gusto kong patangay pero ayoko…
Kung kelan natutunan mo nang mahalin ang tag-init biglang uulan.
Ganun talaga, dapat inaasahan na rin nating mangyayari ang mga ganito. Ilang beses ko na bang nasabi na kahit kelan hindi maganda ang nasasanay. Sabi lang ng sabi, hindi naman ginagawa. Sakit na nga siguro. Sumasabay pa sa init na dala ng summer, buti na lang wala ako sa elbi. Parang impyerno siguro don, hyper init. Pano naman dun nakatapat ang butas ng ozone layer. Pero kelangang tanggapin na sooner ay kelangan kong bumalik. Marami pa kong kelangan ayusin, mga bagay na kelangan ko para tuluyang makapasok sa labas.
Matagal na kong sumasabay sa agos ng ilog ng edukasyon. Inip na inip pa ko dati na makarating sa dulo. Mabato ang daan, may nga oras pa na muntik na kong malunod, salamat sa mga nagkaroon ng awa na hilahin ako mula sa ilalim ng nagwawalang agos na hindi ko namalayang lumamon na pala sa buong pagkatao ko. Mahirap ang paglalakbay, buti hindi ako nagiisa. Hindi mo mapapansin ang mga batong masakit makauntog o ang mga kung anu-anong maari mong ikamatay pag may mga kasabay kang tutulong sayo dahil alam nila ang pakiramdam. Makailang beses ko rin ginustong umahon at manatili sa ginhawa ng pampang pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, tinuloy tuloy ko.
Hanggang sa narating ko nga ang pinananabikang dulo. Mukang tanga ang sasabihin ko pero, hindi magiging ganoon kasaya ang pagdating sa dulo kung hindi ko babalikan ng tanaw yung mga dinaanan ko na sa mga oras na yon ay parang kaya kong ipagpalit lahat ng nakahain sa harapan ko para lang bumalik sa mga paghihirap na yon. Yung matagal kong inasam at pianghirapang marating ay hindi naman pala ganoon kagarbo. Masaya ako oo, pero pagtapos ng graduation rites gustong gusto kong maglupasay at mag-iiyak.
Ang inakala ong dulo ay panibagong simula pala. Simula ng mas malawak na karagatan na kelangan ko nanamang languyin. Hindi lang mga bato ang kalaban ko pag lumusong nako dun. Mga buhay na mas malalaki pa sakin, mas malaki pa sa nakasalamuha ko sa ilog. Natatakot akong malamon nila ng buhay, natatakot akong malunod dahil hindi ako basta basta makakakapit sa dalampasigan, mas mahabang languyan bago makarating sa ginhawa ng lupa, natatakot din akong baka hindi ko makaya. Sapat na ba ang dinanas ko sa halos dalawampung taon sa paaralan? Pero hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan. Mas gusto kong mawala nang sumubok kesa mabuhay ng matagal pero wala namang nakatanda.
Sa ngayon ay isa isa kong pinapanood ang mga nakasabay ko na tinatangay ng agos papunta sa malawak na bagong mundo. Kanya kanya sila ng dahilan. Nakakapit pa rin ako sa matibay na lupa sa pagitan ng kinasanayan ko at ng bagong mundo, hindi ako nagmamadaling bumitaw dahil ang katumbas nuon ay pagkalunod. May mga panahong kaakit ankit ang bughaw na kalawakan na naghihintay saken, mga bagong bagay na pwede ko nang gawin. Tinatantsa ko ang lalim at temperatura bago ako tuluyang magpatangay. Nagising na lang ako na hindi na ganoon kahigpit ang kapit sa lupa pero hindi pa rin handang bumitaw. Hindi ako naiinip, hindi ako nagmamadali dahil alam kong darating din ang pagpapalaya sa akin ng takot at magiging handa rin akong lumangoy sa malawak na dagat. Maaaring hindi bukas pero malapit na.
December 24th, 2008 at 12:06 pm
Hey, i save funny photos
here