ederlyn, inday, helen.
college senior ako nung binigyang buhay si ederlyn sa text, yung nagtatampo dahil nilangaw ang birthday party nya. hanggang sa marami na ang pumatol at magdugtong sa mala-telenovelang buhay ni ederlyn. tapos umamin din yung pasimuno na thesis si ederlyn. haha. at tinigilan na ng mga tao ang pagtangkilik sa ating bida. kala ko tapos na don, balik na sa mga chain texts na kapag hindi mo pinasa sa 1235454812 people ay sasara ang butas ng pwet mo. ahet, e pano ko, ilan lang ba friends ko??? oh no!!!! narealize ko rin na hindi totoo yung mga yon dahil hanggang ngayon ay maluwalhati pa kong nakakajebs.
ayun nga, edi tapos na si ederlyn, may brilliant naman na nakaisip na imbes na gawing katatawanan ang katangahan ng ating si inday, bakit hindi natin sya gawing profound?? tenteneneeeeen!!!! patok!
pero hindi tungkol kay inday tong post na to. bat pa ko lalayo kung sa bahay namin meron nang helen na hindi lang profound, chef pa sa jupiter!
hanep mangatwiran, di mo kakayanin. halimbawa:
GUNTING
sinta: ate helen…
helen: tika sandali naghuhugas pa ku ng plato!
s: (magtatanong lang naman) nakita mo ba yung gunting?
h: ha? anung gunting? wala naman tayong gunting.
s: (naimbudo na, aalis na lang)
pagdating ko ng hapon, ayun gamit si gunting. *PALAKPAKAN*
TINOLA
normal na gabi, galing kami sa simbahan. pag uwi tinola ang ulam. ayos. nung sinasandok na ang ulam, may kahinahinalang gulay akong nakita.
sinta: ate helen, ano tong ulam? (baka kasi tanga lang ako at hindi ko alam kung ano ang mga sahog ng tinola)
helen: tinolang manok
s: a… ano to? (sabay sandok sa siling pansigang)
h: wala kasi akong nabiling dahon ng sili kaya yan nalang linagay ko.
di ko alam kung tatawa ako o tatambling dahil nakakatanga talaga. onga naman, walang dahon kaya bunga na lang ang ilagay natin. antanga ko talaga, BAKIT HINDI KO YON NAISIP???!!! pero bakit kaya tinawag na SILING PANSIGANG yon kung pwede rin pala sa tinola? pwede kayang SILING PANTINOLA na lang? hmmmm. tawag tayo sa imbestigador.
SINIGANG
paborito kong ulam ang sinigang na baboy. pero yung lutong earth lang, ayoko nung sa jupiter. tahimik na tanghali, wala kaming kamalay-malay na may sorpresa nanaman pala si ate helen sa aming normal na pamilya. hehe
sinta: (pagkasandok ng ulam) waw, sinigang! lalalalala…
nang biglang….
sinta: o hinde! (syempre for fun lang to)
helen: bakit?
s: ano to? (sabay turo sa kahina-hinalang butil na nasa sinigang)
h: bawang. diba nilalagyan ng bawang yan?
s: (wala nang intensyong kumain, pero gutom) walang bawang ang SINIGANG!!!!
h:a… ganun ba?
panalo daba???? hindi ko alam kung unti-unti nya kaming nilalason o ganun talaga ang luto sa kanila sa bandang jupiter. kaya kung may nagtatanong kung anong sikreto at hindi kami nagtatabaan sa bahay (pwera sa mga magulang kong may kakayanang kumain sa labas). HELEN IS THE ANSWER!!! si ate Helen ang pag asa ng mga obese! si helen laaaaaaang!!!! haha.
*ang post na ito ay side effect ng sobrang ketchup sa blood stream. ang almusal namin kelangan yung mga nilalagyan ng ketchup. sa jupiter siguro hinuhuli yung mga nagluluto ng maayos at may variation na pagkain. pota!!!!!!!