lapit na bertdey…
hay, pinost ko na nang maaga para tumatak sa utak ko. yung tipong gasgas na pag naaalala kong malapit na ang pag gunita sa unang langhap ko ng hangin sa mundo. halos 21 years nang nagdurusa ang Pilipinas sa pananatili ko dito at pakikiagaw sa precious and diminishing resources pero kokonti pa lang ang may alam na buhay ako. ilang araw na lang ay debut ko na, oo, lalake po talaga ako at nagkataon lang na bumagay sa itsura ko ang mahaba ang buhok at malantik na pilikmata. ayun, pag siguro may bumati saken ang mababasa ko na lang mula sa "Happy birthday" ay "birthday" lang. may oras pa naman, sana maging happy kahit pano.
sa dalawa kong truest true friends sa earth, alam nyo na kung anong gusto kong regalo, bawal na ang kuripot at may trabaho na kayo. haha. hehe, basta bawal kayong umabsent sa bertdey ko, kahit walang handa. tambay lang tayo, nuod ng tv, at inom ng shake (gawan natin ng paraan para ishake ang beer). hehe. lord, san ba nakakabili ng sipag??? hay… nakakaloka siguro kung biglang magcomment si lord dito. haha. obviously napraning nako dahil ilang bwan nakong stagnant, at wala nanamang mapupulot na matinong ideya sa blog entry na to. hehe. wag nyo nang patulan at meron ako.