Archive for February, 2006

when can you tell?

Tuesday, February 28th, 2006

when can you really say that it is really over? that you’re finally over him? is it enough that you stopped looking at his friendster profile? is it enough that you deleted his number from your phone book? is it over when you finally stopped talking about him? does the pain stop when you stop seeing him? can you say that you moved on when it stops to hurt when you see him?

i hope that there’s a guide book of some sort where you can refer to a checklist of items stating the signs of having moved on. maybe it will be easier having a list of things to do when you feel like you’ve been left in the middle of nowhere. maybe it’ll be easier if there’s a board that will observe you and give you a certificate that you are fully recovered and you can shout to the whole world that he now means nothing to you, that you have moved on and dont give a crap about him and his girlfriend whom he loves so damn much that you even remind him of her.

from the movie Pirates of the Carribean, (not the exact words),

…we have been thirsty for so long, but cannot drink. for a long time we have been starving to death yet we have not died. for a long time we have longed for the warmth of a woman’s body yet we cannot feel…

i wish that at this point of my life, i too be damned, i no longer want to feel if all i can feel is hurt. i no longer want to drink if i cannot find the fluid to quench this thirst. i no longer want to eat if deep inside i have this hunger that keeps eating me from within.

for so long i have been trying to live my life the way i want it, as hapy as i can make it. i learned to make plans for myself. things were great. that was until i learned to include other people in my plans, everytime i finished planning they always go away, leaving gaps in my plan, things kept on falling apart. i stoped planning, i don’t know when but i just woke up one day with the decision to live only for today, tomorrow never comes anyway. i still make plans but only for myself. revisions are easier than filling gaps, gaps erode the whole plan. and i prefer protecting my plan from outside elements as much as possible. i dont want to make that mistake again….

mefenamic…

Sunday, February 19th, 2006

hay nakakapikon, unfair yung malungkot ng hindi mo alam kung bakit, gaya ngayon, wala lang malungkot ako pero pag tinanong mo kung bakit, hindi ko kayang sagutin…

maraming beses nang nabiyak ang puso ko, yung una, wala akong pakialam, masakit pero kaya pa naman… pero nung pangalawa nag-collapse na sya.. di ko alam kung pano pagdidikitin ang mga piraso, sinubukan ko ang pandikit, di gumana, rugby, hindi rin, sinubukan kong tahiin pero ayaw gumana sa akin ng sarili kong karayom at sinulid. bakit ganon? yung puso ng iba kaya kong buuin bakit yung sarili ko hindi ko magamot? uminom man ako ng pampamanhid sandali lang andyan nanaman ang sakit. naisip ko, kelangan ko ng pangmatagalang lunas… nagluto ako isang araw tas napansin kong yung karne, pag frozen buo na matigas pa. sinubukan kong gawin yun sa puso ko. sinubukan kong balutin nang yelo paunti-unti, yung tama lang para mabuo ito,ayos pwede pala! pero sa tinagal-tagal ng panahon, napabayaan ko, hindi ko na nabantayan ang yelo kumapal na pala nang kumapal ng hindi ko namamalayan, nawalan ng pakiramdam ang puso ko, ayaw nang tumibok… pero naisip ko ayos na yon, buo na sya manhid pa, hindi na ko masasaktan uli… pero dumating ka, sugat sugat ang puso mo, mas marami kesa sakin dati, sinubukan kong payuhan ka na lagyan din ng yelo pero ayaw mo. masyadong kang maraming ningas para tumagal ang manipis na yelo kaya tinahi ko na lang. magaling akong manahi, nabuo ko lahat ng piraso ng puso mo, detalyado, pulido. di ko namalayan gusto ko na palang angkinin ang puso mo, masarap kasi ito sa pakiramdam, mainit at nakakakilabot… kaya akong pangitiin at dinadamayan ako… pero ibinigay mo sa iba ang puso mo, binigay mo sa taong hindi marunong manahi, hindi nya ito inalagaan kaya natastas ang ilang tahi. yun marahil ang dahilan kung bat bumabalik at bumabalik ka sakin, dahil pag nagkakapira-piraso ang puso mo agad kong tinatahi. pero ngayon ayoko na, pagod na ang mga kamay ko sa paghawak ng karayom at sinulid,pudpod na ang karayom ko, inubos mo na rin ang sinulid ko, baka wala nang matira para sa ibang nangangailangan… nung bumalik ka tinanggihan na kita, pasmado na ang kamay ko, hindi na makapanahi… lumayo ka naman pagtapos non… nung mawala ka, saka ko lang napansin na natunaw na ang yelo sa paligid ng puso ko, nagulat pa ko ng makitang hilom na ang mga sugat at buo na itong muli. napansin ko ring nakakaramdam na itong muli… masakit  ang paligid dahil sa mahabang panahong pagkakabalot sa yelo. dumating na ng kinatatakutan ko, tumitibok na ang putanginang puso ko, gusto ko na tong itapon pero ikamamatay ko. sa paglapit ko sa nigas mo habang ginagamot ang bobo mong puso ay natunaw mo ang yelong nagsasalba ng buhay ko. inisip kong muling lagyan ng yelo ang paligid ng puso ko pero siguro wag na. pagod na kong tumakas lagi sa sakit, dapat siguro harapin ko na ngayon, baka hindi ko na kayanin ang susunod pa… baka pwedeng sa sakit ako maadik para hindi ko na iniinda gabi-gabi bago ako matulog, hindi ko na napapanaginipan, at hindi ko na naiisip. masasanay ako dito na darating ang araw na hindi ko na mapapansin dahil anditio naman lagi. kaya kung ako sayo, wag mo nang lapitan ang puso ko, ang paglapit mo ay panibagong sugat, mahal ang gamot, mahirap humanap, at wala akong pambili ng mahal…

