Archive for January, 2006

am i getting old?

Friday, January 20th, 2006

hehe, pano naman, ang mga kapatid ko may mga lovelife na. nakakatuwa, naalala ko nung bata pa ko, dami ko karir, lima sabay-sabay, pati may ari ng school di ko pinatawad. hehe… what mary june wants, mary june gets… kakaririn tas hahayaan lang, kaya ano, karma… hehe… isa lang lumoko dala na… at sa obserbasyon ko lang, mas malakas ang hatak ko sa mga taong may sabit na… nakakaasar, may magkagusto man saken na single, ayaw ko naman… tas yung gusto kong single ayaw naman saken o kaya nawawala na lang bigla… ewan ko ba, tas minsan gusto ko tas pag andyan na ayoko naman pala… marami na ring horror stories tungkol sa matatandang may gusto saken, remember the one-hundred-peso-old man? trauma yun talaga, haha… tas yung matandang nagtetext ng "isama m ko s pnagnp m" yaaaaaaaaaaaaaaaaaaaak!!!! sino namang hindi lalagnatin?? my gulay… kaya napagdisisyunan ko na kung sino ang isasama ko sa pagtira ko sa Palau, kase sa yo laging may bago, kahit tinetext mo ko ng wala ka namang maisip sabihin para kang engot pero that’s what makes you endearing. nag-uubusan tayo ng load, mag smart ka na kase! hehe… ewan kung kelan ko sinimulang isipin na ikaw na nga yun pero malakas ang kutob kong ikaw na nga yun… tagal na nating di nagkikita kaya siguro inisip kong ikaw na nga… sana magkita na uli tayo, ilayo mo ko sa kanilang lahat, diba sabi mo ako lang nakakausap mo? ikaw rin lang nakakausap ko ng ganun… alam mo kung ano ang hehe, haha, nyehehe, hekhek, at nyuknyuknyuk ko kahit di mo nakikita… tara na sa Palau, kanta tayo ng Hakunamatata pero wag tayong kakain ng bugs ha? pagawa rin tayo ng aquarium gaya nung dati o kaya aquarium natin ang buong dagat, mas masaya yun… ahehe…. ang saya naman, salamat sa mga taong nagpa-realize saken na ikaw na nga yun… ngayon di ko na masyadong iniisip ang bukas na hindi dumarating, yung ngayon na lang dahil noon kakatingin ko sa bukas hindi ko napansin ang ngayon na nasa harapan ko na pala, sensya na ha, tatangatanga kase ko eh… hehe…

hehe… komsay nanaman!

Tuesday, January 17th, 2006

xemps, libreng net nanaman itez… hehe… i want to treat myself, haggard na ko… facial, facial! hehe… ala nako pera…

kaw ba naranasan mo ang magbyahe? pumara ka, sumakay tas nung komportable ka na sa upo mo biglang tumigil yung sinasakyan mo tas sabi baba ka na raw, lipat ka na lang ng ibang jeep dami namang dumadaan dyan. eto pa malala hindi mo alam kung anong lugar yung pinag-babaan sayo. potah daba? naranasan ko na to, paulit-ulit, sa lahat na yata ng sasakyan, pati sa sarili naming sasakyan, pinagbyahe na lang ako hanggang elbi kase matatraffic daw sila. haaay buhay… lagi kasi akong tulog sa byahe tas pag nag-aabang ako minsan tinatanggihan ko yung dumadaan, dun ako sumasakay sa akala ko makakarating ako ng matino sa pupuntahan ko pero ang nagyayari yun pa ang madalas kapitan ng aberya. ewan kung malas ba ako o malas lang talaga ako. kaya ngayon, bumabyahe na lang ako kung kinakailangan lang talaga, mas gusto kong sa bahay na lang, at least yung bahay namin hindi titigil at ibababa ako kung saan. yung bahay namin andyan lang, kahit iwan ko, pwede ko pang balikan..

