sana iyo’y mamalayang hindi mo lang pala alam
Oooooooo

Malas mo
Ikaw ang natipuhan ko
Di mo lang alam
Ako’y iyong nasaktan

KAMUSTA NAMAN??

Tuesday, September 18th, 2007

Sa harap ng computer sa opisina.

Airconditioned.

Malamig.

Sya lang ang tao.

Pilit kinacram ang trabahong matagal na dapat tapos. Di rin nya alam kung bakit kelangan nyang ulit-ulitin yung report na pinapagawa sa kanya e kahit anong gawin naman e pareho din ng conclusion.

Humahaba lang bawat rebisa, ganun pa rin naman. Nagiging boring lang lalo, nakakapagod.

At dahil nga sa sobrang pressure, nautot sya.

Di na napigilan.

Walang tunog pero lintik ang amoy.

ANGBAHO!

Pero wala syang magawa.

Alang ibang dapat sisihin kundi ng sarili dahil sya ang may gawa ng sariling delubyo. Lalong isinumpa ang putanginang trabaho.

Gusto nyang umalis na sa lugar na yon. Huminga ng malinis na hangin sa labas pero hindi nya magawa.

Bakit?

Kasi panaginip lang lahat.

Wala naman talaga sya don pero kongkretong nararamdaman, nakikita, at – higit sa lahat – naaamoy nya ng paligid. Isipin mo na lang kung ikaw ang nasa lugar nya. Nakakayamot siguro noh?

kanta para kay…nevermind.

Tuesday, September 18th, 2007

ANDITO LANG AKO

Lucida

Andito lang ako

Nakatago sa likod ng yong anino

Magbibilang ako ng luha hanggang ako’y mapansin mo

Andito lang ako

Umaasa na ika’y lilingon

Naghalong pag asa at pasakit pinipilit sarili ko sa buhay mo

Sakali mang ika’y lumayo

Sakali mang ika’y sumaya

Sakali mang ako’y nalimutan na

Andito lang ako, sa likod ng ‘yong anino

Andito lang ako kahit hindi ako ang kailangan mo

Makinig ka naman sa aking daing

Mahal  kita, mahal kita

Sakali mang ika’y lumayo

Sakali mang ika’y sumaya

Sakali mang ako’y nalimutan na

Andito lang ako, sa likod ng ‘yong anino

Sakali mang ika’y lumayo

Sakali mang ika’y sumaya

Sakali mang ako’y nalimutan na

Andito lang ako, sa likod ng ‘yong anino

Andito lang ako…

Andito lang ako …

Sa likod ng iyong anino.

office pseudo-lovelife…

Saturday, September 15th, 2007

Di ko rin akalain na magkakaron agad ng episode three. Ahahahaaaay… haha, landi! At dahil required ang theme song, eto na…

*c’mon and get me, get me, get me, baby I’m yours c’mon and get me, you’ll never be lonely, lonely, lonely, so baby…c’mon and get me. (Get me– MYMP) – I know, ang harot! haha

Aburidong araw nanaman, hindi pa rin tumatakbo ang papel, (I’m dead next week, by the way), at sinong magaling ang pedeng sisihin? Yung kyut! Imbudo, ibinilin ko na kelangan ng pirma sa likod ng papel, ayun di sinabi, ANG GALENG! PALAKPAKAN!!!!

Pupunta na lang ako sa mall kinailangan ko pang pumunta sa office nila, bitbit ang gamit ko, pumunta ko don. Hay, hinga nang malalim, behave don’t slaughter him now, may witnesses… Ismayl. Ayan… Game!

Nasa bungad sya ng pinto, di ko pinansin, gusto ko ngang sapukin agad e. Kinausap ko agad yung dapat kausapin pero naghahanap talaga ng sakit ng katawan ang lolo kaya tanong agad

“Going home ka na?”

gusto kong sigawan ng

“hindeeee, trip ko lang bitbitin ang bag ko everywhere I go. Oo

sana

kaso dahil shungaers ka, I had to drop by your office.”

Hay. Mabait ka June, patience, patience. Tinanguan ko na lang tas balik kay ate.

