nausea
Halos araw-araw akong sumasakay sa MRT ngayon dahil sa practicum na hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bat dun ko gustong gawin. Nakakaaliw pag nagkakasalubong yung dalawang tren. Habang nakatulala ako at tinitignan lahat ng nadadaanan biglang darating yung tren, blur lang, saglit, pero nakakahilo. Minsan parang ang bagal ng takbo ng tren pwera na alng kung nakatayo ka at hindi nakakapit, depende sa direksyon ng tren at kung san ka nakaharap ang basag ng ulo mo pag nasubsob ka. Gaya ng sabi ko kanina, parang slow-mo minsan, pwede mong namnamin ang ‘view’, tapos habang emote ka na biglang daraan yung epal na tren at pagkakita ko sa kanya parang bigla kong gustong pumikit.
Dati, tuloy tuloy lang ako, minsan mabilis, pag tinamad bumabagal pero I get by pretty well with this. Nung bata pa ko ala naman talaga kong pakialam eh, gusto ko lang maglaro, manood ng TV, at kumain ng maraming chocolate. Pero kasalanan nung malandi naming maid kaya ako namulat sa mga love, love na yan. Weird na ko dati pa, konti lang ang nakakasakay sa mga trip ko saka konti rin lang yung nakakasabay sa superhyper imagination ko. Di ako appealing sa mga lalake kasi I seem too strong for them, di ko rin masabing panget ako dahil may mga natanga din naman dati. Maton matonan ako dati kahit ang liit ng katawan ko. Inisip ko rin dati kung kalahi ako ni Tiborcia pero hindi eh – bading ako. Hehe. Practical ako pagdating sa love – noon. Syempre dumating yung oras na kinain ko yung mga sinabi ko – at lasang tae yon – na hindi kahit kelan magkakagusto sa maitim, panget, payatot, at bobo. Pero diba nga sucker ako sa magandang buhok kaya ayun!
Pagsakay ko ng tren, puno na, halos siksikan kaya walang choice kundi tumayo. Binilang ko sa ticket kung ilang stations pa bago ko dumating sa pupuntahan ko, apat pa, safe. Pwede pang tumulala, di naman siguro ko lalampas. Kahit hindi masyadong sight ang Maynila keri lang, tinignan ko yung mga dinadaanan just to familiarize myself with the place. Binabasa ko lahat ng mababasa habang nasa byahe tapos biglang dumaan yung isa pang tren na kasalunga nung sinasakyan ko. Sandali lang, pag tinanong mo ko ng mga detalye hindi ko masasagot. Pero parang gusto kong habulin ng tingin ang nakaraang tren, gusto ko yong pigilin para mapagmasdan pa ng mas matagal pero wala akong kakayanan…
Ayos naman ang takbo ng buhay ko, masayahin ako I can find humor in almost anything. Simple lang ang buhay, laid-back, relaxed, I was just admiring everything that life throws at me, enjoying the view. Pero dumating ka bigla, ambilis ng mga nangyari, saglit lang pero natatandaan ko lahat ng nangyari at parang pirated na VCD na nasira, paulit-ulit na nag-p-play sa utak ko. Medyo matagal na nung nangyari pero hanggang ngayon alam ko pa rin. Madalang akong magkaron ng qualified matawag na lovelife kaya pati mga fling-fling sinasama ko na rin, pamparami lang (hehe). Pero isa ka sa mga dumaan na natandaan kasi may mga souvenir. Nung umalis ka balik sa dati ang takbo ng buhay ko, mabilis na mabagal, nasanay na ko ng wala ka, walang harang, kita ko lahat. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kelangan mong magpabalik-balik? Hindi ba pwedeng pag umalis di na pwedeng magpaaramdam uli? Kasi angtagal bago ko tumigil na umasa na baka babalik ka uli. Sanay na ko ng walang ibang nakikita pero dumadaan ka pa rin kung kelan mo gusto. Pwede ba kong umayaw sa susunod? Hayaan mo na ko sa blankong tingin ko sa mundo. Wag ka nang dumaan para humarang sa magagandang bagay na pwede ko sanang makita kung hindi ka lang
sana dumating. Nahihilo ako pag dumaraan ka, gusto kitang habulin pero wag na lang, hindi ko gawain yun. Kung dyan ka sasaya, di dyan ka, hindi ako pupunta sayo dahil papunta ako sa kabilang direksyon. Ayoko nang masanay dahil pag nasanay na ko kadalasan yun yung nawawala. Pag nahilo ako sa pagtingin sa yo, pipikit na lang ako kesa magsuka. Masasanay din ang sistema ko sa ganito. Wala na lang sanang dumating kung daraan lang, natututo na ko na magpakatahimik, ayos na uli ang buhay ko.
Sana wala nang gumulo.
Pagmulat ko ng mata ko, nasa susunod na istasyon na. Wala na ang
hilo . Isa na lang bababa na ko. Kasabay ang maraming tao na nagmamadali, bumaba ako. May elevator pero pinili kong gamitin ang hagdan, gusto kong pagurin ang sarili ko. Pero
mali pala dahil sa pagbaba ko sa maraming hagdan, mas matagal ang oras kaya nakakapag isip ako ng kung anu-ano. Asar. Makakaisip din siguro ako ng ibang paraan sa susunod. Pero sa ngayon tuloy ang byahe, bahala na si Batman!