lahat tayo driver ng buhay naten. wag tayong magpasasakay ng kahit sino kung hindi natin kayang dalhin ang bigat nila o kung ipagpapalit natin sila sa ibang pasahero na makakapagbigay satin ng mas malaking kita. pwede tayong magsakay ng marami sa likuran kahit siksikan pa yan pero ang katabing upuan ng driver ay pang-isaang tao lang, wag ipagpilitan…

hehe… lasang tae kase pag ganon, sayo man gawin hindi masaya. pinasakay mo ko kala ko naman dercho na, pero nung may sumakay na mas marami at iba ang ruta pinababa mo ko, sabi mo marami namang dumadaan, di mo manlang ako hinantay makasakay bago ka umalis. well, naghintay ako saglit kung totoo ngang maraming dumadaan, tas naisip ko, higway yun, kung may daraan man aba trak yun at hindi ako isasakay! kaya naglakad na lang ako, madilim kay dun, kakatakot, buti na lang matapang ako at walang ipis kaya  nakatagal ako kahit ako lang. buti na lang sadya akong maganda kay ayun, may dumaan nga tas kahit may sakay na sya sinakay nya ko, bait nga eh, pero di pa rin ikaw yun… binaba nya yung sakay nya para saken, wow daba? pero hindi talaga ikaw yun eh… iniisip ko tuloy ngayon kung daraan ka pa kaya? hihintayin pa ba kita? sabihin mo naman para makatuloy nako sa byahe ko, malayo pa gusto kong marating, sayang ang oras maiiwan na ko ng last trip…

alcoholic daw ako…

Tuesday, January 10th, 2006

hindi ako nakakuha ng quiz kanina dahil umuwi ako at nagsuka… pang beer lang talaga ang hunyo, gin ang ininom namen ni carmel dahil depressed daw sya at di na masaya… tanginang mga relasyon yan, mas madalas pa magpaiyak kesa magpasaya o baka si carmel lang yun, hoy fonte umayos ka! hehe… well, la na kong magagawa kundi sulsulan sya ng kung ano, joke lang, syemps ang role ko nanaman counselor, “eh anong gusto mong mangyari? di mo na ba talaga kaya?” haynaku, relasyoooooooooooon! pinagtatawaanan kami nung kapitbahay namin na mga lalakeng tsismoso, pasukin ko kaya bahay nila? may susi pa ko nun. hekhek… heniwei, balik tayo sa title, alcoholic nga ba ko? diba araw-araw umiinom ang alcoholic? ako every other day lang naman a… hehe… pampatulog lang naman, ayoko na kasi mag-isip, mas nahihirapan ako. at least pag lasing ako sandali lang tulog na… kaya pasensya sa mga nagtetext na inaabot na lasing ako, hehe… di na ko nagpo-propose ngayon in fairness! hehe… kahapon may nakikipagtextmate, sabi ko tibo ako, natakot, haha… buti nga, lakas mang trip eh! pero bothered pa rin ako andami nang nanggugulo sa buhay ko na di ko naman kilala, pang walong palit ko na ng sim, magpalit kaya uli ako? hmmm… ninang tawagan mo ko sa sun! hehe… forever na yata akong catalyst, lagi na lang third wheel, minsan fifth pa, hehe… i just speed up the process but i’m not paired to anyone, maybe i was born to be just like this, a middle person, takbuhan ng mga gustong maglasing, naghahanap ng matinong kausap at brutal advice… go lang, lapit lang there’s enough to go around at least i have a purpose and i still make people happy by helping them make the right choice… dapat siguro kong maging lobbyist, malaki kita nun noh! hehe… i’ll make the president at that time to make the perfect “i’m sorry” speech, magpapogi sa mga tao, manloko at makulong… anong pinagsasasabi ko?? sinusulit ko lang ang lab fee ko sa comsci, kanina pa ko tapos sa activity patay ako sa exam dito… naku la pa nga pala akong materials sa exam bukas! hehe… ayos lang, mangongopya na lang ako, charot!!!! hehe… break muna ako sa moni…hehe… paos na ang atay kong tigang pa rin… sa isang linggo na lang uli, beer na lang talaga iinumin ko, magbabawas muna ako ng beer belly this week para may laban sa isang linggo… nyehehe… ge.

nakakasuka….

