Archive for August, 2007

ederlyn, inday, helen.

Friday, August 31st, 2007

college senior ako nung binigyang buhay si ederlyn sa text, yung nagtatampo dahil nilangaw ang birthday party nya. hanggang sa marami na ang pumatol at magdugtong sa mala-telenovelang buhay ni ederlyn. tapos umamin din yung pasimuno na thesis si ederlyn. haha. at tinigilan na ng mga tao ang pagtangkilik sa ating bida. kala ko tapos na don, balik na sa mga chain texts na kapag hindi mo pinasa sa 1235454812 people ay sasara ang butas ng pwet mo. ahet, e pano ko, ilan lang ba friends ko??? oh no!!!! narealize ko rin na hindi totoo yung mga yon dahil hanggang ngayon ay maluwalhati pa kong nakakajebs.

ayun nga, edi tapos na si ederlyn, may brilliant naman na nakaisip na imbes na gawing katatawanan ang katangahan ng ating si inday, bakit hindi natin sya gawing profound?? tenteneneeeeen!!!! patok!

pero hindi tungkol kay inday tong post na to. bat pa ko lalayo kung sa bahay namin meron nang helen na hindi lang profound, chef pa sa jupiter!

hanep mangatwiran, di mo kakayanin. halimbawa:

GUNTING

sinta: ate helen…

helen: tika sandali naghuhugas pa ku ng plato!

s: (magtatanong lang naman) nakita mo ba yung gunting?

h: ha? anung gunting? wala naman tayong gunting.

s: (naimbudo na, aalis na lang)

pagdating ko ng hapon, ayun gamit si gunting. *PALAKPAKAN*

TINOLA

normal na gabi, galing kami sa simbahan. pag uwi tinola ang ulam. ayos. nung sinasandok na ang ulam, may kahinahinalang gulay akong nakita.

sinta: ate helen, ano tong ulam? (baka kasi tanga lang ako at hindi ko alam kung ano ang mga sahog ng tinola)

helen: tinolang manok

s: a… ano to? (sabay sandok sa siling pansigang)

h: wala kasi akong nabiling dahon ng sili kaya yan nalang linagay ko.

di ko alam kung tatawa ako o tatambling dahil nakakatanga talaga. onga naman, walang dahon kaya bunga na lang ang ilagay natin. antanga ko talaga, BAKIT HINDI KO YON NAISIP???!!! pero bakit kaya tinawag na SILING PANSIGANG yon kung pwede rin pala sa tinola? pwede kayang SILING PANTINOLA  na lang? hmmmm. tawag tayo sa imbestigador.

SINIGANG

paborito kong ulam ang sinigang na baboy. pero yung lutong earth lang, ayoko nung sa jupiter. tahimik na tanghali, wala kaming kamalay-malay na may sorpresa nanaman pala si ate helen sa aming normal na pamilya. hehe

sinta: (pagkasandok ng ulam) waw, sinigang! lalalalala…

nang biglang….

sinta: o hinde! (syempre for fun lang to)

helen: bakit?

s: ano to? (sabay turo sa kahina-hinalang butil na nasa sinigang)

h: bawang. diba nilalagyan ng bawang yan?

s: (wala nang intensyong kumain, pero gutom) walang bawang ang SINIGANG!!!!

h:a… ganun ba?

panalo daba???? hindi ko alam kung unti-unti nya kaming nilalason o ganun talaga ang luto sa kanila sa bandang jupiter. kaya kung may nagtatanong kung anong sikreto at hindi kami nagtatabaan sa bahay (pwera sa mga magulang kong may kakayanang kumain sa labas). HELEN IS THE ANSWER!!! si ate Helen ang pag asa ng mga obese! si helen laaaaaaang!!!! haha.

*ang post na ito ay side effect ng sobrang ketchup sa blood stream. ang almusal namin kelangan yung mga nilalagyan ng ketchup. sa jupiter siguro hinuhuli yung mga nagluluto ng maayos at may variation na pagkain. pota!!!!!!!

