orchid?
wala nanaman akong magawa kaya eto andar hunyo, andar! hehe… bago ko simulan bubusina nako sa mga masasasagasaan *beep!*beep!* sana di nyo na ginagawa to…
gusto lang kitang pasalamatan dahil sa mga tinuro mo saken…
natuto akong ngumiti nang walang dahilan, maalala lang kita ayan smile na.
natuto akong sabihin sa ibang tao na "uy wag ganun, mahal ko na."
natuto akong maging corny. wabshu, mwahmwah!
natuto akong maghintay.
natuto akong magtelebabad ng anim na oras.
natuto akong magtext nang mabilis.
natuto akong mangulit.
natuto akong makipag-usap nang hindi laging joke.
natuto akong maaka-relate sa love songs. (i’ll never get over you, getting ove-herr meeeee….)
natuto akong magpasensya.
natuto akong magbigay.
natuto akong gamiting pang tawag ang cell phone ko.
natuto akong kumain ng madami.
natuto akong magpahaba ng buhok.
natuto akong magsuklay.
natuto akong kumanta habang nagluluto.
natuto akong mag-field trip gamit ang utak ko.
natuto akong lumipad kahit walang pakpak o drugs(nakakapagpalipad ba talaga to?).
PERO…
nung matuto akong lumipad, iniwan mo ko sa ere… ganda mo rin. matagal din akong nandon, nakiki-amot ng tubig galing sa ibang nagpupunta, bago ako bumagsak. ayoko ng pakiramdam nang bumabagsak, naiwan ko yata ang kaluluwa ko sa taas. nang tumama ako sa lupa, hindi ganon kasakit, hindi nga ako naiyak eh, pero hindi rin ako makatayo. kasama nang kaluluwa ko ang pakiramdam kong naiwan sa taas. sana inisip mo manlang na noon ko lang naranasang lumipad, sana isinabay mo ko sa pagbaba mo. sana inilapat mo na muna ang paa ko sa lupa bago ka umalis. kung ganon ang ginawa mo sana nakakaramdam pa ako ngayon, sana nakakayanan kong lumipad kahit iba ang kasama ko… wala akong ibang masisi kundi sarili ko, bakit kasi ako naniwala, bakit ko hinayaang mangyari. sana may gamot dito, sana hindi ako habang buhay na ganito…