balentayms…

Thursday, February 16th, 2006

syemps kahit overdue na hihirit pa rin ako…

tanong lang, sinong nakaburol sa grove nung feb 14? andaming bulaklak eh… hay, nagpabiktima nanaman kayo sa mga negosyante, pinapaniwala nila kayong there’s something special with that darn day kahit na sa totoo it’s just another day! hay antatanda nyo na nagpapauto pa kayo…

balentayms…

1. kase maraming bulaklak, i have asthma and alerginchronitis, hindi mapigil ang bahing at kinailangan kong ilagay sa bag ko ang inhaler ko….

2. maraming katangahang nangyayari, eto yung mga pinaka malala

               umaga: nag-group message ako, hindi pala ako unli

              tanghali: paper cut

              gabi: nag-aral ako

3. mainit ang ulo ng teacher namen, chinaka nya yung report nung classmates ko, buti na lang hindi ako yun.

4. gumising ako ng maaga for my 7am class only to find out na absent ang teacher namen

5. haggard ako ever!

6. i was flooded by happy valentine’s and happy puso messages.

7. ang ganda ng jang geum

8. nanonood na rin ako ng kim sam soon

9. di ako nalasing

10. lang kwenta

11. no burning ceremony because i was too busy

12. ayoko nang maging sikat!

magsisimula ang pagkalat ng epidemya sa lunes…

Friday, February 10th, 2006

sa lunes, feb 13, opening na ng exhibit naming mga artists (hum 2 students), sa NCAS open lobby, 5pm… pumunta at masdan ang lantern kong pamatay, haha… eto tile ng exhibit namen "pag-ibig masdan mo ang iyong ginawa" (di ko sure kung saktong yan) hehe… may poetry reading din, tiyak na masaya yun… hehe… ganda ng lantern ko, puro ka-bitteran. wala lang, masaya… feb fair na, patayan nanaman… hell week… buti na lang fully booked nako… ang saya!

practicum rush… nang sinipa ng kabayo ang BACA…

Friday, February 10th, 2006

sandamukal ang reklamo ko nung tatlong sem akong sophomore pero nung maging junior ako nagulo lalo ang buhay ko, tangina andaming gagawin! eto na ang kelangan magpracticum, san ba ko papasok? wala pa kong resume, potek… ayoko na mag-aral!!!!! sana maganda na lang ako saka matangkad, maka pag artista na lang, nyahahahahahahaha!!!! bat ba ang tamad ko? lintek na yan, asan na ang mga koneksyon kung kelan kelangan sila??? sana makilala ko so lino cayetano pag natuloy ako sa abs… anggaling kase… pero sa gitna ng practicum rush, ang mga hinayupak na mga BACA, nakuha pang mag moni!!!

nakakatuwa naman ang moni night naten sana maging regular na… HEHE… kapal ng muka kong magyaya noh? haha… sensya na sa mga late dumating tulog na ang artista nung dumating kayo… sisihin nyo yung mga taong gumugulo sa buhay ko kaya ako nagmomoni kase makulit sila… hehe… oi martin churi, dapat nga pala ikaw ang bida nun, bida ka pa rin naman kase ikaw ang baby dun, next tym dadahan dahanin ko na ang moni para makapag-emote ka naman… zhazha, winner tayo! kamusta naman ang paglangoy sa kahoy na sahig? ganda ng kwarto ko, bat nyo ko inalis dun? haha… exhibition talaga! panalo!!! oi yung usapang laseng naten walang kalimutan ha:

