choo-choo!

Grabe ang reklamo ko nung tatlong sem na ‘kong sophomore. Isinumpa ko yung teacher na nang-cuatro saken, isinumpa ko ang math11 na hanggang ngayon hindi ko pa rin naipapasa, isinumpa ko yung sem na underload ako dahil naubusan ng units, isinumpa ko ang UPLB, at isinumpa ko ang sarili ko dahil nagpabaya ako. Pero mas nagulo ang buhay ko nung at last Junior na ang standing ko. Well, wala nanaman akong magagawa kasi tapos na. Kaya eto ko ngayon, pinapagod ang sarili ko, overload, summer, habol, habol… Nakakatanga, hindi ko alam kung pano pero natapos ko ang nakaraang sem na pasado lahat at buhay pa rin. *palakpakan!* Marami pa kong gustong mangyari sa buhay ko kaya eto kayod kabayo para matapos ang delikadong madelay.

Practicumer ako somewhere, ayos, kelangan ko tapusin lahat ngayong summer para makabawas sa backlog ng buhay ko. Iniisip ko na rin tumalon sa gitna ng riles habang padating ang MRT, kaso ayokong mamatay na mas panget kesa sa present state ng mukha ko ngayon saka ang tanga nun ah, ayos lang mahagip ka sa riles ng LRT kase walang harang yun, pero MRT??? Antanga talaga!! Hehe. Natuto rin pala akong mag-commute ngayon mula samen hanggang

Manila

. May nadagdag na sa listahan ko ng mga alam puntahan na pa-byahe! Nakakapagod nga lang, uwian ako eh. Haggard lagi, hindi kasi sanay ang katawan kong gising ng mahigit 8hrs na wala man lang nap. Grabe, 7hrs of work tas 6hrs of transpo (approx.), bungo na ko next sem! Marami na kong sinacrifice para sa practicum na to ha, sa sobrang pagod ko pagdating sa bahay inaantok na agad ako, hindi na tuloy ako nakakanood ng Jang Geum (Jewel in the Palace), hehe. This is a preview of the future. Humihingi ako ng daily allowance na 400 pesos, sabi sakin ng nanay ko isipin ko raw kung pag graduate ko may magpapasweldo daw ba saken ng 400 pesos a day. Honga naman, pero pwede bang wag ko munang isipin yun? Kase muka na ‘kong treinta kakaisip ng mga bagay-bagay, may pimples na may premature wrinkles pa, grabe, angsama ko siguro nung past life ko (kung totoo man yun) kaya nagkakaganto ko. Pero di rin siguro kase blessed naman ako, I have a wonderful family (wonderful=mental ward environment) para kong may libreng circus lagi, nakakakain ako ng more than 3x a day, may bahay na tinutuluyan (kahit wala nang sariling kwarto), good provider ang parental units, mabait ang mga kamag-anak (yung ka-close), marami rin akong friends (nax!), may mga sisses ako, at marami pang iba…

Napaka-reklamador ko lang siguro. Hindi ka mabubusog kahit anong dami ng kainin mo kung dun ka nakatingin sa kinakain nung nasa kabilang mesa. Napaka-trivial o cliché, pero we always have to be thankful for whatever we have been given, appreciate and make the most of what is with us. Kase sa kahahanap walang kasiyahan, saka may tendency na never ka nang sumaya kasi gusto mo lagi yung “mas-”kesa sa kung anong meron ka.

Ang buhay ay isang malaking roller coaster ride at nasa bandang gitna pa lang ako ng byahe kaya dapat kumapit sa matatag, ayokong bumitaw dahil gusto ko pagbaba ko kaya kong ikwento yung experience sa iba in a way na gugustuhin din nilang sumakay at magpaulit-ulit…

Leave a Reply