Archive for June, 2007

new spaceship!

Sunday, June 24th, 2007

wahehe. nakalipat nako! wahoo! i’m free!!!! charing. haha. dahil di ko maayos ang buhay ko at naiimbudo lang ang nanay ko saken dahil maghapon akong nakahilata sa harap ng tv, pinatapon nya ko sa apartment namin sa bundok para alilain sa negosyo nila. maliit lang yung bahay pero ako lang ang nakatira, may maid na naglilinis dahil alam ng nanay kong kaya kong gawing payatas yun in two weeks. haha. nakakalungkot lang minsan pag mag isa lang akong nanonood ng dvd at maririnig ko yung echo ng tawa ko. akalain mo nga naman sa liit nun, may echo pa. haha. may buena mano nakong bisita kahapon. punta lang kayo, dala kayong moni dahil malayo sa sibilisasyon yun. lapit na nga birthday ko. kamusta naman yung si lhot na binati ako nung 22? sa 30 pa po. at mycs, wag tayo mag countdown, dahil pag ginagawa namin dati yun bumabagyo pag bertdey ko. sana nga bumaha…ng beer. haha. hindi ako mangungumbida, pumunta nalang ang pupunta. hehe. parang nag invite na rin. haha. may landline na sa bahay sa bayan! haha. kung kailan wala na ko dun at kung kaylan tapos na ang pakay ng gustong tumawag sakin non. kalugi.

lapit na bertdey…

Wednesday, June 20th, 2007

hay, pinost ko na nang maaga para tumatak sa utak ko. yung tipong gasgas na pag naaalala kong malapit na ang pag gunita sa unang langhap ko ng hangin sa mundo. halos 21 years nang nagdurusa ang Pilipinas sa pananatili ko dito at pakikiagaw sa precious and diminishing resources pero kokonti pa lang ang may alam na buhay ako. ilang araw na lang ay debut ko na, oo, lalake po talaga ako at nagkataon lang na bumagay sa itsura ko ang mahaba ang buhok at malantik na pilikmata. ayun, pag siguro may bumati saken ang mababasa ko na lang mula sa "Happy birthday" ay "birthday" lang. may oras pa naman, sana maging happy kahit pano.

sa dalawa kong truest true friends sa earth, alam nyo na kung anong gusto kong regalo, bawal na ang kuripot at may trabaho na kayo. haha. hehe, basta bawal kayong umabsent sa bertdey ko, kahit walang handa. tambay lang tayo, nuod ng tv, at inom ng shake (gawan natin ng paraan para ishake ang beer). hehe. lord, san ba nakakabili ng sipag??? hay… nakakaloka siguro kung biglang magcomment si lord dito. haha. obviously napraning nako dahil ilang bwan nakong stagnant, at wala nanamang mapupulot na matinong ideya sa blog entry na to. hehe. wag nyo nang patulan at meron ako.

undefined….

Sunday, June 17th, 2007

wala akong trabaho pero meron, may sarili nakong bahay pero di akin. haha. ako na ang reyna ng ambiguity. minsan naisip ko na rin na kaya lang ako pinag college ay para may iba kong mapuntahankung sakaling hindi na magandang ideya ang pagnenegosyo. sinabi kasi sakin dati yun. for delivery pa ata yung spine ko, aalis nga ako sa poder ng mga magulang ko pero physically lang yun, yung solong bahay na lilipatan ko, kanila pa rin. pero astig sya, feeling college ulit, minus the splurge factor nga lang. sana makapag uwi ako ng boylet minsan, hehe. ang astig, konting panahon na lang game na, another chapter. sabi ng nanay ko mag asawa na daw ako, haller, kamusta naman ang paghanap ng maayos na lalaki these days??! darating din tayo dyan, i’ll find it in my own terms, in my own pace. hanap na rin siguro ako ng trabahong ibang tao ang amo, parang maid, takot at tamad pa ko sa ngayon. raket na lang muna. hehe. antayin ko una sia mag break, pucha magkasawaan na sana, 8 years na, move on mga tsong. magpakasal na kayo para hanap nako ng iba. putik…

masaya lang

Tuesday, June 12th, 2007

kahit walang tulong ng drugs o chocolate, masaya ako… hehe… kahit ilang araw lang akong sumaya, kahit alam ko na na ang isang moment na ganon ay ginawa para malungkot lang ako sa bandang huli, ayus lang. ikaw naman yan e, kaw lang makakagawa at ikaw lang ang pinapayagan kong gumawa. you are my constant pain supply. i don’t know how long i can tolerate it but i’ll hang on. sabi nga dun sa isang kanta, "you are my sweetest downfall, i loved you first.." hehe. if it came from you, pain is hapiness…