hablo espanol un poco pero no perfectamente…

exam ko sa span bukas… maloloka nako… laht nalang ng class rooms na pinasukan ko may bahid na ng dugo galing sa ilong ko… sana may nabibiling ballpen na matalino… para di na kelangan mag-aral.. next month na lalabas ang checklist, moment of truth na para sa math 11 ko, hindi ko makuha sa teacher ko yung grade ko baka atakihin ako sa puso pag nakita ko yung 5 na may bilog na pula pagkatapos ng lahat ng aral na ginawa ko… naging alcoholic na ata ako dahil sa math 11, kada pagkatapos ng long exam at departmental umiinom talaga ko, para madali akong makatulog… hindi kasi ako mahilig umiyak, nilalagnat lang ako ng konti, mga 40… naalala ko tuloy nung nakita ko ung x ko na inuwi yung jowa nya… hehe.. hinika ako nun, PERO HINDI AKO UMIYAK..

ayoko sa lahat ang umasa… mas gusto ko yung iniisip yung pinaka-malala ang mangyayari para kahit papano di sya ganon kasakit… nakakadala, parang yung isang subject ko, kala ko uno ko na, pero pagbalik ng classcard, ayun 2.5, naglasing ako nun… para kong tanga, lagi sa alcohol ang takbo, pero hindi na ngayon, laki na tyan ko eh, tamad naman ako mag exercise… nagpa-manicure ako kanina, la lang, ganda kasi ng kamay ko…

tag-ulan nanaman sa kaelbihan… naiwan ko yung payong ko sa baras… naulanan tuloy ako minsan… wala nakong nagawa, nabasa na ko eh, pinangatawanan ko na… madumi na si tigger kaya nilabhan ko kanina, saka naman umulan, parang tanga talaga panahon, walang pakisama, ang laki ng galit sakin…

kainis… kelangan ko nang mag-aral sa span…

Leave a Reply