Archive for April, 2007

malabo….

Tuesday, April 10th, 2007

mahirap paniwalaan na tapos na ang mahigit sampung taon ng pag-aaral… gusto ko nang magpakamatay dati pero ngayong tapos na, para naman akong mamamatay. narating ko na ang dulo ng ilog. walang ibang pwedeng patunguhan kundi ang malawak na dagat, hindi ko rin naman magawang umahon dahil naghihintay ang sermon ng nanay ko sa pampang. gusto kong kumapit na lang habambuhay pero habambuhay ko ring iisipin kung ano bang pakiramdam ng kalayaan ng pagbitaw…

ang labo… hindi ko pa alam kung anong balak ko. kelangan ko nang magdesisyon habang maaga, kundi magagahol nanaman… lilinaw din ang lahat…sana.

naman e…

Tuesday, April 3rd, 2007

kasasabi ko lang, sana wala nakong balikan.

but noooooooooo…

panalo talaga kahit kelan ang college namin. ayun. eto kasi yung kwento…

nung OF* ako, kulang ng units na binigay saken, anong dahilan? di ko rin alam. inisip ko nalang na mahal nila ko kaya gusto nilang mabawasan ang timbang ko. pero naisip ko,

"teka, underweight nako ah!".

dun ko na sinimulang isipin na ginawa ang registration para sirain ang buhay ko. at in fairness, they lived up to my expectations. kada reg nakasuot nako ng working clothes dahil handa nako sa pagtakbo at paghahanap ng tao. kaya naman hindi ko na pinangarap na sumali sa amazing race o kaya sa varsity. training on "Running for Dear Life 101" has been my pass time for the last four years, two times a year. ayan alam nyo na kung ba’t ako payat, naiinggit pa ba ang mga anorexic jan??? text nyo lang ako o kaya send me a message, personal ko kayong pupuntahan para batukan!

edi ayun nga, OF ako. syempre taranta ang lola nyo kaya may-i-enlist agad ako sa kung anumang subject merong available slot, at nakahanap naman ako at di nagtagal ay nakapag-reg. ayun edi kala ko masaya na,

but nooooooooo…

wala pala sa plan of GE coursework yung nakuha kong subject! whapack!ayun una kong natikman kung paano matanga at mapagalitan ng adviser dahil hindi inisip ang mga pwedeng mangyari. pinirmahan, nilakad at maluwalhating naipasa ang putik na form.

MATAPOS ANG TATLONG TAON….

SFX: tininininining…

kumukuha ko ng clearance dahil assuming akong gagraduate.

syempre atleta nanaman tayo. (hello, olympics?)

ayun nga, takbo takbo. hanap teacher. kuha grades. pawis. takbo. punas pawis. bounce buhok. salubong cutie crush, wave, after 5 seconds saka narealize na crush pala yun at muka akong bruha. ngiti ngiti. edi ang saya ko.

but nooooooo….

itago na lang natin sya sa pangalang ate BETCH*. ulitin natin, ate BETCH. ganito usapan namin.

Ate Betch: graduating kana?

June: Opo.

AB: kumpleto na grades mo?

J: eto nalang po ang kulang (sabay abot ng certification at classcard)

AB: alam ng adviser mo na graduating ka?

J: opo (sa loob ko lang: MALAMANG!!! TINGIN MO BA PUPUNTA KO DITO NA MUKANG NGARAG AT PAWISAN KUNG HINDI? TINGIN MO HOBBY KO LANG HA? HA? HA?!)

AB: asan change of GE plan mo?

J: napass ko na po dati.

AB: asan kopya mo?

J: nasa apartment po. (in fairness aminado akong tangang sagot to, pero naman, pagod ako! *excuses*)

AB: kunin mo muna.

J: e nagpasa napo ako dati. (spelled out sa noo ko. h-a-l-l-e-r! t-a-n-g-a k-a b-a????? alam mo yung gonzales? malayo yun!)

AB: e nawala nga kopya namin eh!

           o daba??! napaka valid! e nawala nila eh! kasalanan ko syempre! ako yung studyanteng gustong grumaduate edi problemahin ko!!!! huwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaw! eto lang ang masasabi ko sayo ate BETCH, iyo na ang dalawa kong hinlalato! isigang mo, ilaga mo, igisa mo, kainin mo! taena, at ang ending namen? syempre nagprocess ako ng bagong papel. pero pag tapos na ang clearance, naku ate BETCH, may the supreme being bless you, for you are on my list…..

*Old Freshman

*naku tanga mo naman kung di mo pa nakuha yung gusto kong palabasin. ayan, kunyari tanga ka, babaeng aso yan. steg daba? wahaha