hehe… dahil love ko sya.
Nagkalat ang mga Super Villains sa paligid natin. Lahat sila may kapangyarihang kahit anong gawin mo, kung ordinaryong tao ka, ay hindi mo kakayanin. Hindi na kailangan ng costume, sa powers na lang, taob ka na. Kung titignan, mga pangkaraniwang tao lang sila, but no, wag mo silang pipilitin na gamitin sa yo ang powers nila dahil tiyak mabubura ang pangalan mo sa listahan ng populsyon sa sensus!
Ang unang featured hero natin, si Sonic Bungz: May boses na kapag nasa medium ang volume, madidinig mo hanggang Pluto at madidinig mo pa ang echo. May buil-in megaphone at woofer sa lalamunan na hindi pa naiimbento ng Dolby o Pioneer ang makakatalo.
Sa biglang tingin ordinaryong tao lang s’ya. Nagtatrabaho, may premature wrinkles, medyo mataba dahil nanganak na, mukhang mas matanda kesa sa tunay na edad, at may tatlo hanggang limang anak. Galing ang kapangyarihan nya sa kunsumisyon sa mga anak. Espesyal ang kakayanang ito upang mapagana ng maayos ang mga anak na pinagsisisihan nyang ginawa pa nya. Pinakamalakas ang bisa nya tuwing umaga, gigisingin nya ang mga batugang bata na nanood ng tv hanggang madaling-araw kaya hindi makabangon sa umaga.
Tatlong levels ang pwedeng lakas ng boses:
Una, normal na boses.
Kapag ito ang unang maririnig mo sa umaga, asahan na ang bahagyang pagsimangot at ginhawa dahil tumalsik na palabas lahat ng potential na tutuli in the making. Pwede ka pa ring hindi bumangon pag ito pa lang ang nadinig mo, as long as your door is locked, you’re safe – so far.
Pangalawa, medium volume.
Gaya ng sinabi ko kanina, kung sa Pluto kayo nakatira maririnig nyo to. Karaniwang lakas sa pangalawang tawag nya sa pangalan nyo para gumising. Nakakapanindig balahibo. Iharang ang kamay at kahit anong maaring ipantakip sa tenga kundi ay tatalsik palabas ang utak nyo, at believe me, mahirap nang ibalik yan sa loob. Tiyaking matibay ang pinto dahil similar kay big bad wolf ang effect nyan, she’ll huff, and she’ll puff and she’ll blow your door in.
Pangatlo at pinakamatindi sa lahat, the full force.
Talagang matindi ka kung nakaabot ka sa stage na to. This is where the fight for dear life starts. First syllable pa lang ng pangalan mo ang naririnig mo, tumalon ka na at magkunwaring nagliligpit ng hinigaan mo dahil sa unang letra pa lang ng pangalan mo ay gumiba na ang walang kwentang pinto ng kwarto mo dahil sa lakas ng impact. Kung kaya mo yung signature move ni Tom Cruise sa Mission Impossible aba’y pinagpala kang bata ka! Pero kung hindi, your dead meat! Hindi ka pwedeng magtago sa pinaggalingan mo dahil sya yun. Maghanap ka na nang kakapitang matatag kung gusto mo pa ring tawaging Eartling for the rest of your existence dahil kaya ka nyang dalhin sa Jupiter sa isang sigaw lang. Makakatulong din kung tatawagin mo lahat ng santong kilala mo, ako nung isang beses pati si Satanas muntik ko nang tawagin. Labanan ang panginginig ng tuhod, isipin mong hindi ka nya papatayin dahil mahal magpalibing ngayon. Hayaan mo lang syang matapos sa two-hour sermon nya at makakahinga ka na. Pero mare-realize mo na hindi permanente ang saya ng buhay dahil may sequel ang sermon na ito sa gabi bago ka matulog.
Pano maiiwasan ang mga engkwentro sa Super Villain na ito? Here are some Survival Tips:
1. Matulog ng maaga.
2. Gumising ng maaga.
3. Kung napagalitan ka na nung nakaraang umaga, aba, wag maging tanga, umayos ka na for 2 days after the encounter at titigilan ka na nya. Pagkatapos nun, pwede ka nang bumalik sa nakasanayan mong buhay.
4. Magluto ng gusto nilang pagkain, maglinis, gumamit ng “po” at “opo”, in short, magsipsip ka hanggat kaya ng powers mo.
5. Kung isa ka sa mga matitinding nilalang na umabot sa stage three, wag mag-alala, may ibang sagot bukod sa suicide. Tiisin mo ang sermon sa umaga, hanggang two hours lang ang itinatagal ng average na sermon, however, it may feel as if two years ang dumadaan at nalilipasan ka na ng kabataan mo. Pano tatagal? Think of happy thoughts, tumitig sa sahig, humanap ng langgam o kahit anong gumagalaw at panoorin ang galaw nito sabay pasimpleng tapakan at patayin, ibuhos mo sa langgam ang inis.
6. How to avoid the sequel sa gabi? Madali lang. Magkulong sa kubeta pag andyan na siya. Magdala ng babasahin o anumang libangan. Tantsahin kung gaano siya kapagod, kung hindi masyado, magdala ng pagkain sa loob dahil good luck sayo kung lalabas ka ng wala sa timing. Mabuti na rin ang sigurado, hindi magandang venue kung sa kubeta makikita ang bangkay mong namatay sa gutom. Ideal ang step na ito kung dalawa ang kubeta nyo, pero kung iisa lang, magtago sa lugar ng bahay na Malabo nyang puntahan gaya ng bubong (sorry ala ka nang choice!).
Ayan mga tsong. Dito na lang muna, abangan ang iba pang Super Villains in everyday life. Kung may iba pa kayong alam na survival tips, feel free na mag dagdag, sinu-sino pa bang magdadamayan kundi tayong mga biktima. Hekhekhek.
Coming up…
Segunda Pakshet…