whenever you feel like you’re starting to lose your grip, just text someone from your childhood. ganyan ginawa ko kahapon, ayun tawa tuloy ako ng tawa. naalala ko nanaman yung mga kaadikan ko nung elementary. hehe.
nung grade one ala pa kong pakialam sa mundo, weird at inakala rin siguro nung teacher ko na bobo ko. uso nun yung peter pan na cartoons at ayokong pumasok sa aftrenoon class para lang manuod non, nung nabuko ng nanay ko yung ginagawa ko binuhat nya ko papunta sa school kaya mega cry ako.
grade two nadiscover na kahit papano may laman naman pala yung utak ko. uso nito ang panghuhuli ng tutubi tuwing tanghali kaya mabaho siguro ako nito. grade three ay nasubukan kong mag-cutting na hindi aware na ganun pala yung ginawa ko. umalis kami at bumalik na hindi man lang napansin ng teacher namin na busy sa pagiging principal nya na nalalapit na nuon. itinatag ko rin, kasama si karol, ang fuzzy wuzzy club na pumatok naman. may initiations pa kami non, mind you. kalaban namin ang mga kissable lips nina kristina at geli. habulan ang labanan, nagpapakapagod lang kami. haha.
grade four ay nakahanap ako ng best friend -si aiza- na hanggang ngayon, sa hindi maipaliwanag na dahilan, ay natatagalan ang ugali ko. lumipat din kami ng tirahan nun mula sa apartment papunta sa permanenteng bahay. naging malinaw na lalake nga talaga ang gusto ko nung mga panahong yon. at sa grade four din sa wakas ay nawala na ang punyetang bangs ko. uso ang jogan game pag recess, crazy talaga.
grade five ako naging dalaga, dinatnan ako pero last day na nung malaman sa bahay kaya hindi nila ako nakulit na gawin yung mga chever na pamahiin. nasuka rin ako sa klase nang math, hindi ko alam kung premonisyon yun na hanggang tumanda ako ay isusuka ko talaga ang math. nito din ako unang naligawan, siguro dahil bagong lipat kami sa lugar at kami lang ang batang medyo mapusyaw ang kulay sa kalsadang iyon. natuto din akong lumangoy the old fashioned way, using gallons, oo. yun yung malalaking lalagyan ng ketchup na winner gamiting pampalutang. take note, sariling sikap ito. napagdesisyunan kong mag-aral dahil muntik na kong malunod at ma-dedz kung hindi ako hinila nung kalaro ko na may hinala akong sya ring tumulak saken. nauso ang treasure hunting games at gawa-gawa namin na board games. nagpasimula din ako nang welga nun laban sa maling pagche-check ng test papers namin, hehe. pero ang totoong highlight neto ay yung cat fight nina rivera at ezhen, na kung hindi ako nagkakamali ay dahil sa lalake, di ako sure ha.
grade six namroblema ako tungkol sa papasukan ko sa high school, joke lang. madalas akong purihin ng adviser na wide reader daw ako. hehe, madalas lang akong manood ng tv non kaya naman maraming napupulot na vocabulary words. na-expose ako ng todo kay ramona, na kung alam ko lang na bad influence at ugat ng pagiging mapang-asar ko, sana di ko na kinausap. pero malakas sya talaga, ayun pariwara tuloy ako. nagpaiyak din ako ng lalaki neto, pero hindi dahil may gusto sya saken, malakas lang akong mang-asar. hindi ko malilimutan ang dalawa kong groupmates na sina king at gil dahil palagi ko silang kaaway. kung di ako nagkakamali ay may nagsabi pa na ga-piso lan daw ang utak ko, nag-top ako sa quiz that same day. forgiven na naman sya nung nagstroll kami sakay ng owner nya. si king inambaan pako ng saksak nun, haha, steg. may class pet din kami na namatay at inilibing sa likod ng DLRC, mahilig kaming maglibing ng kung anu-ano. naramdaman ko rin na tumatanda na nga ako. inulan ang graduation namin pero astig naman, pinaghanda kasi ako ng nanay ko. napagalitan din pala ako nung teacher ko dahil pwede raw akong maging honor nun pero hindi raw ako nagsipag. wala naman talaga kong pakialam sa grade nun.
ansaya ng elementary, buti na lang sa public ako pinag-aral ng nanay ko. lahat ng kaklase ko nuon kilala ko pa ngayon, at may time pa nung high school na pinag-isipan namin talaga kung ano nga ba ang apelyido ni florencio - paghunasan. hehe. nakakamis ang kabaliwan. sayang di ako nakasama nung huling reunion. pero astig talaga. sana sa bakasyon, malamang marami na sa atin ang graduate, get-together naman. wahaha. ambaduy naten.