Archive for March, 2007

malapit na matapos ang byahe….

Thursday, March 29th, 2007

habang nakasakay ako sa jeep kaninang umaga nalibot ko nanaman ang buong campus, medyo sumasapi na sakin yung pakiramdam na konting panahon na lang iiwan ko na ang lugar na umaruga sa akin ng apat na taon. isang buwan ng impyerno ang dumaan, malapit nako sa dulo, sana lang nagawa ko na nang maayos yung mga dinaanan ko para wala na kong balikan. nadaanan ko ang bulok na humanities building na tanging hindi naapektuhan ng milenyo. ang palma bridge na makailang ulit ko nang muntik gawing venue ng suicide pag haggard na ang acads. ang dl umali hall kung san nangyari halos lahat ng kaabnormalan namin sa teatro, ang dorm namin na pinasok ng baliw tapos akala ko may fratwar lang (as if mas mababa yung danger degree nun). ang su kung san nagbabayad ng dorm fee. ang baker hall kung san nakita ng mga tao kung anong itsura o pag naka two-piece, at kung paano ako mag aero dance.

natawa na lang ako. pero pinaka nakakuha ng atensyon ko ay ang freedom park at ang binakurang parte kung san dinidiligan ang damo. diba? parang golf course lang! umuulan ulit ng kapok (i remember the boy, but i don’t remember the feeling…) hakhak. naisip ko na pinapatingkad nila ang pagkaberde ng damo para sa akin, para sa amin. uupo lang naman kami ng ilang oras dun sa april, matatakpan rin lang naman ng mga upuan at mga itim at maroon naming suot ang berdeng-berdeng damo, hindi rin mapapansin. nakakatawa, ilang taon ko ding dinaan-daanan ang damuhang yon habang iniisip na sana lamunin na lang ako ng lupa para matapos na lahat ng problema ko sa earth. parang gusto kong bumaba ng jeep kanina at halikan ang lupa dahil sa wakas matatapos na ang lahat ng mga bagay na ikinadudugo ng ilong ko. pero naisip ko rin na kung iiwan ko ang lugar na to, lalamunin nako ng mas malaking mundo. natatakot ako pero hindi naman pwedeng habang buhay na magkumapit sa lupang gamay ko na. kelangan kong magpatangay sa hangin at kumapit sa ibang lupa para tumubo at mamunga. minsan pa, pinangarap ko nanamang maging kapok…

hangin…

Tuesday, March 20th, 2007

sana nakikita mo ko…

alam ko namang nararamdaman mong nandito ko kahit pano…

yun nga lang kelangan ko pang lakasan ang pagpaparamdam para lang mapansin mo manlang na buhay pala ako…

makikita kita, nakita mo rin naman ako kaso hindi ko talaga kayang kunin atensyon mo…

basta kahit anong mangyari, andito ako, hihipan ko ang luha sa pisngi mo hanggang matuyo, hindi ko man kayang tanggalin ang mga marka, tutulungan pa rin kitang mabawasan ang panlalamig dulot ng tubig sa hubad mong pisngi…

hindi kita iiwan, hindi man ako ang pangunahing dahilan mo para mabuhay, hinding hindi kita iiwan…

hay, crush..

Tuesday, March 13th, 2007

di ko rin alam kung bat gusto kong tumakbo papunta sa ibang planeta pag nakikita kita. hindi ka naman mukang monster, ang cute mo nga eh. hindi ka rin mukang masungit. siguro nga mas madadalian akong lapitan ka kung suplado ka, kaso muka kang goody-goody…

wag kang lalapit hindi ko kayang chikahin ka gaya ng ibang taong kahit hindi ko kilala, kaya kong hiritan. iba ka. hindi kita kaya. kala ko magaling nako pero kahit may paraan naman para lapitan kita ayoko pa rin. gusto kong ganito lang tayo, magkalapit pero sobrang layo. ayokong tawirin ang distansya sa pagitan natin dahil takot akong masagasaan dahil sayo lang ako nakatingin.nyeta, parang telenovela. hay. dyan ka lang. kaya sa susunod na tatambay ka sa pwede kong makita, mag-pose ka ng maayos ha? kasi titgnan kita, hindi kita babatiin o ngingitian pero makikita kita. makikita ko ang mukha mo kahit hindi na kita kaharap dahil hindi naman kita kayang harapin. shet 20 nako pero para ulit akong high school, actually mas makapal nga mukha ko dati eh, nakareer ko yung gusto ko. hay…