lintik na closure!

badtrip, nag-iisip nanaman ako ng mga ganito… gaano ba kahirap ibigay yang tanginang closure na yan???? mamamatay ka ba pag nagpaalam ka? ha? ha? ha?!!!? ginagawa nyo lang mahirap para sa ibang tao na mag move-on eh. sige, kunyari ikamamatay nyo nga kung bigyan nyo ng closure yung relasyon-relasyunan na pagkatapos i-enjoy bigla na lang bibitawan for no justifiable reason. pwede rin naman na kayo ang binitawan for a reason na kahit  10 million times i-justify sa inyo hindi nyo naman naiintindihan/iniintindi!!! gano ba naman kahirap yung hindi na magpakita o magparamdam sa taong yun? o baka naman sadya kang nagpapakyut dahil feeling mo may interes pa syang ituloy yung kagaguhan nyo? magpakapon ka na!!!! ulul!!!! ang pinag-iinteresan na lang nya ay yung buhay mong hayup ka, wag ka nang papakita dun dahil sasakalin ka nya o kaya susundutin nya mata mo… mild pa yon ha, kung ako yun ililibing na kita ng buhay. wag na wag ka rin magtetext out of the blue na kala mo porke matagal na ok na lahat na babatiin ka nya na parang walang nangyari, makakatikim ka lang ng mga bagay na kala mo di mo matitikman, alam mo yung tae? bat nga ba ko nagkakaganito? hehe, wala lang i suddenly felt angry. balik tayo sa sinasabi ko kanina, pag nagkita kayo wag mo syang tignan dahil masusunog ka sa apoy na binubuga ng mata nya. wag na wag ka rin magkukwento sa ibang tao ng mga bagay na ginawa nyo nung magkasama pa kayo lalo na kung ilusyon mo lang naman yun in the first place, isang linggo din mahigit ang pagpapagaling ng pasa… san ko nga ba sinimulan to? a…closure! haha… ayun nga, gano ba kahirap sabihin yung "GOODBYE, DI NA KO BABALIK."?!?!?!?!? Hindi naman nakakamatay diba? para wala nang iniisip pagkatapos, pwede nang iwan, ilibing, itapon. kung ginagawa to ng lahat, mababawasan na siguro ang mga bitter sa earth. mArami na sigurong naka-move-on… pinaltan ka na siguro ng ex mo… wala na sigurong umaasa na babalik yung umalis kahit may naiwan pa sya. pwede na sanang itapon yung gamit na naiwan para hindi na naaalala. naghahanap na sana ng bagong buhay yung iniwan kung hindi pa nakakahanap. hindi na sana nagrereply at nagpapaliwanag kung bakit hindi pwedeng maging kayo. natapos na sana ang kwento nya nung huli syang uminom, may nasasabi siguro syang dahilan kung bakit wala nang ikaw sa phonebook nya. nakakaabala ka ng buhay, tarantado ka.

Leave a Reply