buhay nga naman…

hay… another short-lived crush… kakaririn ko na sana, ayun…

balak ko sanang gumawa ng bonfire from scratch… yung tipong pang-survivor pag talo sa reward challenge na may supplies na panggawa ng apoy… ako yung talong team, team june. huli na bago ko pa nakita yung pinapahanap sa scavenger hunt, nakuha na nung ibang team. habang pawisan akong naghahanap kung meron pang isang nakasingit kahit san the other team was waving it in the air. they will sleep beside a warm fire that night. ang team ko, eto magpipilit na gumawa ng apoy mula sa kung anumang meron para hindi mamatay sa lamig ang ginawing katawan. nakahanap na ko ng twigs saka yung batong may pang-spark para masimulan na ang apoy habang may araw pa. bago lang ako sa lugar na yon, hindi ko alam kung gaano kalamig ang pwedeng abutin ng gabi. walang kumot na makapal, hihiga lang sa mga dahon at kapag nahimbing delikado pang maging midnight snack ng mga goodness-knows-what na nasa paligid. pagod na nga sa paghahanap, talo na nga, at napaka-galing pa ng mga team mates ko. astig talaga.

nakita nilang kinakarir ko ang paggawa ng ningas para na rin pagpakuluan namin ng tubig na inumin, at pagkukunan na rin ng init kapag nagkataong malamig pala ng sobra ang gabi. aliw na aliw ako habang pinipilit na sindihan ang mga tuyong kung anu-ano. actually, medyo frustrated na ko sa pagpipilit pagningasing ang pun-ye-tang bonfire, di ko lang pinapakita. ayun mali ang timing, ngayon pa natripang mang-inis. mahaba naman ang pasensya ko wag nga lang sa maling oras ka hihirit.

medyo nae-enjoy na ko sa paggawa ng ningas. may nakita na kong konting kislap, konting usok, at medyo naaamoy ko na ang nasusunog na tuyong dahon. hindi maganda para sa hikain kong baga ang apoy pero pinilit ko pa ring hipan ang nagsisimula nang ningas… napapangiti na ko nung may maliit nang kulay pula sa ilalim ng mga kahoy-kahoy, papalakpak sana ako sa tuwa pero mamatay ang apoy sa hangin galing sa kamay ko. inalagaan ko ang maliit na apoy, kahit sinong makakita sakin malamang mabasa ang tuwa sa mata ko — kahit hindi ako kilala. hindi ata nakita ng team mate ko na nasisiyahan ako sa paunti-unting lumalaking apoy. may napulot silang gas mula sa kung saan, hindi manlang inisip na malapit ang mukha ko sa apoy, ibinuhos ito sa mahal kong maliit na apoy. nagulat ako sa higanteng dila ng apoy na sumigaw sa mukha ko. agad kong inilayo ang mukha ko sa nanggagalit na apoy. sana nabura na lang ang mukha ko kaysa bahagyang nasunog. tiyak mag-iiwan ito ng marka na babati sa akin tuwing umagang gigising ako. ayoko nang tumingin muna, sana sa hindi pagtingin, mabura ang pangyayari sa isip ko, sana walang maalala ang apoy. sana hindi nya alam na natupok nya ako. pinatay ko na ang apoy. mas madali yong gawin kesa tignan ito gabi-gabing nagniningas at magawang papulahin ang repleksyon ko sa twing dadalhin ng hangin ang presensya nito sa direksyon ko. hindi ko na maaring tignan ang apoy, hindi ko na maaring titigan ang unti-unti nitong paglaki at ang pag-iiba ng kulay sa gitna habang marahan kong hinihipan upang lumakas… mas madaling sabuyan na lang ng tubig at buhangin ang apoy kaysa pagtyagaang buhayin. saka na lang siguro ulit pag sinipag ako. kapg inayawan ko ang isang bagay, mahirap na baguhin ang isip ko. pwede pa siguro, pero malamang hindi na.

Leave a Reply