Archive for November, 2005

bat ganon?

Wednesday, November 30th, 2005

kasama ba sa lisensya ng teacher ang karapatang gawing impyerno ang buhay ng mga studyante?? simula pa lang ng sem pero hanggang leeg ko na ang tambak na trabaho, pero in-fairness, nakuha ko pang mag-blog… hehe… naagasan na naman ako ng inaanak sa soro, kaya sobrang mahal ko ang one and only jinajanaks ko… hehe… kamusta nman sa libis?! hehe… nalasing nanaman ako nang libre life makes sense again, woohoo!!! ewan ko, alcohol na ang napagbalingan ko ng mga bagay na hindi makontrol… basta! ang ganda ko!

nainggit lang kaya nag blog…

Wednesday, November 23rd, 2005

sya ang pinaka-ayaw kong pashnea sa buong mundo… iniwan ko na siya bilang isa sa mga pinaka-ayaw kong ala-ala nang aking kabataan… akala ko titigilan na nya ko, kalilimutan, pababayaan… ngunit nagbago ang lahat sa loob lamang ng isang gabi… isa na siguro ito sa mga gabing hindi ko malilimutan kahit kailan, iniisip ko pa lang ay iba na ang reaksyon ng katawan ko. bakit sa dinami-dami ng lugar sa kama ko pa??

    wala akong kamalay-malay nang pumasok ako sa kwarto, may konting ilaw naman sa labs kaya hindi ko na binuksan ang ilaw, may e-vat na kasi.. kukunin ko lang naman yung unan ko para may masandalan habang nanonood ng Jewel in the Palace.. nakita ko sya malayo pa lang ako sa kama.. hindi ko alam kung paano sya nakapasok nang hindi namamalayan ninuman sa amin.. hindi ako makagalaw, gusto kong sumigaw pero walang lumalabas.. nakita ko syang gumagapang sa ibabaw ng aking kama, maliliit at mabilis ang hakbang, hinaplos nya ang bed sheet, ang unan kong niyayakap, ang ulo ni tigger na hinahalikan ko bago matulog… tangna, binaboy nya ang kama ko!!! sinubukan ko syang itaboy palayo ngunit patuloy sya  sa pagpapasasa sa kama ko na parang inaari itong kanya… hinila ko ang bedsheet pero lalo syang nagsumiksik, siguro nahalata niyang naroon ako upang kunin ang talgang akin kaya sinugod niya ako habang naka-umang ang dala nyang patalim, noon ko lamang nakuhang sumigaw, nag-hysteria ako, hindi ko na alam ang gagawin… sinamsam ko lahat nang gamit k sa higaan pinaltan ko lahat nang mga binaboy nya… hindi ako natulog ang gabing yon sa takot na baka bumalik sya… hindi ko kaya… natatakot ako… hayop na ipis…

INAALAT BA ANG BUHAY MO?

Tuesday, November 22nd, 2005

    well, wala akong magagawa tungkol dyan… hehe… kumain ka na lang ng sinigang na baboy sa sampalok, tas isawsaw mo sa toyo na may kalamansi, asim m na nun!

    nagugutom nako… tinatamad pakong kumain… lamon ako nang lamon di naman nabubusog siguro dahil alam kong sa kaloob-looban ko wala pa rin akong laman… hindi ko alam kung panong pupunan ang kawalan na yon pero parang alam ko, ayoko lang talagang gawin. sa tingin ko hindi ko pa kailangan ang laman na yon, kung ano man yon. marahil unti-unti na itong nalalagyan nang hindi ko namamalayan, pwedeng namamalayan ko nga ayoko namang pansinin. pero bat ayaw kong pansinin? dahil natatakot nanaman ako sa mga sensasyong hindi ko kilala? kaya ba pinagkakasya ko na lang ang sarili ko sa mga nakasanayan ko na kahit alam kong hindi nito natutustusan ang kailangan ko talaga… ewan, mahirap magtanong sa sarili mo ng tanong na hindi mo rin naman alam sagutin… ayaw ko ba dahil hindi ako handa o hindi ako handa dahil ayaw ko? paksyet, di ko talaga alam… isang bagay lang ang alam ko…yun ay ayoko sa ipis….

sembreak!

