hehe… komsay nanaman!
xemps, libreng net nanaman itez… hehe… i want to treat myself, haggard na ko… facial, facial! hehe… ala nako pera…
kaw ba naranasan mo ang magbyahe? pumara ka, sumakay tas nung komportable ka na sa upo mo biglang tumigil yung sinasakyan mo tas sabi baba ka na raw, lipat ka na lang ng ibang jeep dami namang dumadaan dyan. eto pa malala hindi mo alam kung anong lugar yung pinag-babaan sayo. potah daba? naranasan ko na to, paulit-ulit, sa lahat na yata ng sasakyan, pati sa sarili naming sasakyan, pinagbyahe na lang ako hanggang elbi kase matatraffic daw sila. haaay buhay… lagi kasi akong tulog sa byahe tas pag nag-aabang ako minsan tinatanggihan ko yung dumadaan, dun ako sumasakay sa akala ko makakarating ako ng matino sa pupuntahan ko pero ang nagyayari yun pa ang madalas kapitan ng aberya. ewan kung malas ba ako o malas lang talaga ako. kaya ngayon, bumabyahe na lang ako kung kinakailangan lang talaga, mas gusto kong sa bahay na lang, at least yung bahay namin hindi titigil at ibababa ako kung saan. yung bahay namin andyan lang, kahit iwan ko, pwede ko pang balikan..
lahat tayo driver ng buhay naten. wag tayong magpasasakay ng kahit sino kung hindi natin kayang dalhin ang bigat nila o kung ipagpapalit natin sila sa ibang pasahero na makakapagbigay satin ng mas malaking kita. pwede tayong magsakay ng marami sa likuran kahit siksikan pa yan pero ang katabing upuan ng driver ay pang-isaang tao lang, wag ipagpilitan…
hehe… lasang tae kase pag ganon, sayo man gawin hindi masaya. pinasakay mo ko kala ko naman dercho na, pero nung may sumakay na mas marami at iba ang ruta pinababa mo ko, sabi mo marami namang dumadaan, di mo manlang ako hinantay makasakay bago ka umalis. well, naghintay ako saglit kung totoo ngang maraming dumadaan, tas naisip ko, higway yun, kung may daraan man aba trak yun at hindi ako isasakay! kaya naglakad na lang ako, madilim kay dun, kakatakot, buti na lang matapang ako at walang ipis kaya nakatagal ako kahit ako lang. buti na lang sadya akong maganda kay ayun, may dumaan nga tas kahit may sakay na sya sinakay nya ko, bait nga eh, pero di pa rin ikaw yun… binaba nya yung sakay nya para saken, wow daba? pero hindi talaga ikaw yun eh… iniisip ko tuloy ngayon kung daraan ka pa kaya? hihintayin pa ba kita? sabihin mo naman para makatuloy nako sa byahe ko, malayo pa gusto kong marating, sayang ang oras maiiwan na ko ng last trip…