hypercrap….

yes, this is the day. pms season.. mainit ulo ko, maagang-maaga… tawa kasi ko nang tawa kagabi, pamatay na krismas party, haha… kla at botchok yung resibo pakita namin sa inyo at maniningil kami sa handa namin sa monthsary nyo, haha… pero naiirita talaga kong ewan, ala naman akong kaaway. i want to beat the crap out of some person… labo talaga ng buhay, minsan kala mo galing galing mo na tapos naging tsismosa ka lang ala na… hay, dapat tigilan ko na ang pagkakagusto sa may jowang mas matanda saken. mahirap akong kausap pag kulang sa tulog, hay sana ligo na lang ang katapat ng lahat, napipikon ako ng walang kinapipikunan, nalulungkot ng walang dahilan. huwaw, manic depressive ata ako, sa wakas isang psychological disorder na may paliwanag. bente pa lang ako para mag-qualify na magkaroon ng midlife crisis.. i’m just plain stressed..

minsan nakakatakot na rin ang saya lalo na kung sa tingin mo sobra… hindi ko naman sinabing hindi pwedeng i-enjoy, sumaya ka hanggat kaya mo dahil kasunod nyan lulungkot ka… pessimistic lang siguro ako pero lagi na lang kasing nagyayari kaya tinanggap ko nang totoo.

salamat na lang sa pagpapasaya mo sakin kahit na sandali lang. hay, kala ko joke na lang yung natitira kong pakialam sa buhay mo, hindi pala. itinago ko lang sa sulok, medyo nalanta pero nung makaikim ng karampot na init, liwanag, at ambon ng atensyon mo ayun, lumago. di lang namulaklak, namunga pa… kala ko matututunan ko na ulit kung paano sumaya. yung ngumiti ng walang dahilan kundi naalala ka lang, ang weird mong buhok, ang pagtawag mo sakin sa palayaw ko, ang pagtawa mo kapag may crush akong member ng boyband, ang mga kwento mo tungkol sa mga libangan mo nung bata ka pa, ang mahabang katahimikan na noon pa man ay ideya ko na ng langit, ang limang segundong yakap minsan ay pantawid sa limang taong lamig… kahit blankong screen basta makita ko lang ang pangalan mo sa inbox ko isang araw ko nang supply ng saya, isang tanong mo lang kung kamusta na ko burado lahat ng pagod, isang tanong mo lang kung sinong kasama ko sa paglalasing nawawala ang sapi ng alcohol… pero ngayon medyo marunong nakong tumanggap na wala na, alam ko kung kelan talo na at di na kayang ilaban. ayokong mahumaling sa sakit, natututo akong tumanggi at umiwas sa posibleng pagmulan saya. hindi ko na alam kung paanong hindi ka hahanapin sa iba, hindi ko alam kung may iba pa, hindi ko alam kung interesado pa kong humanap. wala na rin akong pakialam kung may mahahanap pa.

Leave a Reply