Archive for September, 2005

gutom lang to….

Tuesday, September 20th, 2005

daming gagawin…. ala nakong pera, malamang mapilitan nanaman akong magluto sa bahay nito…
gusto kong manood ng movie, kahit ano, pamapaalis lang ng pagkatanga… aawayin nanaman ako ni kupa bukas, ala pa kong alam sa report ko… gusto ko nang bumait para may bago naman, as if?! hehe,

malabo

yun… hindi nako pwedeng mag-absent sa mga subjects ko, isa na lang bingo nako dun, hehe… dilinquent…

note: everything that follows should not be used against me, kundi mamamaatay ka ng maaga…

mga katangahan ko sa buhay so far….

….tinapunan ng gagamba ang tita kong takot dun… 3yo

….hiniwa ng bread knife ang panty ng kapatid ko kase away kami…3yo

sana

ginunting ko na!

….umiiyak para maibili ng kendi ng tchr…4yo

….tumakbo pauwi nung p.e. namin nung prep…6yo

pinapabalance kase ung libro sa ulo, e nalalaglag ko.

….natutong magmura….7yo

….nakipag-away sa lalake na mas malaki saken (tanga dava?)…8yo

….sinuntok ang kapatid ko…10yo

kase nataehan ako nung baby na hawak ko, inutusan ko sya sinagot ako ng pabalang.

….nag-cut ng klase….10yo

niyaya kase ko nung clasmate namin, bumalik din kami after an hour, di ko pa alam na cutting un.

….itinayo ang fuzzy wuzzy club…10yo

yes, ganun ako ka-jologs!

…. nagpakana ng initiation rites ng club…10yo

….nagwelga sa loob ng classroom…11yo

“tama na sobra na! kilos protesta laban sa kanila!”

mali

kasi yung checking ng kabilang section sa test ko sa science kaya hinimok naming ang buong klase na mag-aklas…ANG BABAW!

….naligo sa ilog kahit hindi marunong lumangoy…11yo

Hehe, na-link pa ‘ko sa nag press ng ‘continue’ button sa existence ko.

….pumatol sa mga chain letter…11yo

….nagpaligaw…11yo

Tanda ko pa ang binigay sakin nung umani sila…3pcs ng dalandan, expensive!

….sinunod ang ‘steps to make your crush fall inlove with you’ sa mga chain letters…11pa rin

Uminom ka ng 3 baso ng tubig, ibulong mo ang pangalan ng crush mo, mag-wish.

….nabadtrip dahil hindi totoo ang chain letter….isinumpang taon

Naihi lang ako sa dami ng tubig na nainom

….ipinagpalit ng nanligaw….11yo

Bata pa lang loss na lagi ang career ng lola nyo..

….nakahanap ng bagong crush…11ulit

Kinakapatid ko pala, hindi daw kami pwede sabi nya…

….nakipag-away sa kaklaseng hindi alam ang ibig sabihin ng disgusting….guess the year

….nagsuka sa klase….

Ikaw na uminom ng coke sa umaga!

….nalulong sa pagiging mabuti at masunuring estudyante…12yo

….nagsawa sa bagong bisyo, balik sa hindi pag-aaral…12yo

….nahilig magbasa…12yo

….lalo…

…Nakipag-away sa classmate…13yo

Nag birthday ako 5 lang nilibre ko, bongga!

….naligawan uli…13yo

….nambasted…

….honor student….

….may natanga nanaman…14yo

….may nabasted nanaman…

….nagka-crush sa may-ari ng school….

….nilandi ang cute na crew ng jolibi nung may event sa school….

….Laging bumubili sa canteen dahil andun ang crush…

….student council…

….itutuloy…

LASON….

Monday, September 12th, 2005

galing ako sa prod meeting, nakakasuka pag iniisip ko kung anong dapat gawin ko sa linggong to… readings, papers, advertisement, csc, play, report, project, presentation ng pr plan… penge akong lason! nag pig-out-bum weekend kami ng hausmate ko… tulog maghapon, maliligo pag lalabas, nood ng korean movies (anhong sayoh?) katwiran namin gusto lang naming kiligin, nagkakamatay na kasi ang neurons namin kakaaral… puro mga love stories na tungkol sa destiny… kala ko di nako tatablan ng mushy chevers na to, BUT NO… crayola ever ang lola mo nung nanood ako ng love actually, nakakatanga, marunong pa pala ako nun… isa pa, narealize ko na hindi yung tao ang namimiss mo pag nagse-senti ka kundi yung feeling na nagagawa mo yung mushy moments kasama yung taong yun, na bumabalik sayo yung mga ginagawa mo at maganda sa pakiramdam… masarap mag-isa, hindi ka aawayin ng sarili mo, masaya kayo pag kayo ang magkasama, hindi kayo magsasawa sa isa’t-isa…

pano kaya kung pwede kang iwan ng anino mo? sya na lagi mong kasama… na kinaiiritahan mo kasi ayaw kang lubayan… sya na tinatadyakan mo pag nauunang lumakad kesa sa yo… hindi marunong umangal ang anino… bago ka pa bumagsak at nasaktan, nakalatag na ang katawan nya para saluhin ka… kung nasaktan ka, isipin mo sya, pati ang bigat mo dinala nya… hindi mo pinapansin ang anino, kasi lagi syang nandyan, hindi aalis dahil wala naman syang kakayanang gawin yon… kahit siguro ipagtabuyan mo hindi ka nyan iiwan, iiyak lang habang binabantayan ang mahimbing mong paghihilik sa gabi… sasamahan ka sa lahat ng pagpupuyat habang kina-cram mo ang paper sa eng101, pr plan sa coma105, at sinasamahan ka sa prod meeting kahit abutin kayo ng gumagala na mga pigoy… wala kang maitatago sa anino, aminin mo man o hindi alam nya ang buong pagkatao mo, kasama mo sya mula ng ipanganak ka, kailan man di ka nya iniwan… at hinding-hindi ka nya iiwan kahit anong mangyari, alam mo yan…

nagising ako isang araw, nawawala ang aking anino… hindi ko pinansin noong una pero naramdaman ko ang kakulangan ng buhay pag wala sya, oo buo pa nga ako pero parang wala akong kwenta pag wala sya… mas naging mahaba ang sandali pag mag-isa lang ako… akala ko kaya ko ng wala ang anino, akala ko sasaya pa rin ako… wag ka nang magtampo, bumalik ka na dito… nakakatakot ang malamig na gabi kapag walang bantay sa tabi ko pagtulog, nakakatamad mabuhay… mas masakit ang bawat pagdapa o pagkauntog pag wala ka para kahit papaano ay humati sa sakit… ayoko ng wala ka, hindi ako sanay… para kong sinasakal, nauubusan ng hangin, wala nang kwenta ang buhay… bumalik ka na, aalagaan na kita…