nax…
Saturday, April 29th, 2006for him there are only two women in the world, you and everyone else. nax!
for him there are only two women in the world, you and everyone else. nax!
Halos araw-araw akong sumasakay sa MRT ngayon dahil sa practicum na hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bat dun ko gustong gawin. Nakakaaliw pag nagkakasalubong yung dalawang tren. Habang nakatulala ako at tinitignan lahat ng nadadaanan biglang darating yung tren, blur lang, saglit, pero nakakahilo. Minsan parang ang bagal ng takbo ng tren pwera na alng kung nakatayo ka at hindi nakakapit, depende sa direksyon ng tren at kung san ka nakaharap ang basag ng ulo mo pag nasubsob ka. Gaya ng sabi ko kanina, parang slow-mo minsan, pwede mong namnamin ang ‘view’, tapos habang emote ka na biglang daraan yung epal na tren at pagkakita ko sa kanya parang bigla kong gustong pumikit.
Dati, tuloy tuloy lang ako, minsan mabilis, pag tinamad bumabagal pero I get by pretty well with this. Nung bata pa ko ala naman talaga kong pakialam eh, gusto ko lang maglaro, manood ng TV, at kumain ng maraming chocolate. Pero kasalanan nung malandi naming maid kaya ako namulat sa mga love, love na yan. Weird na ko dati pa, konti lang ang nakakasakay sa mga trip ko saka konti rin lang yung nakakasabay sa superhyper imagination ko. Di ako appealing sa mga lalake kasi I seem too strong for them, di ko rin masabing panget ako dahil may mga natanga din naman dati. Maton matonan ako dati kahit ang liit ng katawan ko. Inisip ko rin dati kung kalahi ako ni Tiborcia pero hindi eh – bading ako. Hehe. Practical ako pagdating sa love – noon. Syempre dumating yung oras na kinain ko yung mga sinabi ko – at lasang tae yon – na hindi kahit kelan magkakagusto sa maitim, panget, payatot, at bobo. Pero diba nga sucker ako sa magandang buhok kaya ayun!
Pagsakay ko ng tren, puno na, halos siksikan kaya walang choice kundi tumayo. Binilang ko sa ticket kung ilang stations pa bago ko dumating sa pupuntahan ko, apat pa, safe. Pwede pang tumulala, di naman siguro ko lalampas. Kahit hindi masyadong sight ang Maynila keri lang, tinignan ko yung mga dinadaanan just to familiarize myself with the place. Binabasa ko lahat ng mababasa habang nasa byahe tapos biglang dumaan yung isa pang tren na kasalunga nung sinasakyan ko. Sandali lang, pag tinanong mo ko ng mga detalye hindi ko masasagot. Pero parang gusto kong habulin ng tingin ang nakaraang tren, gusto ko yong pigilin para mapagmasdan pa ng mas matagal pero wala akong kakayanan…
Ayos naman ang takbo ng buhay ko, masayahin ako I can find humor in almost anything. Simple lang ang buhay, laid-back, relaxed, I was just admiring everything that life throws at me, enjoying the view. Pero dumating ka bigla, ambilis ng mga nangyari, saglit lang pero natatandaan ko lahat ng nangyari at parang pirated na VCD na nasira, paulit-ulit na nag-p-play sa utak ko. Medyo matagal na nung nangyari pero hanggang ngayon alam ko pa rin. Madalang akong magkaron ng qualified matawag na lovelife kaya pati mga fling-fling sinasama ko na rin, pamparami lang (hehe). Pero isa ka sa mga dumaan na natandaan kasi may mga souvenir. Nung umalis ka balik sa dati ang takbo ng buhay ko, mabilis na mabagal, nasanay na ko ng wala ka, walang harang, kita ko lahat. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kelangan mong magpabalik-balik? Hindi ba pwedeng pag umalis di na pwedeng magpaaramdam uli? Kasi angtagal bago ko tumigil na umasa na baka babalik ka uli. Sanay na ko ng walang ibang nakikita pero dumadaan ka pa rin kung kelan mo gusto. Pwede ba kong umayaw sa susunod? Hayaan mo na ko sa blankong tingin ko sa mundo. Wag ka nang dumaan para humarang sa magagandang bagay na pwede ko sanang makita kung hindi ka lang
sana dumating. Nahihilo ako pag dumaraan ka, gusto kitang habulin pero wag na lang, hindi ko gawain yun. Kung dyan ka sasaya, di dyan ka, hindi ako pupunta sayo dahil papunta ako sa kabilang direksyon. Ayoko nang masanay dahil pag nasanay na ko kadalasan yun yung nawawala. Pag nahilo ako sa pagtingin sa yo, pipikit na lang ako kesa magsuka. Masasanay din ang sistema ko sa ganito. Wala na lang sanang dumating kung daraan lang, natututo na ko na magpakatahimik, ayos na uli ang buhay ko.