look at what the rain brought in

Monday, August 27th, 2007

Bumabagyo, bumabaha ng ewan. Pinagpalang araw nanaman, walang pasok. Andami pa ring gagawin pero bakit ako bored? Nag adik nanaman kasi ako kahapon. Nagpunta ako sa mall mag-isa. Yep. MAG ISA. Kahit pinipilit akong paaminin na may kasama ako, e kung wala naman talaga. Kala ko nga huling araw ko na e, haha, takot ko na lang mag commute mag isa. Quality time with me, myself and I. Tagal na rin nung huli akong lumabas kasama ang sarili ko, bisyo nung college. Anyway, ayun nga, punta kong mega mall, kung may nakita kayong babae na mabilis maglakad na parang may hinahabol, malamang ako yon. Badtrip pa yung nakatabi ko sa fx, baklang nerd, sarap sunugin! Haha. Pagdating ko sa mall derecho ko sa national bookstore. Dalawang libro lang dapat bibilhin ko, yung isa para sa isusult ko, yung isa regalo ko sa sarili ko. Yep, another of my “keep me sane” routine. Missing the spluge days so bad, ayun dami kong nadampot sale kasi e. Ang dalawa naging

lima

. Babay wantawsan. Pero paglabas ko, I had that stupid grin on my face that only happens when I did something exclusively for me, myself and I’s knowledge. Genuine happiness that I didn’t have to share. Pagkatapos ng fiesta, at pagdedesisyon kung Stardust o American Gods ang bibilhin (20 mins din siguro akong inabot nun), maaga pa, isip ng bagong gagawin.

Gutom at ala sa mood kumain mag-isa, naisip kong manuod ng sine sabay kain na rin. College freshman ako nung matripan kong manuod mag isa, may lumalapit sakin na matanda kaya hindi ko na inulit, until yesterday. Haha. Nanuod ako ng evan almighty, hindi ko na pinroblema na kahit madami naming bakante sa tabi ko pa naupo yung matanda, natakot na sya sa lakas kong tumawa. Half the time mas natatawa ko kasi napapatingin sya kasi andali kong matuwa sa mga hirit. May point din na sumakit yung tyn ko kakapiit tumawa ng malakas kasi yung buong hilera na yung nakatingin sakin.

Para

lang akong nagbi-breaching experiment. Natapos ang pelikula. Bibili lang ako ng tshirt tas uuwi na.

Kala ko ayos na yung mag isa lang ako, natanga na lang ako nung may madaanan akong lugar na sobrang dami ng tao tas wala akong makapitan. Di ko rin alam kung san nagsimula yung takot ko sa malalaking crowds. Siguro dahil madalas din akong mawala sa malls noon. Naging dahilan din yon ng maaga kong pagpasok sa klase kasi ayokong sumabay sa crowd na isinusuka ng math building. Bukod don, ayos naman. Narealize ko lang na ang bag kahit gano mo kahigpit kapitan, hindi ka pagtatawanan dahil takot ka sa maraming tao, at hindi ka rin kayang hilahin ng bag palayo sa mga kinatatakutan mo.

          Sumobra ata ako sa saya kahapon, pagtapos mag mall inuman naman. Haha. Laseng! Mga kaibigang medyo matagal din hindi nakita, tawanan, kwentuhan ng mga nakakatangang bagay sa buhay, pati nga mga minamahal (yep, that was the term). Laseng! Ang saya kahapon, sobra. Kaya siguro ni hindi ko makuhang  pangitiin ang mga mata ko ngayon. Dapat pala nagtira ako. Dapat pala nagpunta na lang ako sa tagal ko na ring balak puntahan. Dapat pala…

episode wan

Sunday, August 19th, 2007

Tagal na din mula nung una tayo magkakilala. Pareho tayo ng topak at mga trip sa buhay. Sabay nating sinubukang gumawa ng isang bagay galing sa kung anu anong karaniwang hindi pinapansin ng iba. Syempre nagkatangahan muna tyo kung anong gagawin nang biglang *ting!*.

Tara

, gawa tayo ng paso! Gawa tayo ng bagay na pwedeng pakinabangan galing sa dumi kung ituring ng iba. Potters ang drama natin, ayos, hanap na tayo ng materyales. Putik, konting tubig at potter’s wheel. Kelangan ng tamang consistency ng putik para maihulma ng maayos. Sabi naman sayo malabnaw pa e, pero atat ka masyado sinalang mo agad sa mabilis nang umiikot na potter’s wheel. Yun, putik everywhere! Sabi na kasing hindi makakatgal sa mabilis na ikot ng gulong. Nauwi sa maruming pader ang obra

sana

nating dalawa. Hindi ko na kinareer ang paninisi sayo kasi sobrang irita ko na nun. Nilayasan na lang kita. Di ko na inintindi kung sinong maglilinis ng kalat, kaya mo nay un may kasama ka naman e. Yoko na, sabi ko, bahala k na dyan. Kala ko tapos na don. 

overload

Saturday, August 18th, 2007

life is indeed a roller coaster. we’ll never know when the next turn will be. right now, im getting sick with all these turns. as much as i want to, i can’t get the ride to go on a screeching halt. my car will fly off the rail.my bones are brittle. i can’t afford a broken bone. i just need something to hold on to. something that can absorb this sinking feeling that i am having. i must have the freedom to scream my heart out. i want to scream until they hear my voice to the next galaxy. but most of all, i want you to listen when i scream.

