Archive for December, 2005

orchid?

Tuesday, December 27th, 2005

     wala nanaman akong magawa kaya eto andar hunyo, andar! hehe… bago ko simulan bubusina nako sa mga masasasagasaan *beep!*beep!* sana di nyo na ginagawa to…

            gusto lang kitang pasalamatan dahil sa mga tinuro mo saken…

natuto akong ngumiti nang walang dahilan, maalala lang kita ayan smile na.

natuto akong sabihin sa ibang tao na "uy wag ganun, mahal ko na."

natuto akong maging corny. wabshu, mwahmwah!

natuto akong maghintay.

natuto akong magtelebabad ng anim na oras.

natuto akong magtext nang mabilis.

natuto akong mangulit.

natuto akong makipag-usap nang hindi laging joke.

natuto akong maaka-relate sa love songs. (i’ll never get over you, getting ove-herr meeeee….)

natuto akong magpasensya.

natuto akong magbigay.

natuto akong gamiting pang tawag ang cell phone ko.

natuto akong kumain ng madami.

natuto akong magpahaba ng buhok.

natuto akong magsuklay.

natuto akong kumanta habang nagluluto.

natuto akong mag-field trip gamit ang utak ko.

natuto akong lumipad kahit walang pakpak o drugs(nakakapagpalipad ba talaga to?).

                                             PERO…

nung matuto akong lumipad, iniwan mo ko sa ere… ganda mo rin. matagal din akong nandon, nakiki-amot ng tubig galing sa ibang nagpupunta, bago ako bumagsak. ayoko ng pakiramdam nang bumabagsak, naiwan ko yata ang kaluluwa ko sa taas. nang tumama ako sa lupa, hindi ganon kasakit, hindi nga ako naiyak eh, pero hindi rin ako makatayo. kasama nang kaluluwa ko ang pakiramdam kong naiwan sa taas. sana inisip mo manlang na noon ko lang naranasang lumipad, sana isinabay mo ko sa pagbaba mo. sana inilapat mo na muna ang paa ko sa lupa bago ka umalis. kung ganon ang ginawa mo sana nakakaramdam pa ako ngayon, sana nakakayanan kong lumipad kahit iba ang kasama ko… wala akong ibang masisi kundi sarili ko, bakit kasi ako naniwala, bakit ko hinayaang mangyari. sana may gamot dito, sana hindi ako habang buhay na ganito…

sinok

Tuesday, December 20th, 2005

hindi ko alam kung kelan ka dumarating pero lagi na lang wrong timing… balik ka nang balik sa mga oras na hindi kita kailangan, bakit hindi mo pa ko tantanan? hindi ko alam kung pano ka itataboy, nasusuka nako sa dami nang nainom ko hindi ka pa rin nawawala. napanood ko sa tv, nagpapatigil ka raw ng heart beat, natakot naman ako. kala ko kasi dati ayos lang, normal lang na lahat ng tao nagkakaron ng ganon. meron pa nga since 5 pa lang di na natanggal. sana ganun na alng din ako, sana kung meron, meron, pag wala, di wala. hindi yung kung kelan mo gusto darating ka at guguluhin ang sistema ko, nahihirapan ako. sana palayain mo na ko, hayaan mo na ang sistema ko sa nakasanayan nito wag mo nang patigilin ang puso ko baka sa susunod ikamatay ko na… sana wag ka nang pabalik-balik… ayoko na nang sensasyon mo, kung may balak ka pa wa mo nang ituloy.. ayoko na… ayoko na… sa iba mo na lang ibaling ang sumpang dala mo, kung pagmamahal man yan may ibang mas nangangailangan nyan, magkaksya na lang ako sa normal na pag hinga, masaya na ko sa buhay na laging walang bago kaysa naghihintay sa yo, wag ka nang babalik baka hindi ko na makaya ang huli mong alis. hayaan mo na lang akong maupos sa pwesto ko, hindi mo ko kailangang kaawaan, marami pang magmamalasakit sakin, mga taong noon pa nandyan na, di gaya mo.

