Archive for October, 2006

hay….

Tuesday, October 24th, 2006

potek, bagsak nanaman… shet… panira ng lahat ng plano…. nakakainis…

nakakaloka na

Sunday, October 15th, 2006

exam wik na, finals wik na nxt wik… haggard na lahat, nagmumurang mga pimples at eye bags sa mukha ng lahat… nag-aaral na ang marami dahil malaki pa ang hahabulin sa grade kasi excessive na ang absences… mabagal na lumalakad pauwi galing klase, zombie na pagasok sa exam room… suicidal na dahil hindi na raw pwedeng gawan ng paraan na makapasa sa subject na seasonal… ala na agad allowance lunes pa lang, magbabayad pa ng renta… hay… matapos lang to, sembreak na, mahabang pahinga para sa iba, panahon para ilagay sa ref ang piraso ng utak na kaya pang isalba para may magamit pa sa pasukan. byahe para sa mga graduate na, sa pilipinas o kaya sa ibang planeta… onting panahon na lang  tapos na ang saya, wala nang allowance, sariling kayod na para pambili ng pagkain, pambayad sa renta sa bahay, kuryente, at tubig… umpisa na ng paulit-ulit na araw sa loob ng opisina para sa iba… pero marami pa rin ang kagaya ong walang plano, mga kaluluwang ligaw na hindi pa alam kung anong liko ang pupuntahan… darating din ang plano, bahala na bukas, kelangan na lang ipasa ngayon ang speechcomm 105… makapasa lang,magiging maayos din ang lahat, liliwanag din ang daan… waaaaaaaaaaaaaah!!!!

TINAMAAN NG MA-SUERTE

Wednesday, October 11th, 2006

Ayoko sayo non, pero makulit ka. Kahit anong pagtataray ko, wa-epek sayo. Ganun lang tayo lagi, away-bati, babagsakan kita ng telepono tas tatawag ka naman ulit. Papatayan kita ng cellphone tas itetext mo naman yung common friends natin. Pag hindi ko nirereplyan ang e-mails mo, ipi-PM mo ko sa friendster o kaya sa YM, kung wala pa rin hahanap ka ng ibang paraan. Lalayasan kita, susundan mo ko. Nasanay nako na kada iiwanan kita pagkatapos ng limang hakbang paglingon ko andyan ka na. Konting liksi na lang papasa ka nang pangalawang anino ko.

Tinetext mo ko kung kumain na ba ko, naligo na ba ko, nag-aral na ba ko, kamusta exam ko, pati na rin kung tumae na ba ko. Lahat ng tungkol sakin inaalam mo, pati menstrual cycle ko kabisado mo. Hindi ka natutulog hanggat gising pa rin ako. Kahit na isumpa ko na buong lahi mo mauna ka lang matulog, kebs ka lang. Pinapagalitan mo ko twing malilimutan kong uminom ng gamot, kumain, uminom, lahat, kulang na lang I-monitor mo pati paghinga ko. Nakakapikon ka na, ayaw mo kong tigilan.

Dahil bwisit ka sa buhay ko, naadik ako sayo. Syempre di ko pinahalata, di ko alam kung bakit pero, ang saya ko pag nakikita kong nahihirapan ka na pero sige ka pa rin. Antanga mo nga eh, dami naman ibang babae, mga malalaki boobs, balakang, matangos ilong, yung mukang mga tunay na babae, pero ako naisipan mong bwisitin. Nahirapan tuloy akong pumasok sa mga pintuan kasi anlaki na ng ulo ko.

Ginawa na kitang bisyo, ang dating nakakairitang mga text mo kung kumain na ba ko, naligo na ba ko, nag-aral na ba ko, kamusta exam ko, pati na rin kung tumae na ba ko, ay mas nakakairita kung hindi papasok sa inbox ko. Bigla ka na ring naging artista sa mga panaginip ko. Pero dahil praning ako, ayokong mahulog, pinigilan ko ang sarili ko hanggat kaya ko pa. Paulit-ulit kong sinabi na, hindi, hindi, hindi pwede.

Ayokong masaktan kung sakaling joke ka lang pala. Pero dahil engot ka, tinuloy mo pa rin ang pagiging mabait sakin. Kaya naman naisip kong engot na rin lang ako, sige di bale nang masakit hayaan ko nalang ang sarili kong mahulog tutal mukang malayo pa naman yung byahe papunta sa babagsakan ko.

Mali pala ako ng tantsa. Bobo kasi ako sa math kaya mali ang kalkula ko sa taas ng kinatatayuan ko. Para kong nagmamadaling tumalon palabas sa bintana, bumwelo ako ng todo tapos hanggang bewang ko lang pala yung agwat nung binatana mula sa tinalunan ko. Ayun, pumikit pako wala pang dalawang segundo lupa na pala, di manlang ako nakasigaw for added effect. Bitin. Di pa nagsisimula halos, ending na agad. Gullibee nanaman ako. Di pa natatapos ang ‘hello’ ‘goodbye’ na agad, hanggang ‘hell’ lang. Hay… Labo ng buhay, minsan akala mo may swerte ka na peke lang pala.