kaw ba naranasan mo nang maghintay ng bagay na di naman dumating?
bat ang tagal dumating ng bukas? antay ako ng antay… sabi darating daw sya, antay ako ng antay… di ko naman balak angkinin ang bukas, gusto ko lang syang makita pero bakit sya nagtatago? nakakainip mag-antay ng bukas, tumataba nako kakahintay sa kanya ah… kahit tanghali natutulog ako para lang dumating ang bukas… minsan, nakita ko ang bukas, ang saya pala pag andun ka na sa bukas, sobrang iba ang pakiramdam… kasama ang bukas, nagkatotoo lahat ng gusto kong mangyari… nakuha ko lahat ng gusto ko… masayang masaya ako sa piling ng bukas… pero dahil sa ingay ng kapitbahay namion, nagising ako sa panaginip ko, nandito nanaman ako sa pinaka- kinasusuklaman kong ngayon.. hindi kasing saya ng bukas ang ngayon… ang lahat ng bagay sa ngayon kelangan gawin agad… pag ngayon ang kasama ko, hindi lahat ng gusto ko nakukuha ko… nakakairita… basta, mas masayang kasama ang bukas! kaya antay ako ng antay… kahit hanggang kailan, basta hindi ako magsasawa hanggang sa dumating na sa wakas ang bukas….
July 13th, 2005 at 4:14 am
June! Ang galing mo talaga! Mag Pantas ka na kasi. Asset ka dun. promise. cge na. love you
July 14th, 2005 at 7:13 pm
salamat sa lahat na bumabasa ng blog ko, kahit si ilia lang yun… hehe…