aliw, libang, tae…

Monday, December 19th, 2005

Tulala ako habang malayang pinalalakad ang ballpen ko sa papel kong puro bura. Assignment ko

sana

tong reaction paper na to pero hindi ko matapos-tapos. Natatanga nako, isang oras nakong nakaupo at nagsusulat pero kahit pambobola lang sa teacher wala akong mailagay. Nakasanayan ko nang gawin na isulat sa papel lahat ng naiisip ko na may kinalaman sa topic, effective kasi, tapos saka ko na lang iaayos ang mga ideas para mukhang pinaghirapan at so far, successful naman. Pero bwisit ang araw na to, ngayon pa naisip nang neurons kong mag day off, bukas na ng 7am to kaya kelangan kong piliting matapos kahit anong mangyari, taeng papel na kung tae pero kelangan meron akong ipasa. Hinayaan ko munang mag field trip ang utak ko bka sakaling pagbalik ay may kasama na tong pwedeng ilagay sa paper. Pero ang tangang diwa ko, sa iba pumunta, nakakaimbudo ngayon pa natripan na magloko eh. Pagtingin ko sa papel ko puro pangalan mo ang nakasulat, kailan mo kaya titigilan ang pagmumulto sa utak ko? Sana malapit na kasi nahihirapan na ko eh, saying ang tinta ng g-tech ko mahal na to ngayon! Pero sana kayang turuan ang kamay kong kalimutan na kung paano isulat ang pangalan mo para hindi na ito gumalaw kapag natatapat sa blankong papel katerno ng blanko kong utak na kapag nababakante ay ang picture mo ang ginagawang filler. Buti sana kung natatanga ka na rin kaiiisip saken, eh ako lang ang napeperhuwisyo eh. Bwisit ka, panget!

i wish i can stop the insanity..

Monday, December 19th, 2005

I’m insane with insaquarium! Hehe… feed my guppies, nakakaadik talaga. Sumakit na kamay ko nang todo pero di ko mapigilan na pumunta pa sa next level. Di ko sya magawang tigilan, alam kong marami pa kong kailangang gawin pero mas inuna ko pa sya, akala ko wala na kong kawala. Sa sandaling panahon natutunan ko nang ihinga ang pangalan ng larong ito, isama sa araw-araw kong buhay pero alam kong lahat matatapos din, pag nakumpleto ko na lahat nang pets, nalaro ko na lahat nang levels, pagsasawaan ko rin at iiwan upang iba naman ang maglaro at maaliw dito. Hindi naman ako madamot, handa ko syang ibigay sa iba na alam kong mas masisiyahan sa kanya, malilimutan ko din kung paano nya ko inaliw at pinasaya sa loob ng maikling panahon na magkasama kami. Hindi madalian pero malilimutan ko din. May ibang laro pa akong makukuha at iinstall sa pc ko. Sasaya rin ako, marahil hindi kasing saya o mas masaya pa, kahit anong sabihin makakakuha rin ako ng kasiyahan mula sa iba, hindi ka nag-iisa sa mundo, makakahanap at makakahanap ako ng papalit sayo. Pero ngayon, habang nasakin ka pa, hahayaan ko munang sumaya ang sarili ko kasama mo. Sisimutin ko lahat ng saya na maaamot ko mula sa iyo para kung sakali mang matapos na ang laro ay nalubos ko ang lahat, hindi nako mag-iisip ng mga maaaring nangyari kung ibang option ang pinindot ko, ang mahalaga ay nasiyahan ako sa laro gaano man ito kaigsi kahit papano nasulit ko, hindi nako aasa na madugtungan pa uli pero hayaan mo akong itago at alalahanin lahat ng saya habang kasama kita.

MALAMIG NA PASKO…

Thursday, December 8th, 2005

Magpapasako nanaman! nung bata ako inaantay ko lagi ang pasko kase ibig sabihin bagong damit, sapatos, maraming pera, at masarap na noche buena. masarap pag pasko, lahat nakangiti, walang tigil sa batian ng meri krismas, at bigayan ng regalo. masarap mag simbang gabi, kahit di ka paligo kebs lang, basta makinig ka sa sinasabi sa misa. gusto ko ring pinapanood ang panunuluyan, laging meron nun samin, minsan nga napili pa yung bahay namin eh. pero sana alam pa rin natin ang dahilan kung bat may pasko, sana hindi ganon kaiba ang mga bata non at ngayon, sana hindi lang pera, pagkain, regalo ang nasa isip natin.  sana gusto natin ang pasko dahil magkakasama tayo, safe, at buhay… kala nyo lablayp nanaman noh?