SEMBREAK!
hehe, bakasyon nanaman, patibayan sa harap ng tv, pig out, road trip… pag wala nang magawa stargazing… hehe… have to appreciate simple things…
kagabi nakatingala nanaman ako para panoorin ang langit, ang ganda ng stars, hindi naman sila gumagalaw pero gabi gabi binabalikan ko pa rin para makita hindi nakakasawa ang ganda… ang sarap tignan ng stars, bonus pa kung may falling star… pero bakit sa twing titignan ko ang mga stars humaharang ang ulap? ganun na ba ko kasama? kahit pagtingin sa stars hindi kayang ibigay saken? ano bang kasalanan ko sa langit? dahil ba sa twing kakanta ako umiiyak sya? kasalanan ko ba yun? hindi ko naman nanakawin ang stars, titignan lang pero bakit hindi pwede?? siguro kailangan ko nang tanggapin na hindi ako dapat maghanap ng kaligayahan sa langit na in the first place hindi ko naman maaabot. dapat kong tanggapin na ulap at ulan lang ang kayang ibahagi sa akin ng langit, dapat na kong sumaya sa kung anong mayroon… salamat…=j