malabo….
mahirap paniwalaan na tapos na ang mahigit sampung taon ng pag-aaral… gusto ko nang magpakamatay dati pero ngayong tapos na, para naman akong mamamatay. narating ko na ang dulo ng ilog. walang ibang pwedeng patunguhan kundi ang malawak na dagat, hindi ko rin naman magawang umahon dahil naghihintay ang sermon ng nanay ko sa pampang. gusto kong kumapit na lang habambuhay pero habambuhay ko ring iisipin kung ano bang pakiramdam ng kalayaan ng pagbitaw…
ang labo… hindi ko pa alam kung anong balak ko. kelangan ko nang magdesisyon habang maaga, kundi magagahol nanaman… lilinaw din ang lahat…sana.