PAG ALUMNI NA TAYO MAGTATAYO NG BOOTH ANG BACA ‘03, AT MAGLI-LEAVE TAYO FOR THE WHOLE WEEK… winner!!!

dati trip kong magmoni mag-isa, pero after that night na-realize ko na THE MORE THE MANYER PALA! haha… at salamat din sa mga naka-witness sa isa nanamang milestone sa moni life ko.. ang nakita nyo ay pawang bago, never been seen and done before! pag kumalat nanaman yun kagulo na!!! haha… alala ko yung isis, that was better, haha… hay dapat may isa pa kong blog para sa moni chronicles ko… pero pramis saya talaga ng inuman, haha, sa uulitin! go baca ‘03, keep mooing!!!! yeahbah!=j

next wik…hay…prologue…

Monday, February 6th, 2006

malapit nanaman ang pinakaayaw kong holiday sa isang linggo… bat nga ba tinawag na holiday yung sinumpang araw na yun? may pasok naman… walng napapala ang mga gaya kong tamad pumasok sa klase… pang ilang taon na bang ipinagkakaskasan saken ng balentayms na single ako twing darating sya? hmmm… 17? uuuuy, kahit pano may dalawang taon na eventful… nakakaungas…

ano ang gagawin ko sa balentayms?

a. matutulog?

b. maglalasing?

c. magpapatatoo?

d. magpapapierce?

e. mag-aaral para sa exam ko kinabukasan?

f. makikipagdeyt nanaman kung kanino?

i-text ang sagot sa number ko ay manalo ng tumataginting na plake na nagsasaad na gullible ka. hehe…

mapupuno nanaman ng rose vendors ang grove, marami nanamang maglalakad na may hawak na rose, last year i had a blue rose for valentine’s… hehe… init nanaman ulo ko… well at least i have a good excuse this year, thanks to my comsci teacher i have to study for an exam, in your face valentine!!!! hay, kamusta na kaya yung mga ex ko? wow biglang nagkaron ng mga??? well, sana hapi sila basta ako, hapi rin naman… mag-aaral na kaya ako ng advanced to make room for moni and the burning ceremoni? kaso anong susunugin ko? mahal ko yung mga unan ko, kung pwede lang na yung tao sunugin… hay, paksyet bat ba ang bait ko? kuya miss ko na ikaw, musta buhay ng may pamilya, ako tagal pa bago mag ganyan although i’d love to buy a baby now… hehe… miss ko na ang mga pustahan natin na laging ako ang pnalo kahit anong mangyari, mga text of comforts, awayan, telebabad, kulitan… hay, ngayon ko lang naisip na for quite some time ikaw ang nakakabawas sa lamig ng lahat ng holidays na mag-isa ako, gusto kitang itext ulit kaso baka lam mo na, gaya nung dati.. hay, basta mishuuuuuu!!!! hehe… sana may mahanap uli akong kuya, yung isang text lang andyan na, yung laging may dalang isang sakong saya, yung bumabalik pa rin kahit ipagtulakan, yung tatawag saken at sasabihing nakapasa ako sa upcat o kaya nanalo ako sa pustahan, yung manlilibre saken kahit saan, yung kaya akong mahalin na walang halong kahit ano… hay kuya.. sobrang miss ko na ikaw! mmmmmmmmwah!

toyo…

Sunday, February 5th, 2006

may something! hehe… malapit nang dumating si piglet sa buhay ko at makukumpleto na ang babies ko… mag-isa lang ako sa bahay kanina kaya tinopak nanaman ako, hehe… sabi ko hindi ako babangon hanggat walang nagtetext saken, my typical excuse kung ayokong gumising ng maaga dahil ang tunog ng telepono ko nagsisisimula pa lang ng 11am, peo may hayop na nagtext saken 8am pa lang, tengineh! tas di ko pa kilala yung hinayupak na yun, badtrip, kala nyo naman bumangon nako, syempre hindi noh! hinayaan ko lang naka-sampung text ata yung walangyang yun, globe pa naman… paksyet nakakairita… pero dahil sa ginawa nya bida sya sa blog ko daba? hehe… winter na dito sa elbi, madilim na at ang matalinong nagta-type na to naka-shorts lang saka sando, nangangatog na ko… hehe… aral nanaman bukas kelangan na pumasok dahil bakasyon ako last wik dahil sa aking sikretong sakit… mahirap maging babae… uuwi na ko, malamig na, wala pang sinaing… kung binasa mo to, sensya na kung lang kwenta, ayoko lang kase sa bahay, may mumu… hehe…

i enjoy doing things my way… manipulative?!

