buti pa ang pasencia nabibili…

hay, sana wala na lang konsensya ang mga tao para inagaw na kita four years ago… shet.

For the nth time, umasa nanaman ako. Napeke nanaman ng myembro ng lahi ng mga mandurugas. Bingyan lang ako ng bagay na makinang, inakala ko kaagad na ginto. Hindi manlang ako nagduda o nagtanong. Bakit kasi hindi pa ko natuto dati? Bakit hindi ako matutong madala. Nakatulala ako ngayon sa porch ng bahay namin, nagkaron nanaman uli ng silbi to pagkatapos ng mahabang panahon na halos malimutan ko nang nandoon pala. Napapaisip nanaman ako ng wala, isa nanamang pagkakataon kung kelan na-blanko ang utak ko. Pinapakiramdaman ang palamig na palamig na hanging dala ng papalapit nang pasko. Hindi ko alam kung bakit ako nandito, gusto ko lang ang katahimikan at pag-iisa. Gusto ko munang magtago sa dilim habang pinapalipas ang sama ng loob na hindi ko mawarian kung bakit ko nararamdaman. Mahirap malungkot ng wala kang masabing rason kaya pag may nakakakita sakin, ngumingiti lang ako, kunyari masaya pero umiiyak ang kaluluwa. Mahirap mag-isa sa mundong isinasampal sayo parati ang kainaman ng may kasama.

Paboritong oras ko pa rin naman ang mga oras na mag-isa lang ako. Mahal ko ang aking kalayaan. Pero hindi ko inakalang darating pala ang oras na nalulunod ako sa pag-iisa at nasasakal na ako sa kalayaan. Pwede ko pa kayang iwan ang pag-iisa? Pwede ko kayang takasan ang kalayaan? Makakaisip ako ng paraan, di man ngayon pero darating ako don hindi pwedeng hindi.

Tahimik ang paligid, wala akong marinig kundi huni ng mga kuliglig, inaawitan ako upang ipadama ang kanilang pakikiramay sa lungkot na nararamdaman ko.

Leave a Reply