LASON….

galing ako sa prod meeting, nakakasuka pag iniisip ko kung anong dapat gawin ko sa linggong to… readings, papers, advertisement, csc, play, report, project, presentation ng pr plan… penge akong lason! nag pig-out-bum weekend kami ng hausmate ko… tulog maghapon, maliligo pag lalabas, nood ng korean movies (anhong sayoh?) katwiran namin gusto lang naming kiligin, nagkakamatay na kasi ang neurons namin kakaaral… puro mga love stories na tungkol sa destiny… kala ko di nako tatablan ng mushy chevers na to, BUT NO… crayola ever ang lola mo nung nanood ako ng love actually, nakakatanga, marunong pa pala ako nun… isa pa, narealize ko na hindi yung tao ang namimiss mo pag nagse-senti ka kundi yung feeling na nagagawa mo yung mushy moments kasama yung taong yun, na bumabalik sayo yung mga ginagawa mo at maganda sa pakiramdam… masarap mag-isa, hindi ka aawayin ng sarili mo, masaya kayo pag kayo ang magkasama, hindi kayo magsasawa sa isa’t-isa…

pano kaya kung pwede kang iwan ng anino mo? sya na lagi mong kasama… na kinaiiritahan mo kasi ayaw kang lubayan… sya na tinatadyakan mo pag nauunang lumakad kesa sa yo… hindi marunong umangal ang anino… bago ka pa bumagsak at nasaktan, nakalatag na ang katawan nya para saluhin ka… kung nasaktan ka, isipin mo sya, pati ang bigat mo dinala nya… hindi mo pinapansin ang anino, kasi lagi syang nandyan, hindi aalis dahil wala naman syang kakayanang gawin yon… kahit siguro ipagtabuyan mo hindi ka nyan iiwan, iiyak lang habang binabantayan ang mahimbing mong paghihilik sa gabi… sasamahan ka sa lahat ng pagpupuyat habang kina-cram mo ang paper sa eng101, pr plan sa coma105, at sinasamahan ka sa prod meeting kahit abutin kayo ng gumagala na mga pigoy… wala kang maitatago sa anino, aminin mo man o hindi alam nya ang buong pagkatao mo, kasama mo sya mula ng ipanganak ka, kailan man di ka nya iniwan… at hinding-hindi ka nya iiwan kahit anong mangyari, alam mo yan…

nagising ako isang araw, nawawala ang aking anino… hindi ko pinansin noong una pero naramdaman ko ang kakulangan ng buhay pag wala sya, oo buo pa nga ako pero parang wala akong kwenta pag wala sya… mas naging mahaba ang sandali pag mag-isa lang ako… akala ko kaya ko ng wala ang anino, akala ko sasaya pa rin ako… wag ka nang magtampo, bumalik ka na dito… nakakatakot ang malamig na gabi kapag walang bantay sa tabi ko pagtulog, nakakatamad mabuhay… mas masakit ang bawat pagdapa o pagkauntog pag wala ka para kahit papaano ay humati sa sakit… ayoko ng wala ka, hindi ako sanay… para kong sinasakal, nauubusan ng hangin, wala nang kwenta ang buhay… bumalik ka na, aalagaan na kita…

2 Responses to “LASON….”

  1. ilia Says:

    langya! ang asteeg ng anino chevers mo June! grabe, genuis ba yan, parang icebag ah. Uy, Lali in the making… :)

  2. Ella Says:

    ate june!!!! nakita ko na!! what can i say? the stomach grumbles, the fingers get cold, yet not tired in reading your astig blog!!!! :) hehe

Leave a Reply