Archive for April, 2005

nakakasura ang buhay…

Thursday, April 28th, 2005

la lang naisip ko lang nakakapagod mabuhay pag pathetic ka, parang ako… alang magandang dahilan kung bat ganito ko… nakakatanga… umpisahan natin sa bahay, di ako kagalingang anak, sige sumusunod naman ako sa nanay ko pero pag anjan lang sya, pag lumabas na yun hala, tihaya sa harap ng tv, telepono pag sinawaan akyat sa kwarto basa ng kahit ano, pag mejo di na mainit punta sa opisina magnenet, pag tamad na talaga ang pinka paborito kong gawin…MATULOG! hay pero minsan naman may silbi rin ako, kahera sa bundok, taga sagot ng telepono sa opisina, katulong sa bahay, cook, at kadalasan aliping saguiguilid… sige na binibilang ko na lahat ng ginagawa ko pero wala talagang kwenta diba, diba, diba???? sige acads naman, tamad akong pumasok, pag yoko, yoko talaga, yan tuloy cuatro tas ang galing ko sa favorite subject ko, tang na mocha, ayun bagsak… may karapatan pa ba kong mabuhay sa lagay na to? pero eto pa, lablayp na eto matindi ihanda nyo na sarili nyo…. hay i consider myself as NBSB (no boyfriend since break-up) tae, wala nakong paniniwala sa mga relasyon, i’ve realized na hindi sya necessary sa existence ko, magpapaka-mushy sa ukang nanligaw sayo, papauto sa konting bola, lalabas kasama sya, papabola pa ng konti, maiisip na baka nga may future kayo, baka mag-work, why not give him a chance tutal guapo naman sya tas boto pa lahat ng friends mo, dava there’s no stopping you now so sinagot mo si uka, ayun nadiscover mong la syang wenta, 20 days lang break na kayo, tas maiisip mo bat mo pa naisipan na gawin yung kagaguhang yun??? bat di ka pa natuto sa mga kaibigan mong nagpauto tas ilang beses mo na ring sinermunan ng isang linggo dahil tatanga-tanga?? bat ba gumaya ka pa? heniwey hayosh nha yhon nho, isang mababang lamesa konting alkohol radyo baso at mga tunay na kaibigang nandyan lalo na pag inuman… hehe… naisip ko lang di pala ako sagad na pathetic, KASE MAY FRIENDS AKO NA DI AKO INIIWAN KAHIT ANONG KATANGAHAN PA GAWIN KO!!!=j

tao na ko….

Thursday, April 21st, 2005

ahihi!!! may blog nako la lang… may buhusan na ng sama ng loob, at least mata nyo na lng ang mase-stress sa kababasa ng mga pinoproblema ko sa pamumuhay ko daba? hehe… summer na andito ko sa paraiso, wahehe, may allowance, walang household chores, yun nga lang nangangamote sa math(in fairness, perfect ko yung quiz kahapon!)… hehe… hapi lang! keri to!=j