Archive for July, 2006

Happy Anniv!

Wednesday, July 19th, 2006

hay, malapit nang mag dalawang taon mula nung Fusion natin Batchmates! adik kayo, miss ko na lahaaaaaaaaaaat ng kupal moments, ngarag moments, lahat lahat! sana we can get together on our anniv day. love yah batchmates!

lintik na closure!

Tuesday, July 11th, 2006

badtrip, nag-iisip nanaman ako ng mga ganito… gaano ba kahirap ibigay yang tanginang closure na yan???? mamamatay ka ba pag nagpaalam ka? ha? ha? ha?!!!? ginagawa nyo lang mahirap para sa ibang tao na mag move-on eh. sige, kunyari ikamamatay nyo nga kung bigyan nyo ng closure yung relasyon-relasyunan na pagkatapos i-enjoy bigla na lang bibitawan for no justifiable reason. pwede rin naman na kayo ang binitawan for a reason na kahit  10 million times i-justify sa inyo hindi nyo naman naiintindihan/iniintindi!!! gano ba naman kahirap yung hindi na magpakita o magparamdam sa taong yun? o baka naman sadya kang nagpapakyut dahil feeling mo may interes pa syang ituloy yung kagaguhan nyo? magpakapon ka na!!!! ulul!!!! ang pinag-iinteresan na lang nya ay yung buhay mong hayup ka, wag ka nang papakita dun dahil sasakalin ka nya o kaya susundutin nya mata mo… mild pa yon ha, kung ako yun ililibing na kita ng buhay. wag na wag ka rin magtetext out of the blue na kala mo porke matagal na ok na lahat na babatiin ka nya na parang walang nangyari, makakatikim ka lang ng mga bagay na kala mo di mo matitikman, alam mo yung tae? bat nga ba ko nagkakaganito? hehe, wala lang i suddenly felt angry. balik tayo sa sinasabi ko kanina, pag nagkita kayo wag mo syang tignan dahil masusunog ka sa apoy na binubuga ng mata nya. wag na wag ka rin magkukwento sa ibang tao ng mga bagay na ginawa nyo nung magkasama pa kayo lalo na kung ilusyon mo lang naman yun in the first place, isang linggo din mahigit ang pagpapagaling ng pasa… san ko nga ba sinimulan to? a…closure! haha… ayun nga, gano ba kahirap sabihin yung "GOODBYE, DI NA KO BABALIK."?!?!?!?!? Hindi naman nakakamatay diba? para wala nang iniisip pagkatapos, pwede nang iwan, ilibing, itapon. kung ginagawa to ng lahat, mababawasan na siguro ang mga bitter sa earth. mArami na sigurong naka-move-on… pinaltan ka na siguro ng ex mo… wala na sigurong umaasa na babalik yung umalis kahit may naiwan pa sya. pwede na sanang itapon yung gamit na naiwan para hindi na naaalala. naghahanap na sana ng bagong buhay yung iniwan kung hindi pa nakakahanap. hindi na sana nagrereply at nagpapaliwanag kung bakit hindi pwedeng maging kayo. natapos na sana ang kwento nya nung huli syang uminom, may nasasabi siguro syang dahilan kung bakit wala nang ikaw sa phonebook nya. nakakaabala ka ng buhay, tarantado ka.

I’M INLOVE…FINALLY!

Tuesday, July 4th, 2006

"ANG POGI NYA…" "ANG POGI NYA…" "ANG POGI NYA…" "ANG POGI NYA…"  pagkakita ko pa lang sa kanya wala na kong ibang nasabi kundi "ANG POGI NYA…" naintindihan ko na kung bat ako tatandang dalaga. ayoko na mag-asawa kundi rin lang si Brandon Routh… o kamuka nya! hay…

hehe malamang mahala na kakatapos lang namin manood ng superman. natulala ako pero hindi naman naglaway masyado. totoong katawan yung nasa ilalim ng costume tsong! RRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR!!!!!!!! grabe, sana sa next life ko kapit bahay ko sya tas kakaririn ko ng matibay! haha. ang gwapo nya talaga, hindi ko alam kung kelan lilipas to pero for now, ang gwapo talaga nya. kung magkakaron ka ang asawang ganon ang itsura kahit sa isla kami nakatira at walang tv tatagal ako, kahit gawin nya kong plain housewife, kahit muka akong maid pag itinabi sa kanya, basta pag gising ko kada umaga mukha nya makikita ko, solve! kababawan na rin lang ang pinag-uusapan eto pa isa, kahit mahalikan ko lang-in person, hindi sa screen- ng isa yun pwede na kong mamatay!!! pwede kayang magpanggap akong may cancer tas susulat ako sa wish ko lang na bago man lang ako mamatay gusto kong i kiss si superman? yes, i’m willing to sink that low. syeeeeeeeeeet! ang gwapo nya talaga!!! ilusyon kung ilusyon ito, kung tatanda rin lang akong dalaga, kukunin ko syang donor ng magiging anak ko.

hehe, hopeless case na talaga ko. swerte ng lois lane na yan kung meron man talaga. may gwapo na super pa na nagpapaka pathetic dahil sa kanya at nag iwan pa ng souvenir! haha. siguro ganun naman talaga, madaling mahalin yung mga taong kayang magtyaga. kung mag-aantay ako ng perfect na tao posible na yun kung nakakalabas yung mga tao sa screen at si superman yun, baka si fredie ang lumabas eh patay tayo dyan! haha… matagal pa sigurong kakapit sa utak ko tong superman na to pero don’t you worry dahil malapit na ang pirates of the carribean at ang mga dugyuting Johnny Depp at Orlando Bloom naman ang pagkakaabalahan ko. kaya walang tumagal na matinong career saken eh, hilig ko sa gwapong movie stars puro pangit na everyday people naman ang nagugustuhan ko. pwera dun sa "ex" ko, in fairness pogi ka naman, kain lang ng mga pagkaing maraming iodine ha? mag-iodized salt tayo! at hindi yun dahil prone ka sa goiter, eherm, maintindihan nya kaya to kung mabasa nya? whahaha!! juk lang! may math pa bukas saka practical exam, ayos!