Monday, January 9th, 2006

wala lang, malungkot ako, di ko mailabas kase di ko lam kung pano. inom na lang ak0, inom, inom, inom…. alcoholic ba? hehe… siguro, pero di rin natin masabe. ilang araw ko nang pinipilit umiyak, pinanood ko na ang 10 things pero nalasing lang ako uli. hehe… ganun yata talaga, dapat onti onti lang ang pag-inom, dahil pag minadali mo isusuka mo yan lahat pati na ang kinain mo nung una. hindi ko alam kung kelan ako nagsimulang mahilig sa moni, sabi ko pa dati pag pinipiit ko yung boylet kong uminom "anong kasiyahan ba nakukuha mo dyan? niluluto mo lang atay mo!" hehe, ngayon naririnig  ko ang sarili kong boses sa twing hawak ko ang bote ng strong ice na nakagawian ko nang inumin pag hindi ako matulog. iniisip ko rin kung bat ba ko nagpapakatanga sa taong hindi naman deserving. kada makikita ako ng mga kakilala ko ang tanong lagi may boypren na raw ba ko, "blooming ka kase eh". tangina, bawal na ba magpaganda kung single ka?! e ano naman kung ayoko nga ng komitment kaya ala akong boypren???? hehe… impotent na ata ang puso ko, harhar, mushy! siguro i’m just in love with love, not people. hehe… ewan, sorry kung lagi kitang sinisisi, pero nakikita kita lagi sa ibang tao tuloy hindi ko alam kung mahal ko ba talaga sila o mahal ko ang ikaw na nasa kanila. hindi ko mapigilang hanapan ka ng koneksyon sa mga kabaro mo, obsessed?! ewan, ewan, at ewan pa rin. di ko alam kung hanggang kelan ako ganito, nagkasakit na ko at naospital dahil hinayaan ko ang sarili kong magpakababad sa ulan at kinalimutan kong alagaan ang sarili ko. hindi ko inalalang pag natuyo ang tubig-ulan sa likod ko ay pwede kong magkasakit maraming may malasakit na nag-aalaga sa akin pero iba talaga sa ilalim ng ulan. wala akong pakialam non, kahit hindi ko alam kung kailan ang sunod na ulan ay naghihintay ako. tigang na kung tigang pero andito pa rin ako, naghihintay sa susunod na patak ng ulan, kahit ambon lang, sa mahabang tagtuyot na dala mo, aasa pa rin ako. diba pag hunyo maraming ulan? bakit ang hunyong ako madalang madaanan? yung barkada ng tita ko na bading may boypren, kaya ayun sabi ba naman daig daw nya ko, sabi ko pa, "bakit? panget ba ko?" hindi naman daw kulang lang daw ako sa exposure at koneksyon kaya alang nagbebenta saken, kung alam lang nya… hehe, ayos lang, ayoko ng basta-basta ako nakukuha, pinaghihirapan ang hunyo, inaantay ng taon o higit pa. kung ayaw di wag, taas ng pride chiken hindi kayang pabagsakin to. PERO syempre sabi lang yun, tigas na kung sa tigas pero pag natanga ko matibay din. hehe… sabi ko isang beses lang ako dapat matanga at nagawa ko na sayo yun, gusto ko na ring itigil, marami nang nag-abot ng tulong pero ayokong tulungan ang sarili ko, gusto ko dito lang ako hanggang magsawa na ko, sana magawa ko pang umahon sa adiksyon ko sa ulan…

bote, beer, bangenge! wohbah!

Thursday, January 5th, 2006

hehe… lasing nanaman ang lola nyo kagabi, alcoholic daw ako sabi ni mama. sana alam nya kung sino yung nagturo saken na magpakalasing para awayin nya. kasi hindi ako umiiyak, nilalagnat lang. so far, ang pinaka adik ko nang ginawa e yung kunyari wala lang nung nakita ko yung crush ko sa cpark at kasama ang bagong jowa, pag-uwi ko sa bahay nilagnat ako, cuarenta bakla! dinala ako sa ospital at isang linggo akez duon. siguro nasanay kasi ako na maging matigas, hindi umiiyak kahit anong mangyari, pwera na lang nung nanood ako ng a memory to remember… hehe, napaka-ideal lang siguro ng love na gusto ko, yung isa lang tas forever na, *hoy boy forever di sabi tayo talo syado ka gwapo sasakit lang ulo ko sayo, hanap ka na lang dyan sa foreign land, marami mas maganda… hindi kita tinataboy dahil yoko sayo*, ayoko lang talaga nang nasasanay tas mawawalan bigla, hindi ako makahinga sa masyadong malaking espasyo na iniiwan saken… break na daw yung crush ko saka jowa nya, (hapi, shalala), pero may nauna nang mangarir kaya wag na, hehe… sabi ng x ko, man hater daw ako, pero di yun totoo dami ako frends na lalaki saka bading… yoko lang siguro ng comitment dahil natututo akong maging mapaghanap, madamot kasi ako, ang akin, akin lang… pero pag nakita ko na syang masaya sa iba, di ibigay, siguro masaya na rin ako sa ganto. sabi ko nga, gusto ko nang grumaduate sa bitterness dahil nagiging trend na, ayokong sumunod sa uso, mas gusto ko yung ako lang, kinakain kasi ako ng karamihan, nawawala… mas komportable ako sa friendships with benefits, at least mas madali mag let go dahil lam kong hindi naman akin in the first place, kaso mahirap pa rin syemps… basta, kelangan ko ng ibang pass time… iinom nalang ako araw-araw! hehe… charing!

