bitter nga ako, paki mo ba??
oo na bitter na ko, paki mo naman??! hehe… claustrophobic na ata ako, pano kasi ang liit ng mundong pinagkulungan mo saken, umiikot lang sayo, gusto ko nang tigilan pero pano nga ba? ano ba yung move on?? hehe… pathetic na nga tingin nila sakin eh, bat daw di kita paltan, dami naman ibang pamalit? pano ko naman gagawin yun eh hinahanap kita sa kanila? unfair naman siguro kung papaasahin ko sila diba? naman, ang pathetic ko na nga, kahit ako alam ko na katangahan na o pa rin… todo advice ako sa iba pero di ko naman magawa.. inisip ko pa dati na over nako sayo tas nakita lang kita minsan i felt the weird sensation again, yun bang para kong masusuka… hehe… sige bahala ka kung anong gusto mong gawin sa buhay mo, kahit di mo napapansin planeta ko iikot lang sayo yan, pero balang-araw titigil din yan, di ko nga lang alam kung kelan… naisip ko lang, pwede ba kong mag-pyansa sa kulungan na to??? nahihirapan na kasi ako eh, masikip, malamig, madilim… pero makalaya man ako dito, siguro gagawa nanaman ako ng panibagong planeta na pagkukulungan sa sarili ko pero walang iniikutan, mag-isa, siguro kapag tumagal makakasanayan ko rin ang lamig at dilim, baka sakaling dun pako sumaya…
May 27th, 2005 at 2:44 am
di ko alam, magulo pala ang utak mo este ang mundo mong ginagalawan, sa totoo lang di nga kita mareach eh, san ka na ba? Baka you’re already “Taken” by aliens. . .
September 20th, 2005 at 7:18 am
june, magpantas ka na nga talaga!