episode wan
Tagal na din mula nung una tayo magkakilala. Pareho tayo ng topak at mga trip sa buhay. Sabay nating sinubukang gumawa ng isang bagay galing sa kung anu anong karaniwang hindi pinapansin ng iba. Syempre nagkatangahan muna tyo kung anong gagawin nang biglang *ting!*.
Tara , gawa tayo ng paso! Gawa tayo ng bagay na pwedeng pakinabangan galing sa dumi kung ituring ng iba. Potters ang drama natin, ayos, hanap na tayo ng materyales. Putik, konting tubig at potter’s wheel. Kelangan ng tamang consistency ng putik para maihulma ng maayos. Sabi naman sayo malabnaw pa e, pero atat ka masyado sinalang mo agad sa mabilis nang umiikot na potter’s wheel. Yun, putik everywhere! Sabi na kasing hindi makakatgal sa mabilis na ikot ng gulong. Nauwi sa maruming pader ang obra
sana nating dalawa. Hindi ko na kinareer ang paninisi sayo kasi sobrang irita ko na nun. Nilayasan na lang kita. Di ko na inintindi kung sinong maglilinis ng kalat, kaya mo nay un may kasama ka naman e. Yoko na, sabi ko, bahala k na dyan. Kala ko tapos na don.