Sunday, February 5th, 2006

abnormal daw ako… okay, abonormal ako, ayan tama na ha… maraming hindi nakakagets sa ugali ko lalo na sa takbo ng utak ko…. kanina gusto kong ibabad yung sim ko sa tubig tas titignan ko kung gagana pa kaso nakakita ko ng vcd kaya nanuod na lang ako, syemps crayola ever ako sa memoirs of a geisha… sana pagtanda ko may maikwento rin ako sa mga apo ko na pwede nilang i-relay sa iba, yung mga tipong "wala yan sa lola ko!" hehe… well future apo, if ever you’ll materialize ang pinaka abnormal na ginawa pa lang ng lola mo ay magkunwaring mamatay na… grade four ako nun, halos bwan bwan isang linggo ang ginugugol ko sa ospital dahil sa hika… i have always had my way of getting the things i wanted and i was very good at it… kung may award para dito aba akin na yon…  eto ginawa ko (papatayin ako ng nanay ko pag nabasa nya to):

totoong may sakit ako nun pero hindi masyadong grabe, dinagdagan ko lang ng acting para may drama… hinihika na ko umaga pa lang kaya hindi nako pumasok sa school.. nanuond ako ng tv maghapon and at that age, langit na ang buhay ko non… gumabi na, lumamig, at tumindi ang hika… gusto ko lang naman ng onting hagod sa likod kaya tinawag ko yung maid namen tas nagpahagod ako, sumunod naman sya pero baka kasi dahil gabi na sabi nya ayw na nya, di manlang nya hinintay na matulog ako bago sya tumigil… nainis ako, at pag nainis ako umiiyak ako… ayun di ako lalo makahinga… di ko alam kung pano ko napag-kulay purple ang muka ko (baka totoo tong part na to), tas nagpapanic na mama ko ginawa ko pinaikot ko mata ko… nun na sya umiyak because she thought she’s gonna lose me, i knew then and there that i was loved. para kong  gago, pag niisip ko yun nakokonsensya ko, pero baka totoo rin yun… hindi ko alam kung bakit ko sinulat to, a onga pala para sa mga apo ko, hehe… kaya wag nyong ginagawa na to, kase BUMENTA NA!

hehe… natatanga… home alone!

Sunday, February 5th, 2006

maraming bagay na pwede pero di dapat (teka text to a!)…

minsan ang hostility ay pwedeng equivalent ng concern…

minsan may dumarating para umalis…

minsan yung nakasanayan biglang nawawala…

minsan yung kala mong walang pakialam yun pala yung nagmamahal…

minsan yung akala mong mahal ka wala palang pakialam…

minsan yung hindi umiiyak yun ang mas nasasaktan…

minsan mas masakit kapag ikaw ang nang-iwan…

minsan yung mga pilit hinahawakan yun pa yung gustong bumitaw…

minsan yung binibitawan yun yung dapat palang di pinakawalan…

minsan kung totoo kang kaibigan kelangan mong lumayo….

minsan mas kailangang sundin ang utak para makaiwas sa mas malaking gulo…

minsan kelangang buksan ang isip sa mga bagay na hindi maintindihan…

minsan matatanga ka pero dapat sa pagkatanga matuto ka…

minsan sinsadya mong magpakatanga…

minsan hindi lahat ng tanong may sagot…

minsan may sagot man nagbubunga naman ng mas maraming tanong…

minsan mas gugustuhin nating walang payong kapag umuulan…

minsan mas gusto nating nasa bahay nalng dahil magkakasakit pag nagpaulan…

minsan mabuti sa tao ang nasasaktan kase mas nararamdaman natin na tayo’y buhay…

minsan mas masarap mag-ilusyon kesa mabuhay…

minsan kelangang magtiis…

minsan kelangan tiisin…

minsan kelangang unahin ang iba bago ang sarili….

minsan kelangang unahin ang sarili bago ang iba…

minsan dapat hindi magpadala…

minsan bagay ang magkaiba…

minsan may talagang pinagpareha…

…pero ni minsan wag iisipin na balewala ka, dahil minsan mang dumaan, lahat may halaga…

theme song, wooho!

