Sisig….gusto ko ng Sisig….

kumain ako ng sisig kagabi, masarap, napanaginipan ko pa, yes, ganun sya kasarap! winner!

isang sem na lang (hopefully) graduate nako.. masaya, dahil sa wakas tapos na ang ngarag days na dala ng akads, pero naisip ko lang, san nga ba ko pupulutin pagtapos ng apat na taon ng palutang lutang sa kolehiyo? sabi ko bum muna, kakabisaduhin ko lahat ng palabas sa cable, panalo daba? pero naiisip ko pa lang na araw araw akong pinapagalitan ng nanay ko, gusto ko nang uminom ng baygon (using a straw para social). haha. shet. hindi naman sa wala pa kong balak na kalagyan pagtapos, kundi hindi pa ko makapag decide kung san ko talaga gusto. kasi may tendency ako na kung san unang mapunta pinangangatawanan na. nyeta. andami pa rin kasabay ng acads. galing nga eh, hindi pa ko naloloka kasi naman matagal nang sira ang ulo ko. advantage pala yun. hmmm… ieenjoy ko na lang muna, may isang sem pa ko para pag-isipan yun, ngayon dapat ko nang problemahin kung pano ko papasa sa math (Lord, have mercy on me). sana maayos na lahat, sana umayos na ko… hehehe…

Leave a Reply