BAKIT MAHAL ANG HAVAIANAS?

Bakit nga ba ang mahal ng tsinelas na havaianas? eh goma lang naman yun. bakit ang banana peel goma rin pero di sing mahal (parang commercial ng sabon). marami ding pirated version ng havaianas, ang sarap ulit-ulitin, havaianas, havaianas, havanas. pirated na yung huli. bat nga kaya ang mahal nun noh? makakain mo ba yun pag kinulang ang pera mong pangkain dahil bumili ka ng mamahaling tsinelas na goma. may nagtanong sakin bat ko daw ba pinoproblema, alam mo sabi ko? WALA KANG PAKIALAAAAAAAAAM!!!!! haha. eh sa gusto kong problemahin eh! mas matino yung sagot ni carmel nung tinanong ko, kasi daw maganda sya, napatunayan ko nung gabing yon na kahit kelan wala na talagang pag-asa si carmel. tinanong ko rin ang ibang housemates ko, hindi nila ko pinansin kaya kumain na lang ako ng mani. bago matapos basahin ang entry na to, malalaman nyong walang koneksyon o anumang ibang ibig sabihin ang pagkain ko ng happy peanuts na blue, yung tigpi-piso, maalat at maraming bawang powder.

may nakita ko sa tindahan sa mall na tsinelas na havaianas, 800+! huwaw! ilang units na rin yun… naisip ko pag pinirata ko yung havaianas na kamukhang-kamukha kahit 10 pairs lang, aba, mapapag aral na ko nun, may kickback pa!!! ayos… isip tayo ng magandang pangalan..

1. habayanas (parang almuranas)

2. avaianas (kapampangan)

3. havananas (wow)

4. havaiavas (hehe)

5. havavanas

6. hasavaias

7. hsvns (the best choice!)

anyway, bitter lang ako kasi hindi bagay sa mgaganda kong paa ang putek na havaianas na to. saka diba kapareho lang yun nung suot na tsinelas nung mga batang nagra-rugby sa kanto na parang mga bumubili ng havaianas na sana ibinili na lang ng pagkain ang pera. palakpakan para sa mga pulubi at taong grasa na walang pambili ng sapin sa paa! paglabas ko sa tindahan ng havaianas may mga nasalubong ako na papasok sa tindahan, tumingin at nagsukat ng tsinelas na havaianas, binagalan ko ang paglabas, tangina, mukang luya yung mga daliri sa paa. sana nagpa foot spa nalang sya kesa binili yung tsinelas-oo, nakita ko nung binili nya-mas mura pa sana. bakit ba talaga ang mahal ng havaianas? eh kung titignan, pangit naman talaga. may mga nakikita kong pumupunta sa mall, nagba-byahe, pumapasok na suot yung tsinelas na havaianas, kala siguro nila astig kasi pauso ng mga taga-states. eh ang pangit talaga, ang iitim pa nang paa. hindi naman lahat, pero kahit na pang sosyal ang paa mo, sabi ko sayo, pagtatawanan din ng mga anak mo yung mga pictures na mukang engot yung suot mong tsinelas, parang yung mga ginagawa natin sa mga pictures ng mga magulang natin nung 80’s, pamatay. hindi ako salbahe ha, may mga pictures din akong kung pwede lang akong lumiit uli ng ganun hindi ko isuuot yung mga damit na terno at kulay red and green — merry christmas! naalala ko nung bata pa ko, ang patok na tsinelas naman e yung planet na malalaki. na hindi rin bumagay sa paa ko kaya isinusuot ko yung kulay apple green na tsinelas na binili ng nanay ko para saken. bakit pag mahal kala ng iba maganda na? binilhan ako dati ng nanay ko ng tretorn na rubber shoes ayaw kong isuot sabi ko pa pangit nun eh! napagalitan pa ko, mahal daw yun — mahal na sa nanay ko pag lumampas ng 200– tas ayaw kong isuot. kaya ginamit ko na rin, nung umakyat kami sa mud spring nung freshman tas pag magbbyahe. hayup sa dumi! tas hanggat di nilalabhan ng katulong di ko sinuot. ngayon ko na lang ulit sya naapreciate kasi muka nang luma. ngayon bakit nga ba ulit mahal ang havaianas? hindi ko pa rin alam, basta ako paborito ko pa rin ang isketsers ko. at kung tatanungin mo ulit kung bakit ko pinoproblema kung bakit mahal ang tsinelas na havaianas? WALA KANG PAKIALAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAM!!!! haha.

sa dami ng taong nagugutom kung pagsasama samahin ang tubo sa pagbebenta ng mamahaling tsinelas na yun napakain na siguro natin ang karamihan. natatakot ako sa mga batang maiitim na nagkalat sa lansangan at nangangalabit ng laylayan ng damit ng mga taong dumaraan para lang sa konting baryang pambili ng tinapay o kaya ay para magbenta ng mahal na sampaguita na kundi pangkain ng pamilya nila ay pampayaman ng mga sindikatong walang alam na matinong ikabubuhay kaya nang aabuso na lang ng ibang tao. kelan kaya tayo aayos? kaya ko kayang simulan to sa sarili ko? nakakabobo, sana madali lang ang lahat…

Leave a Reply