Sana wala nang gumulo.
Pagmulat ko ng mata ko, nasa susunod na istasyon na. Wala na ang
hilo . Isa na lang bababa na ko. Kasabay ang maraming tao na nagmamadali, bumaba ako. May elevator pero pinili kong gamitin ang hagdan, gusto kong pagurin ang sarili ko. Pero
mali pala dahil sa pagbaba ko sa maraming hagdan, mas matagal ang oras kaya nakakapag isip ako ng kung anu-ano. Asar. Makakaisip din siguro ako ng ibang paraan sa susunod. Pero sa ngayon tuloy ang byahe, bahala na si Batman!
Grabe ang reklamo ko nung tatlong sem na ‘kong sophomore. Isinumpa ko yung teacher na nang-cuatro saken, isinumpa ko ang math11 na hanggang ngayon hindi ko pa rin naipapasa, isinumpa ko yung sem na underload ako dahil naubusan ng units, isinumpa ko ang UPLB, at isinumpa ko ang sarili ko dahil nagpabaya ako. Pero mas nagulo ang buhay ko nung at last Junior na ang standing ko. Well, wala nanaman akong magagawa kasi tapos na. Kaya eto ko ngayon, pinapagod ang sarili ko, overload, summer, habol, habol… Nakakatanga, hindi ko alam kung pano pero natapos ko ang nakaraang sem na pasado lahat at buhay pa rin. *palakpakan!* Marami pa kong gustong mangyari sa buhay ko kaya eto kayod kabayo para matapos ang delikadong madelay.
Practicumer ako somewhere, ayos, kelangan ko tapusin lahat ngayong summer para makabawas sa backlog ng buhay ko. Iniisip ko na rin tumalon sa gitna ng riles habang padating ang MRT, kaso ayokong mamatay na mas panget kesa sa present state ng mukha ko ngayon saka ang tanga nun ah, ayos lang mahagip ka sa riles ng LRT kase walang harang yun, pero MRT??? Antanga talaga!! Hehe. Natuto rin pala akong mag-commute ngayon mula samen hanggang
Manila . May nadagdag na sa listahan ko ng mga alam puntahan na pa-byahe! Nakakapagod nga lang, uwian ako eh. Haggard lagi, hindi kasi sanay ang katawan kong gising ng mahigit 8hrs na wala man lang nap. Grabe, 7hrs of work tas 6hrs of transpo (approx.), bungo na ko next sem! Marami na kong sinacrifice para sa practicum na to ha, sa sobrang pagod ko pagdating sa bahay inaantok na agad ako, hindi na tuloy ako nakakanood ng Jang Geum (Jewel in the Palace), hehe. This is a preview of the future. Humihingi ako ng daily allowance na 400 pesos, sabi sakin ng nanay ko isipin ko raw kung pag graduate ko may magpapasweldo daw ba saken ng 400 pesos a day. Honga naman, pero pwede bang wag ko munang isipin yun? Kase muka na ‘kong treinta kakaisip ng mga bagay-bagay, may pimples na may premature wrinkles pa, grabe, angsama ko siguro nung past life ko (kung totoo man yun) kaya nagkakaganto ko. Pero di rin siguro kase blessed naman ako, I have a wonderful family (wonderful=mental ward environment) para kong may libreng circus lagi, nakakakain ako ng more than 3x a day, may bahay na tinutuluyan (kahit wala nang sariling kwarto), good provider ang parental units, mabait ang mga kamag-anak (yung ka-close), marami rin akong friends (nax!), may mga sisses ako, at marami pang iba…
Napaka-reklamador ko lang siguro. Hindi ka mabubusog kahit anong dami ng kainin mo kung dun ka nakatingin sa kinakain nung nasa kabilang mesa. Napaka-trivial o cliché, pero we always have to be thankful for whatever we have been given, appreciate and make the most of what is with us. Kase sa kahahanap walang kasiyahan, saka may tendency na never ka nang sumaya kasi gusto mo lagi yung “mas-”kesa sa kung anong meron ka.
Ang buhay ay isang malaking roller coaster ride at nasa bandang gitna pa lang ako ng byahe kaya dapat kumapit sa matatag, ayokong bumitaw dahil gusto ko pagbaba ko kaya kong ikwento yung experience sa iba in a way na gugustuhin din nilang sumakay at magpaulit-ulit…