nakakasuka….
wala lang, malungkot ako, di ko mailabas kase di ko lam kung pano. inom na lang ak0, inom, inom, inom…. alcoholic ba? hehe… siguro, pero di rin natin masabe. ilang araw ko nang pinipilit umiyak, pinanood ko na ang 10 things pero nalasing lang ako uli. hehe… ganun yata talaga, dapat onti onti lang ang pag-inom, dahil pag minadali mo isusuka mo yan lahat pati na ang kinain mo nung una. hindi ko alam kung kelan ako nagsimulang mahilig sa moni, sabi ko pa dati pag pinipiit ko yung boylet kong uminom "anong kasiyahan ba nakukuha mo dyan? niluluto mo lang atay mo!" hehe, ngayon naririnig ko ang sarili kong boses sa twing hawak ko ang bote ng strong ice na nakagawian ko nang inumin pag hindi ako matulog. iniisip ko rin kung bat ba ko nagpapakatanga sa taong hindi naman deserving. kada makikita ako ng mga kakilala ko ang tanong lagi may boypren na raw ba ko, "blooming ka kase eh". tangina, bawal na ba magpaganda kung single ka?! e ano naman kung ayoko nga ng komitment kaya ala akong boypren???? hehe… impotent na ata ang puso ko, harhar, mushy! siguro i’m just in love with love, not people. hehe… ewan, sorry kung lagi kitang sinisisi, pero nakikita kita lagi sa ibang tao tuloy hindi ko alam kung mahal ko ba talaga sila o mahal ko ang ikaw na nasa kanila. hindi ko mapigilang hanapan ka ng koneksyon sa mga kabaro mo, obsessed?! ewan, ewan, at ewan pa rin. di ko alam kung hanggang kelan ako ganito, nagkasakit na ko at naospital dahil hinayaan ko ang sarili kong magpakababad sa ulan at kinalimutan kong alagaan ang sarili ko. hindi ko inalalang pag natuyo ang tubig-ulan sa likod ko ay pwede kong magkasakit maraming may malasakit na nag-aalaga sa akin pero iba talaga sa ilalim ng ulan. wala akong pakialam non, kahit hindi ko alam kung kailan ang sunod na ulan ay naghihintay ako. tigang na kung tigang pero andito pa rin ako, naghihintay sa susunod na patak ng ulan, kahit ambon lang, sa mahabang tagtuyot na dala mo, aasa pa rin ako. diba pag hunyo maraming ulan? bakit ang hunyong ako madalang madaanan? yung barkada ng tita ko na bading may boypren, kaya ayun sabi ba naman daig daw nya ko, sabi ko pa, "bakit? panget ba ko?" hindi naman daw kulang lang daw ako sa exposure at koneksyon kaya alang nagbebenta saken, kung alam lang nya… hehe, ayos lang, ayoko ng basta-basta ako nakukuha, pinaghihirapan ang hunyo, inaantay ng taon o higit pa. kung ayaw di wag, taas ng pride chiken hindi kayang pabagsakin to. PERO syempre sabi lang yun, tigas na kung sa tigas pero pag natanga ko matibay din. hehe… sabi ko isang beses lang ako dapat matanga at nagawa ko na sayo yun, gusto ko na ring itigil, marami nang nag-abot ng tulong pero ayokong tulungan ang sarili ko, gusto ko dito lang ako hanggang magsawa na ko, sana magawa ko pang umahon sa adiksyon ko sa ulan…