Archive for March, 2006

the heat is on…

Friday, March 31st, 2006

summer nanaman mga tsong! mainit nanaman, swimming, gimmicks, at aral sa mga gaya kong marami pang hinahabol sa buhay… pag summer, mas marami akong ginagawang katarantaduhan kumpara sa lahat ng oras ng taon, mainit kase. haynaku, practicum na. i’ll be breathing another air, a break perhaps from the scorching elbi life. pero scary kase di ko alam kung anong gagawin… i’m not very good with changes, pero before i know it, i’ve moved on. hay, may meeting ang tropa mamya, sana  lang matuloy. ayoko muna ng lovelyf ngayon, (lagi kasing meron pag summer), bahala na si batman at ang bung justice league! hehe… promise next post may sense na ang sasabihin ko… ahaha… asa!

NGARNIA…

Thursday, March 16th, 2006

NGARNIA… aka UPLB,

potah, di ko na alam kung pano pa ko mabubuhay… lahat na lang ng outside forces ay hindi sang-ayon sa nais ng katawang-lupa ko na pahinga…hayop ang bwan ng Marso, pamatay… sana makatagal pa ko… ilang araw na kong pinatatakbo ng caffeine, coke, ice coffee, kahit ano patol basta manatiling gising, para sa paper, report, project. dumating na ko sa puntong kahit pagod na pagod na ko hindi na ko makatulog… pag di makatulog, moni… haaay… sana matapos na… sana kayanin ko pa… alam ko pagkatapos ng pagkangarag, bigla naman akong walang magawa… nakakabano ang ganto… pero salamat na rin sa pag-asang dala mo, kahit di mo alam ikaw ang secret vitamin ko na anti-ngarag… malaman ko lang na pinag-aksayahan mo ko ng piso na maaring ikamatay ng unli mo, ayos na… haaay… gusto kitang makita… ang galing mo, ikaw lang ang naka-control saken ng ganito at wala pang effort yan ha… hay… basta, malalaman mo rin—pag totoo na kong matapang…

para sa pamatay na samahan ng mga baca at kabayo… sa uulitin!!!

Sunday, March 12th, 2006

para sa mga kasama kong baca kagabe… at sige, sa lahat na rin ng baca na may balak… in fairness nakauwi pa ko, salamat sa lahat!!! woohoo!!! sana next time na doon ang venue may susi na si jave ng gate para hindi kami nag-e-exhibition sa gate, galing ko umakyat, panalo! special thanks kay martin na shuttle service ever!! sa uulitin!!

10 Utos Ng Maglalasing*

1. huwag makulit habang umiinom.

2. huwag matakaw sa pulutan.

3. huwag patagalin ang baso at mayroong naghihintay ng tagay.

4. huwag uminom ng uminom, kailangan bumili ka din!

5. uminom ng diretso sa tyan at huwag sa utak!

6. huwag biglang mawawala sa inuman. magpaalam ng maayos kung uuwi na.

7. magtira ng pang lakad khit hinlalaki ng paa.

8. huwag matulog habang umiinom.

9. siguraduhing sa bahay ang uwi kung lasing na at hinde kung san saan.

10. higit sa lahat huwag matakot sa magulang pag-uwi.

——–
*not an original, napulot ko lang kung saan, naka-relate, at pinost… enjoi lyf mga frends! mmmmwah!!=j

super june!

Thursday, March 9th, 2006

shet, kala ko hell week na.. kakatamad na mag-aral. di pa ko nakapag-report… alat… hay, ano ba kasing iniisip ko nung nag-overload ako??? tanga… ngayon ramdam ko na… buti na rin to. overload na lang ang nararamdaman ko, hindi na yung ibang load.daming taong problemado, malungkot, abnormal… gaya ko.. babu….