aliw, libang, tae…
Tulala ako habang malayang pinalalakad ang ballpen ko sa papel kong puro bura. Assignment ko
sana tong reaction paper na to pero hindi ko matapos-tapos. Natatanga nako, isang oras nakong nakaupo at nagsusulat pero kahit pambobola lang sa teacher wala akong mailagay. Nakasanayan ko nang gawin na isulat sa papel lahat ng naiisip ko na may kinalaman sa topic, effective kasi, tapos saka ko na lang iaayos ang mga ideas para mukhang pinaghirapan at so far, successful naman. Pero bwisit ang araw na to, ngayon pa naisip nang neurons kong mag day off, bukas na ng 7am to kaya kelangan kong piliting matapos kahit anong mangyari, taeng papel na kung tae pero kelangan meron akong ipasa. Hinayaan ko munang mag field trip ang utak ko bka sakaling pagbalik ay may kasama na tong pwedeng ilagay sa paper. Pero ang tangang diwa ko, sa iba pumunta, nakakaimbudo ngayon pa natripan na magloko eh. Pagtingin ko sa papel ko puro pangalan mo ang nakasulat, kailan mo kaya titigilan ang pagmumulto sa utak ko? Sana malapit na kasi nahihirapan na ko eh, saying ang tinta ng g-tech ko mahal na to ngayon! Pero sana kayang turuan ang kamay kong kalimutan na kung paano isulat ang pangalan mo para hindi na ito gumalaw kapag natatapat sa blankong papel katerno ng blanko kong utak na kapag nababakante ay ang picture mo ang ginagawang filler. Buti sana kung natatanga ka na rin kaiiisip saken, eh ako lang ang napeperhuwisyo eh. Bwisit ka, panget!