Thursday, February 2nd, 2006

not the doctor  (Alanis Morissette)

I don’t want to be the filler if the void is solely yours
I don’t want to be your glass of single malt whiskey
Hidden in the bottom drawer
I don’t want to be a bandage if the wound is not mine
Lend me some fresh air

I don’t want to be adored for what I merely represent to you
I don’t want to be your babysitter
You’re a very big boy now
I don’t want to be your mother
I didn’t carry you in my womb for nine months
Show me the back door

Visiting hours are 9 to 5 and if I show up at 10 past 6
Well I already know that you’d find some way to sneak me in and oh
Mind the empty bottle with the holes along the bottom
You see it’s too much to ask for and I am not the doctor

I don’t want to be the sweeper of the egg shells that you walk upon
And I don’t want to be your other half, I believe that 1 and 1 make 2
I don’t want to be your food or the light from the fridge on your face
At midnight, hey
What are you hungry for

I don’t want to be the glue that holds your pieces together
I don’t want to be your idol
See this pedestal is high and I’m afraid of heights
I don’t want to be lived through
A vicarious occasion
Please open the window

Visiting hours are 9 to 5 and if I show up at 10 past 6
Well I already know that you’d find some way to sneak me in and oh
Mind the empty bottle with the holes along the bottom
You see it’s too much to ask for and I am not the doctor

I don’t want to live on someday when my motto is last week
I don’t want to be responsible for your fractured heart
And it’s wounded beat
I don’t want to be a substitute for the smoke you’ve been inhaling
What do you thank me
What do you thank me for

Visiting hours are 9 to 5 and if I show up at 10 past 6
Well I already know that you’d find some way to sneak me in and oh
Mind the empty bottle with the holes along the bottom
You see it’s too much to ask for and I am not the doctor

hehe… after not so long, kinakanta ko nanaman tong kantang to, nagsimula nung high school ang pagkahilig ko kay alanis at hanggang ngayong may dalwang bagong album na sya mula nung jagged little pill, ako nandun pa rin. buti pa si alanis naka-move-on na, ako stuck na ata dito sa tinatawag kong walang kamatayang ocean of bitterness. hay buhay! pagupit din kaya ako tas sasabihin ko rin na i have nothing to hide na kaya ako nagpagupit… haha… para kong tanga! well, uso naman daw ang tanga ngayon, ayan nanaman yung lintek na usong yan, mawawala nanaman ako. hmmm… grade five pa lang ako ay isa na kong walking, breathing, talking, relationship wrecking ball. ung nang emyu ko ay iniwan ang nililigawan na para saken, asim noh? ayos lang yun, di naman kami masado sumaya, sandamukal na love letters at phonecalls lang naman, di kami masaya noh! hehe… tas bigla nalang kami hindi nagpansinan nun, labo noh? heniwey, nagkita uli kami nung fiesta, nag-anak ako sa binyag ng isang batang hindi ko ka-close ang mga magulang at ninong sya! nagseksi-seksihan pa naman ako nun, haha… breyk na sila ng jowabels pero di k na sya type ngayon eh, sayang, may future sana… hehe…

       naisip ko tuloy, ang bad ko, i ruined a 5-year relationship not once, but twice… i even made people take lotsa sleeping pills… pamatay! at hindi maintindihan ng ibang tao kung bat ko gustong lumayo na lang kahit sabihin pang friends lang kame… sa isang away nagsisimula lahat… ang isa may kasunod na dalawa and so on… hay, malis ako dahil gust kng i-preserve ang kung anumang friendship na meron tayo so far, i don’t want you to hate me if u ever break up beacause of our friendship. wala akong tinapon na friendship. sinabi kong tigilan mo na ko hindi dahil gusto kita para sa sarili ko or gusto ko ng relasyon with u or whatever. ginawa ko yon dahil frend kita at ayokong sirain o guluhin ang buhay mo. engot ka para hindi mo makita, kala mo ang saya ko nung ginawa ko yon? tanga! kada text mo parang isang hibla ng buhok ang binubunot galing sa ulo ko, sandali lang ang sakit pero alam kong may nawala kahit pano, sa ginagawa m kinakalbo mo ko… wag mo na kong pahirapan, tama na yung hirap na pag-bitaw sayo, naiipit ang dugo ko dahil nakakapit ka pa rin sa pulso ko kahit bukas na bukas ang mga palad ko sa pagtatangkang bumitaw… nakakaladkad ako sa byahe mo, hindi naman yan ang destinasyon ko, sana bumitaw ka na rin para bumalik na ang dating takbo ng dugo sa mga ugat ko. hindi ako ang sagot sa lahat ng sakit mo. wag kang kumapit dahil lang sa kasiguruhang nandito ko at may nakahandang ngiting kala mo ay gamot, first aid lang ang alam ko, nasayo na un kung gusto mo talagang gumaling. tulungan mo ang sarili mo, kaya mo yan!=j