Nung nagsabog ng pampam binaliktad nya ang bubong nila para sumahod kya hindi nakahalata na asar ako sa kanya. Humirit ulet

“Ang cute naman ng fish mo.” He was referring to my cell phone charm na nightmare before Christmas na di ko mintindihn kung bakit kyut daw.

Sabi ko, “Pirate kaya yaaaaan.”

Bakit hindi ko matarayan tong hinayupak na to???

“June.” Sabi nya, ilang beses, parang chocolate na nilulusaw nya unti-unti sa bibig nya ang pagkakasabi, potek kakilig!

Di ko na sya pinansin kahit tinanong nya ng ilang beses kung umiilaw daw ba yun. Lumabas  na sya. Natapos ko na ang ipinunta ko dun kaya gora na kami sa mall. Pagbaba ko ng hagdan andun pa pala sa madadaanan ko. Hay. Binati pa rin ako nginitian ko rin naman muka nga lang ngiti pagatapos kumain ng hilaw na kamias.

“Hmf. Kaw may kasalanan e. Sayo ko sinabi yun tas di napirmahan…” hindi ko alam kung ba’t iba ang delivery nito kesa sa narehearse sa utak ko na giyera-mode.

“Uy hindi ako may gawa nun.” How can I stay mad at him with that smile.

“Oi sayo ko kaya sinabi. Itinawag ko pa after.” Sabay attempt na sipain sya.

Ngumiti lang sabay. “Bye, June!”

“Tse!”

Tumalikod na ko agad kasi baka makita yung ngiti kong parang nanalo ng limang Choco Mucho sa aking suking tindhan. Hahaha. Pota parang teen-oriented show lang, I feel so high school.

* c’mon and get me, get me, get me, baby I’m yours c’mon and get me, you’ll never be lonely, lonely, lonely, so baby…c’mon and get me!

>>>> haha. Gusto kong isipin na natataranta din sya pag nakikita ako kaya hindi nya nasabi. Hay. Kainis. have to distract myself from the big bore i face in the office every freaking day…

ambango naman, ikaw ba yon?

Wednesday, September 12th, 2007

sequel ng painom…

haha. wagi! tama ang kutob ko na may patutunguhan kami ni crush… imuusad na ang plano. hehe. di ko akalain na maaaliw din pala ako kahit pano sa pag-aayos ng mga papel.

*you have stolen my…heart. (theme song ng ep2, stolen by dashboard confessional — oo required ang theme song.)

naiakyat na ang mga nyetang papel, napirmahan na daw, chineck ko, di napirmahan yung sa likod. balik ako sa office nila. no choice, kelangan syang kausapin, sya lang nandun. (hwop! sign???)

hehe. pasok ako sa loob, unang beses na nangitian ko sya. kiri, di ako makangiti dati baka mahalatang kinikilig. haha. may kausap sya sa phone kaya titig galore ang lola nyo. haha. pagkababa at pagtapos tanungin kung anong kelangan ko. di pa ko nakakasagot biglang sabi "hmmm.. ambango naman, ikaw ba yon?" with feelings yan, parang paid advertisement ng downy, muntik ko nang antayin yung tagline. haha. kups pa rin noh. muntik ko nang barahin at sabihing "malamang e dalawa lang naman tayo dito at kung ikaw yon, aba bakit victoria’s secret ang pabango mo????" pero hindi ko sinabi. eto sinabi ko, "sheeempreee." tangina, kundi malandi’t bading yan ewan ko na lang. haha… ngitian lang kami after kong sabihin ang pakay.

may kwento din pala yung themesong, yan ang tugtog sa radyo nung tumawag ako sa office nila dahil nalimutan kong itanong kung andun pa boss nya sa taranta at kilig. haha. i feel so highschool.

*you have stolen my…heart.

how abnormal can i get?

Saturday, September 8th, 2007

ang adik kong mata mag-isang umiiyak kanina. yung kaliwa lang. labo. ang sakit nga ngayon e, ayaw papiit. baka magkakaboga ako. ewan. wla na kong maidagdag at nadidistract ako sa kanta sa conpu shop, "hey,hey,you, you, i don’t like your girlfriend!" haha. themesong kay…. haha. we could have been…never mind. oyeah, ampalaya in coffee sauce. badtrip, makainom mamaya!!!!