look at what the rain brought in
Bumabagyo, bumabaha ng ewan. Pinagpalang araw nanaman, walang pasok. Andami pa ring gagawin pero bakit ako bored? Nag adik nanaman kasi ako kahapon. Nagpunta ako sa mall mag-isa. Yep. MAG ISA. Kahit pinipilit akong paaminin na may kasama ako, e kung wala naman talaga. Kala ko nga huling araw ko na e, haha, takot ko na lang mag commute mag isa. Quality time with me, myself and I. Tagal na rin nung huli akong lumabas kasama ang sarili ko, bisyo nung college. Anyway, ayun nga, punta kong mega mall, kung may nakita kayong babae na mabilis maglakad na parang may hinahabol, malamang ako yon. Badtrip pa yung nakatabi ko sa fx, baklang nerd, sarap sunugin! Haha. Pagdating ko sa mall derecho ko sa national bookstore. Dalawang libro lang dapat bibilhin ko, yung isa para sa isusult ko, yung isa regalo ko sa sarili ko. Yep, another of my “keep me sane” routine. Missing the spluge days so bad, ayun dami kong nadampot sale kasi e. Ang dalawa naging
lima . Babay wantawsan. Pero paglabas ko, I had that stupid grin on my face that only happens when I did something exclusively for me, myself and I’s knowledge. Genuine happiness that I didn’t have to share. Pagkatapos ng fiesta, at pagdedesisyon kung Stardust o American Gods ang bibilhin (20 mins din siguro akong inabot nun), maaga pa, isip ng bagong gagawin.
Gutom at ala sa mood kumain mag-isa, naisip kong manuod ng sine sabay kain na rin. College freshman ako nung matripan kong manuod mag isa, may lumalapit sakin na matanda kaya hindi ko na inulit, until yesterday. Haha. Nanuod ako ng evan almighty, hindi ko na pinroblema na kahit madami naming bakante sa tabi ko pa naupo yung matanda, natakot na sya sa lakas kong tumawa. Half the time mas natatawa ko kasi napapatingin sya kasi andali kong matuwa sa mga hirit. May point din na sumakit yung tyn ko kakapiit tumawa ng malakas kasi yung buong hilera na yung nakatingin sakin.
Para lang akong nagbi-breaching experiment. Natapos ang pelikula. Bibili lang ako ng tshirt tas uuwi na.
Kala ko ayos na yung mag isa lang ako, natanga na lang ako nung may madaanan akong lugar na sobrang dami ng tao tas wala akong makapitan. Di ko rin alam kung san nagsimula yung takot ko sa malalaking crowds. Siguro dahil madalas din akong mawala sa malls noon. Naging dahilan din yon ng maaga kong pagpasok sa klase kasi ayokong sumabay sa crowd na isinusuka ng math building. Bukod don, ayos naman. Narealize ko lang na ang bag kahit gano mo kahigpit kapitan, hindi ka pagtatawanan dahil takot ka sa maraming tao, at hindi ka rin kayang hilahin ng bag palayo sa mga kinatatakutan mo.
Sumobra ata ako sa saya kahapon, pagtapos mag mall inuman naman. Haha. Laseng! Mga kaibigang medyo matagal din hindi nakita, tawanan, kwentuhan ng mga nakakatangang bagay sa buhay, pati nga mga minamahal (yep, that was the term). Laseng! Ang saya kahapon, sobra. Kaya siguro ni hindi ko makuhang pangitiin ang mga mata ko ngayon. Dapat pala nagtira ako. Dapat pala nagpunta na lang ako sa tagal ko na ring balak puntahan. Dapat pala…