Archive for December, 2006

steg….

Friday, December 15th, 2006

inilagay lang sa map4 ko nung bufra ng roomate ko, adik talaga… wahaha… swak nga naman… hala sige kanta tayo…

playing safe by rocksteddy

Playing safe sa pagibig
Hybernate ang puso

Playing safe sa pagibig
Dahil ayaw mong masakatanka nanaman
Hybernate ang puso
Dahil ayaw mong nang makita sya ulet

Wala nabang paki
Wala nabang paki
Wala nabang paki alam
Wala nabang pag-i
Wala nabang pag-i
Wala nabang pag-ibig

Staying late sa pag tulog
Dahil ayaw mong managinip nanaman
Internet maghapon
Dahil sa buhay ay di maka connect

Wala nabang paki
Wala nabang paki
Wala nabang paki alam
Wala nabang pag-i
Wala nabang pag-i
Wala nabang pag-ibig

Playing safe, hybernate sa likod ng buwan
Playing safe, hybernate sa likod ng buwan

Wala nabang paki
Wala nabang paki
Wala nabang paki alam
Wala nabang pag-i
Wala nabang pag-i
Wala nabang pag-ibig

buti pa ang pasencia nabibili…

Friday, December 15th, 2006

hay, sana wala na lang konsensya ang mga tao para inagaw na kita four years ago… shet.

For the nth time, umasa nanaman ako. Napeke nanaman ng myembro ng lahi ng mga mandurugas. Bingyan lang ako ng bagay na makinang, inakala ko kaagad na ginto. Hindi manlang ako nagduda o nagtanong. Bakit kasi hindi pa ko natuto dati? Bakit hindi ako matutong madala. Nakatulala ako ngayon sa porch ng bahay namin, nagkaron nanaman uli ng silbi to pagkatapos ng mahabang panahon na halos malimutan ko nang nandoon pala. Napapaisip nanaman ako ng wala, isa nanamang pagkakataon kung kelan na-blanko ang utak ko. Pinapakiramdaman ang palamig na palamig na hanging dala ng papalapit nang pasko. Hindi ko alam kung bakit ako nandito, gusto ko lang ang katahimikan at pag-iisa. Gusto ko munang magtago sa dilim habang pinapalipas ang sama ng loob na hindi ko mawarian kung bakit ko nararamdaman. Mahirap malungkot ng wala kang masabing rason kaya pag may nakakakita sakin, ngumingiti lang ako, kunyari masaya pero umiiyak ang kaluluwa. Mahirap mag-isa sa mundong isinasampal sayo parati ang kainaman ng may kasama.

Paboritong oras ko pa rin naman ang mga oras na mag-isa lang ako. Mahal ko ang aking kalayaan. Pero hindi ko inakalang darating pala ang oras na nalulunod ako sa pag-iisa at nasasakal na ako sa kalayaan. Pwede ko pa kayang iwan ang pag-iisa? Pwede ko kayang takasan ang kalayaan? Makakaisip ako ng paraan, di man ngayon pero darating ako don hindi pwedeng hindi.

Tahimik ang paligid, wala akong marinig kundi huni ng mga kuliglig, inaawitan ako upang ipadama ang kanilang pakikiramay sa lungkot na nararamdaman ko.

hypercrap….

Wednesday, December 13th, 2006

yes, this is the day. pms season.. mainit ulo ko, maagang-maaga… tawa kasi ko nang tawa kagabi, pamatay na krismas party, haha… kla at botchok yung resibo pakita namin sa inyo at maniningil kami sa handa namin sa monthsary nyo, haha… pero naiirita talaga kong ewan, ala naman akong kaaway. i want to beat the crap out of some person… labo talaga ng buhay, minsan kala mo galing galing mo na tapos naging tsismosa ka lang ala na… hay, dapat tigilan ko na ang pagkakagusto sa may jowang mas matanda saken. mahirap akong kausap pag kulang sa tulog, hay sana ligo na lang ang katapat ng lahat, napipikon ako ng walang kinapipikunan, nalulungkot ng walang dahilan. huwaw, manic depressive ata ako, sa wakas isang psychological disorder na may paliwanag. bente pa lang ako para mag-qualify na magkaroon ng midlife crisis.. i’m just plain stressed..

minsan nakakatakot na rin ang saya lalo na kung sa tingin mo sobra… hindi ko naman sinabing hindi pwedeng i-enjoy, sumaya ka hanggat kaya mo dahil kasunod nyan lulungkot ka… pessimistic lang siguro ako pero lagi na lang kasing nagyayari kaya tinanggap ko nang totoo.

salamat na lang sa pagpapasaya mo sakin kahit na sandali lang. hay, kala ko joke na lang yung natitira kong pakialam sa buhay mo, hindi pala. itinago ko lang sa sulok, medyo nalanta pero nung makaikim ng karampot na init, liwanag, at ambon ng atensyon mo ayun, lumago. di lang namulaklak, namunga pa… kala ko matututunan ko na ulit kung paano sumaya. yung ngumiti ng walang dahilan kundi naalala ka lang, ang weird mong buhok, ang pagtawag mo sakin sa palayaw ko, ang pagtawa mo kapag may crush akong member ng boyband, ang mga kwento mo tungkol sa mga libangan mo nung bata ka pa, ang mahabang katahimikan na noon pa man ay ideya ko na ng langit, ang limang segundong yakap minsan ay pantawid sa limang taong lamig… kahit blankong screen basta makita ko lang ang pangalan mo sa inbox ko isang araw ko nang supply ng saya, isang tanong mo lang kung kamusta na ko burado lahat ng pagod, isang tanong mo lang kung sinong kasama ko sa paglalasing nawawala ang sapi ng alcohol… pero ngayon medyo marunong nakong tumanggap na wala na, alam ko kung kelan talo na at di na kayang ilaban. ayokong mahumaling sa sakit, natututo akong tumanggi at umiwas sa posibleng pagmulan saya. hindi ko na alam kung paanong hindi ka hahanapin sa iba, hindi ko alam kung may iba pa, hindi ko alam kung interesado pa kong humanap. wala na rin akong pakialam kung may mahahanap pa.

tatawa na lang ako…

Tuesday, December 5th, 2006

parang ipis na gumagapang palapit ang deadlines, at pag inabutan ako, malamang, i’m dead na nga! hay, manuscript, bakit ba ayaw mong simulan ang sarili mo????natabunan na ng nagkalat na gamit ang laptop ko (na mukhang vhs player), ala pa kong nagagawa, pati removals ko nakatengga pa rin, hay, i should do something real soon, na-move ang christmas vacation, na-move din ang deadline, waaah! parang zuma, kakainin nako nung bungo… kakagaling ko lang sa trankaso, ubo naman ngayon, putik… pwedeng patay na lang kung mamamatay? pinapahirapan pa eh… hay, buti na lang may kaunting pa-cunsuelo ang buhay, hay inay…