mefenamic…
hay nakakapikon, unfair yung malungkot ng hindi mo alam kung bakit, gaya ngayon, wala lang malungkot ako pero pag tinanong mo kung bakit, hindi ko kayang sagutin…
maraming beses nang nabiyak ang puso ko, yung una, wala akong pakialam, masakit pero kaya pa naman… pero nung pangalawa nag-collapse na sya.. di ko alam kung pano pagdidikitin ang mga piraso, sinubukan ko ang pandikit, di gumana, rugby, hindi rin, sinubukan kong tahiin pero ayaw gumana sa akin ng sarili kong karayom at sinulid. bakit ganon? yung puso ng iba kaya kong buuin bakit yung sarili ko hindi ko magamot? uminom man ako ng pampamanhid sandali lang andyan nanaman ang sakit. naisip ko, kelangan ko ng pangmatagalang lunas… nagluto ako isang araw tas napansin kong yung karne, pag frozen buo na matigas pa. sinubukan kong gawin yun sa puso ko. sinubukan kong balutin nang yelo paunti-unti, yung tama lang para mabuo ito,ayos pwede pala! pero sa tinagal-tagal ng panahon, napabayaan ko, hindi ko na nabantayan ang yelo kumapal na pala nang kumapal ng hindi ko namamalayan, nawalan ng pakiramdam ang puso ko, ayaw nang tumibok… pero naisip ko ayos na yon, buo na sya manhid pa, hindi na ko masasaktan uli… pero dumating ka, sugat sugat ang puso mo, mas marami kesa sakin dati, sinubukan kong payuhan ka na lagyan din ng yelo pero ayaw mo. masyadong kang maraming ningas para tumagal ang manipis na yelo kaya tinahi ko na lang. magaling akong manahi, nabuo ko lahat ng piraso ng puso mo, detalyado, pulido. di ko namalayan gusto ko na palang angkinin ang puso mo, masarap kasi ito sa pakiramdam, mainit at nakakakilabot… kaya akong pangitiin at dinadamayan ako… pero ibinigay mo sa iba ang puso mo, binigay mo sa taong hindi marunong manahi, hindi nya ito inalagaan kaya natastas ang ilang tahi. yun marahil ang dahilan kung bat bumabalik at bumabalik ka sakin, dahil pag nagkakapira-piraso ang puso mo agad kong tinatahi. pero ngayon ayoko na, pagod na ang mga kamay ko sa paghawak ng karayom at sinulid,pudpod na ang karayom ko, inubos mo na rin ang sinulid ko, baka wala nang matira para sa ibang nangangailangan… nung bumalik ka tinanggihan na kita, pasmado na ang kamay ko, hindi na makapanahi… lumayo ka naman pagtapos non… nung mawala ka, saka ko lang napansin na natunaw na ang yelo sa paligid ng puso ko, nagulat pa ko ng makitang hilom na ang mga sugat at buo na itong muli. napansin ko ring nakakaramdam na itong muli… masakit ang paligid dahil sa mahabang panahong pagkakabalot sa yelo. dumating na ng kinatatakutan ko, tumitibok na ang putanginang puso ko, gusto ko na tong itapon pero ikamamatay ko. sa paglapit ko sa nigas mo habang ginagamot ang bobo mong puso ay natunaw mo ang yelong nagsasalba ng buhay ko. inisip kong muling lagyan ng yelo ang paligid ng puso ko pero siguro wag na. pagod na kong tumakas lagi sa sakit, dapat siguro harapin ko na ngayon, baka hindi ko na kayanin ang susunod pa… baka pwedeng sa sakit ako maadik para hindi ko na iniinda gabi-gabi bago ako matulog, hindi ko na napapanaginipan, at hindi ko na naiisip. masasanay ako dito na darating ang araw na hindi ko na mapapansin dahil anditio naman lagi. kaya kung ako sayo, wag mo nang lapitan ang puso ko, ang paglapit mo ay panibagong sugat, mahal ang gamot, mahirap humanap, at wala akong pambili ng mahal…