Sunday, November 6th, 2005

Eto nanaman, walang pasok, walang baon, trabaho sa bahay. At least hindi ko kailangang magpasa ng paper halos dalawang beses kada Linggo. Nakakapanibago pa rin syempre, matapos ang isang bwan na puro cram ang ginagawa mo biglang wala ka nang gagawin at dahil sikat kang tao madaming nagyayaya na sumama ka sa sem ender. Hehe… pag uwi ko sa bahay lumuwas sila, ako lang ang tao, kung walang cable ang tv naming nabadtrip na ko pero hallerr, this is life, nood ang lola nyo ng tv magdamag, namiss ko to! Pero syempre kelangan ko rin naming matulog, diosa man ay napapgod din. Bukas na lang ulit.
Akala ko ang pinakamalala ko nang panaginip ay yung nagsasalita silang lahat ng ilocano tapos diak maawatan, mas malala ang gabing to. Napanaginipan ko yung ex ko saka yung almost ex ko. Tangna kala ko graduate na ko sa mga ganto! Ang malala pa kasama nila yung ma jowa nila tapos ako mag-isa, in fairness sanay nako sa mga ganito, lagi akong fifth wheel pero friends ko naman yung mga kasama ko nun, pero hindi sa ganong situation! Nagising akong pawisan, putek, mas gusto ko pang panaginipan yung hinahabol ako ng rapist o kaya ng impakto kesa kasama sila sa iisang lugar, eeeeeeeew! Syempre kahit ayoko, natulog pa rin ulit ako, buti na lang hindi na ko nanaginip.
Dahil sembreak nga, wala akong magawa syempre mukang dianaan ng impakto yung cabinet ko, papasa na ngang bahay ng ahas yun eh, pero asang aayusin ko yun kaya nagbasa na lang ako ng cosmo novel, nbsb, hehe, talk about desperate. Nakakatuwa naman sya pero brand names ang ginagamit na adjective kaya hindi ako nakakarelate. Ang nakakaaliw sa mga cosmo novel, although dalawa pa lang ang nababasa ko, ay alam na natin yung sinasabi nila. Nakakatanga. Mahirap lang pag hindi mo pinapakinggan yung mga sinasabi ng mga kakilala mo at gagastos ka ng 150 pesos para lang basahin ang parehong bagay na sinabi nila. Diba? Diba? Diba? Hehe…
Mabuhay ang mga cynical! Ahehe. Di naman sa wala akong tiwala pero wala na nga talaga kong tiwala sa mga lalake. Parepareho lang, asus! Bitter ba? Sapakin nyo yung nag-enhance ng ganitong paniniwala, dati hindi ganito kagrabe eh… malay natin may mabago pa, hehe, mawawala din to, tatanda na ata akong dalaga. Hindi ren! Haha!

Something that el hombre made me realize…

Sunday, November 6th, 2005

Uminom ako mula encantadia hanggang sugo… ala, trip lang, malaman ko lang amg lasa ng tequila… hinati ko pa ng mas maliit ang lemon slices na chaser ko, ang tanga ko noh? Ayun, kinabukasan nagising ako ng 6am dahil masusuka ako. Walang laman ang tyan ko kaya imagine na lang kung anong ilalabas ko – bituka na ang isinuka ko. Sa maghapon na yon isang kwarto lang ang pinupuntahan ko at iisa lang ang karamay ko. Nung araw na yon natutunan kong mahalin ang kubeta. Isipin mo, lahat ng baho ko alam nya. Kapag kailangan kong maglabas ng sama ng loob nandyan sya. Binibigyan ako ng ginhawa, walang angal. Tinanggap nya ako ng buo, wala syang inaayawan. Kinakain nya ang tira kong pagkain, kasama ko sa tuwing papawisan ako dahil sa mga bagay na mabigat sa loob ngunit mahirap ilabas. Matyaga nya akong hinihintay, pinagpapasesyahan ang aking bigat. Pumupunta ako sa kanya kapag masama ang loob ko at siguradong wala na ito paglabas ko. Minahal ko sya at patuloy na mamahalin dahil ulatimo suka ko sinalo nya, walang angal. Habang tumutulo ang sipon at luha ko sa patuloy kong paglalabas ng bituka ko tahimik nya kong sinamahan. Salamat… ikaw lang ang totoong nakakakilala sakin…