road trip games….

Wednesday, January 4th, 2006

dapat gumagawa nako ng speech ngayon pero, eto matapos magbasa ng sample speech ay na-tempt nanaman mag-blog… na-miss ko bigla mga impakto kong kapatid kaya eto yung games na naimbento namin habang papunta kaming Bataan…

SINONG UMUTOT?

mga kailangan:

8 tao

1 sasakyan na airconditioned

batang umuutot ng mabaho pag tulog…

mechanics:

aandar ang sasakyan ng mahigit apat na oras. madaldal pa ang pinaka-maliit na bata sa loob ng sasakyan tas matutulog, kakalungin ng ate. every 10 minutes babaho ang hangin, buti na lang isang pindot lang at bubukas na ang bintana. hayaang bukas ang bintana for 2 minutes minimum dahil toxic ang utot… ulit-ulitin hanggang maubos ang kabag at makarating sa pupuntahan. mas masaya kung marami kayo at kumain ng sea foods ang umuutot.

PAHIRANG-KULANGOT

mga kailangan:

dalawang tao pataas

nananahimik na ate at kadiring kapatid na may kulangot  (john, hindi ikaw to hehe)

mga unan.

mechanics:

hilo na ang ate pero nag stop over kaya babangon sya at mapapansin ang nakadungaw na kulangot ng kapatid na baboy. tatawa ng malakas at isisigaw yaaaaaaaaaaaaak! may kulangot! nyahahahahahahahaha!!!! dahil likas na mapang-asar at nakakadiri ang kapatid na lalake ay susungkitin niya ang kulangot at kunyaring ipapahid sa ate. iiwas ang ate, sisigaw ng saklolo. dito na papasok ang mga unan na magsisilbing wall sa kanila. pwede ring gamitin as a weapon ang unan, ihampas sa muka ng kapatid na lalake like there’s no tomorrow!

masaya ang larong ito basta wag kayo masyadong magulo dahil pag napansin kayo ng nanay nyo malamang mapagalitan kayo dahil nakakadistract to para sa driver pero hanggat makakalusot ituloy lang.

extra tip: kung kaya ng sikmura mo at arami rin namang supplies, kumuha din ng kulangot at ipahid sa kanya para lang quits. hehe…

jang geum…

Tuesday, January 3rd, 2006

wala akong magawa! hehe… kaya magbablog na lang… hmmmm…. nakakatamad ang buhay… hinihika ako, masakit ang ulo, nagpaulan… suicidal? hinde, kase wrong timing ang ulan, kung kelan nasa byahe ako ayun saka dumating… nakita ko sya ang kanyang bagong katulong, hehe, di na masyado affected, kebs na lang… pero sana matapang akong magpaputok para nahagisan ko sila, hehe… wala talagang maibubuga ang utak na natagtag sa byahe…

may paper kaming gagawin bukas tungkol sa oblation run… pero di ako nakanood, saaaaaaaaaaaaaaaaaaaaad! hehe… mag-iimbento na lang ako…. hmmm… wala kaming charger sa bahay, patay… naririnig ko yung kanta ng parokya idadaan na lang sa gitaraaaaa…. hehe… minsan na kong nadaan sa gitara, hehe, he knew what keys to strum, it was good while it lasted and bitter when it suddenly stopped… hehe, sya lang ang natandaan kong nakagawa nun, alam lahat ng topak ko, pero ganun sya sa lahat, di ikaw na magaling, hehe… tama na nga, i can taste the bitterness kahit sa isip lang. di ko alam na ganito na ko kabitter… gusto ko ang tigilan pero mahirap na.. it’s hard to risk taking a dip in the love pool and end up wallowing in the ocean of bitterness… i’m a good swimmer, i’ll live.