painom…

Monday, August 13th, 2007

<why do birds suddenly appear, everytime you are near.>

lunch break. medyo madilim sa hallway dahil nap time ng mga tao sa opisina. kumuha ko ng mainit na tubig sa isang office sa baba. derecho lang, medyo asar kasi nautusan. di ko napansin na may tao pala sa bandang tabi (hindi ko naman nabuhusan ng tubig). si crush aka ex boyfrend pala. yung pampam na tumanggap ng envelope ng dyaryo namin. dapat naisip ko na dati na nagpapacute lang sya non. kala ko nagtataray. sakit pala nya yung pa-cute, in fairness cute naman talaga. hmmm… pwede. kala ko supladong epal lang, papansing epal pala. asteg may libangan na kahit papano. may dahilan nang gumalagala. panalo. nagsimula sa "painom", tagal ko pa nagreact kasi kala ko hindi ako, napansin ko lang nung nakatingin pala saken. sabi ko sa tonong pa-cute din "ayoko". ako na malandi. iba ang nagagawa ng boredom. haha.

<just like me, they long to be close to you….>

legs, legs, legs mo ay nasa ibabaw…

Friday, August 10th, 2007

nahukay ko sa desktop ko, matagal nang nakatengga for posting. oo, ako na ang mayabang. naisip ko lang sa minsang pagsumpong ng toyo. ang tamaan, illegal logger!! haha

Pumunta ako kanina sa negosyo ng mga magulang ko na pinaiintindi nila sakin dahil ginugulangan daw sila ng mga tauhan nila. At dahil tinotopak ako at normal na araw lang naman, naka shorts at t-shirt akong pumunta don, muka akong basahan. Habang sakay ng tricycle papunta don, may nadaanan kaming mga lalaking walang alam na magandang gawin sa mga buhay nila kaya hapon pa lang nag iinom na sa tabi ng kalsada. My sinabi sila sa driver na hindi ko inintindi pero sa itsura nung driver mukang nakakagago para sakin yung sinabi. Punyeta talaga, magsuot ka lang ng maiksing shorts, malandi ka na, bastusin, haliparot, pokpok, at kung anu-ano pang kaya nilang sabihin. Gusto ko silang babain at tadyakan ng tigitigisa sa parte na hindi agad mawawala ang sakit, kaso marami pa kong kelangang gawin. Hindi ba pwedeng dahilan na mainit lang kaya ako naka shorts? O kaya naman wala nakong maisuot? O kaya nman yun lang yung una kong nahugot sa cabinet ko? O kaya sadyang maganda ang legs ko para itago? Kaso hindi pedeng ipaliwanang lahat ng dahilan na yan sa lahat ng taong masasalubong ko, pwede rin pala akong mgpatatak ng t-shirt na magpapaliwanag ng mga dahilan na to. Kaso ala akong pakialam masyado, tumingin man kasi sila maghapon, hindi naman nila makukuha.

Pero dapat din sigurong sinasala yung mga nagsusuot ng shorts. May mga tao kasing sadyang matigas ang muka, ako nung magkapeklat yung isa kong hita, nahiya nakong magshorts, baka kasi may kumakain pagdaan ko tas mawalan ng gana. Pero yung iba talaga matigas ang muka. Yung mga tipong pag dumaan mapapatawag ka sa DENR para mag report ng illegal logger na nahuli mong may dalang troso. Yung matutulala ka for two seconds dahil pinag iisipan mo kung humanly possible ba yung ganun kalaking legs tas maitim tas ipapakita pa sa shorts na halos hanggang singit? Putik, ako na ang manlalait, filingera, at whatever, pero kung ako ang may ganon, kukunan ko ng picture tas ilalagay sa lata at hihingi ng donation na kundi man pampa-lypo, pambili manlang ng pantalon.

Siguro din dapat ko nang tigilan ang pakikialam sa hita ng iba. Pero sa t’wing may makikita ‘ko, naaalala ko ang kagubatang halos kalbo na, naaawa ako sa iba pang kagaya kong nawawalan ng gana twing makikita yung punyetang mga hita nung taong ganun. Pag naging Presidente ako, sisiguruhin ko na dapat may lisensya muna bago ka makapagsuot ng shorts, yung may due process talaga. Parang VISA application. Mahigpit, tutal para din naman sa kanila yun, iwas kahihiyan at mas maganang pagkain para sa mga kumakain sa mataong lugar. Morale booster na, nagpopromote pa ng good health. Lahat panalo!

(Hehe. Obviously, wala lang akong magawa.)