enjoy…

January 24th, 2009 by dragonesang-diosa

after so long, nagkaron ulit ng tropa nyt. yey! hehehe. nyeta kasing sched ko paiba iba, ayun, minsan sang bwan kaming di nagkikita kita. birthday ni ronel, videoke, beer, tawanan. nag enjoy din yung iba nyang bisita dahil sa celebrant/clown. nga pala, we also had to wear party hats, oo, yung pang kiddie party. haha. sabay inom ng beer. di pa nalalasing ang lalakas na ng trip nung nakainom na, kala ko ipapabaranggay na kami sa sobrang ingay. hehehe. fiesta ngayon, syempre wala akong bisita kaya ako ang nakikifiesta sa ibang bahay, inom nanaman mamaya. wehehe. saya!!! hehehe

sa mga di nakapunta ngayon sa fiesta, may isa pang fiesta sa may 1. di ko lang alam kung maghahanda kami nun… tas mali daw yung sinecelebrate namin na fiesta ngayon sabi ng pari kasi ang fiesta ng patron namin (saint joseph the patriarch) ay sa march 19. opposed sya sa munisipyo, ang katwiran naman ito ay fiesta ng bayan, edi kung trip nya isa pang fiesta ulit sa march, ang saya ng eh… naging tradisyon na ang celebration sa last sunday ng january dito sa baras kasi daw may isang taon na dineclare na walang fiesta tas nagkaron ng malaking sunog sa brgy. san jose. kaya napraning ang mga tao, nagalit daw ang patron, ang taray di naman pala yun ang feast day nya… kaya gudlak sa nagmamagandang pari… dapat inisip na lang nya na wala na lang basagan ng trip, e pano kung sya naman ang di patulan ng mga tao sa fiesta nya? may pa- amateur singing contest sya tas street dancing, 50 participants minimum per baranggay. san nya kukunin yun aber? hehehe.

i love baras, so small a town, so much drama going around… ge, inom na ulit ako

Bookmark and Share

5th of September, sarap burahin sa kalendaryo….

September 7th, 2008 by dragonesang-diosa

Birthday ng kapatid ko. Sweldo. Dapat masaya ko. Pero…

Simulan natin sa umaga, nagising ako bago ang alarm, bad dream…

Isa sa mga madalang na panaginip na natandaan ko at in a first person POV. Nagpropose daw sakin si Bruce Wayne (oo, si batman), patay ka dyan! Hehehe. Kaso lang di natuloy ang kasal namin, kasi nga isa syang…fictional character at ang pangarap ko talagang pakasalan e si Brandon Routh. Edi keri ko pa yun, may iba nang ikakasal dun sa venue, yep we cancelled it on the same day. We ended up watching the other couple’s wedding, nagtext ata si joker kaya nag fly sya kagad. Naloka na lang ako nung i-lock yung mga pinto tas may mga naka Gregorian na get-up tas may dalang malalaking weapons (we’re talking about freakishly huge blades na may handle) in different shapes. Habang nagpapalitan ng vows hinihiwa nila (slowly as if giving the person a chance to fully experience the pain) yung mga mukha nung mga nakaupo sa first pew, may isa mas malas kasi sa leeg sya natripang hiwain. Ginagawa nila to habang kumakanta ng “murderer, murderer”. Parang Sweeney Todd na go bigtime ito, minus the spurting blood (conservative din kasi ang regulatory board ng mga panaginip ko). Pagtapos ubusin ang mga nakaupo sa first pew, nagform sila ng line paharap sa altar, kala ko lusot na kami (I was in the third pew), but noooo, may tatlo pang rumonda at namimili ng audience na hihiwain. Nag move yung row na kasama ako kaya nagka-space sa tabi ko, pota ako ang nasa dulo, I’m next!!! Bago dumating yung isang “Greggy”, may tumabi saken na mamang malaki yung tyan, umasa na lang ako na maitatago ako ng tyan nya. Sya yung hinila nung Greggy, sabi “Oi, ikaw, lika dito.” (Ay pota nagtatagalog pala!) natakot na ko kaya napilitan nako gumising. Pinag-isipan ko kung iiyak ba ko for added effect pero decided not to dahil korni. Nag-propose na saken si batman, choosy pa ba ko? Saka naalala ko na wala na pala akong conditioner kaya bumangon na ko at bumili na lang. Hehe.

Kala ko period na dun, pero when it rains, it pours.

Pagdating ko sa office, hindi maka-login yung roaming profile ko sa kahit anong PC, at kung anu-ano pang kalokohan na nagresulta sa mahigit isang oras na pagtanga. Well, atleast bayad. Pero badtrip pa rin ang walang ginagawa. Nakalogin din naman ako after 48years, muntik ko nang antayin mag flash yung events sa buhay ko pero di naman nangyari.

And it kept on pouring…

Breaktime. Badtrip nako dahil hindi productive sa pagtatrabaho (nax!) bumili ako ng sopas at siomai saka juice. Hindi kasi ako nag almusal. Habang nagkakatuwaan sa pagbubuly-han, at matapos ang isang higop ng sabaw, may nakita akong naklutang sa sopas – at hindi sya dapat nandon dahil hindi sya sahog – IPIS!!!! Pero hindi sing-laki ng font na to. Yung ipis na maliit at manipis, yung mga nasa gilid ng bus na luma, o yung ipis na nasa banyo pag umaga. Pero kahit anong klase pa ng ipis yan, potangena ipis pa rin yun! Sabi nga ni Mike Enriquez “EEEW! Kadiri!” hindi ko na idedetalye kung anong mga sumunod na nangyari dahil it all went spiraling towards hell. Naiyak lang ako, grossed out at traumatized, I’ll never look at sopas the same way ever again… para sa isang tao na mahilig kumain, malaking trauma ang makakita ng bagay na kadiri sa pagkain mo, natiis kong magutom tas parang ayoko nang kumain. Pero syempre talo ko sa gutom kaya kumain din ako ng sisig nung lunch, atleast kung may ipis yun, kakulay na kaya hindi ko na mapapansin.. hehe, diba nga what you don’t know won’t hurt you saka what doesn’t kill you will only make you stronger? Pakainin kaya natin ng ipis yung nagpauso neto? Inisip ko na lang na on the plus side, atleast buo pa yung ipis nung makita ko, kasi kung bawas na ibig sabihin nasa loob ko na yung iba, daba? Ang optimist ko noh? Hehe, I’m now a stronger person… pota. Ang kumontra pakakainin ko ng full-grown ipis!!!

Ang ending…

What always comes after the rain? Baha, hindi rainbow. Aba, atleast na-withdraw ko na yung bonggang sweldo ko. Buhay na ulet! Hehe. Mabibili ko na ng cake yung mga may bertdey kong kapatid. Plus the hope that I will be given a chance to wake up to a better tomorrow.

E ano naman kung pangit ang araw ko ngayon? Swerte pa rin ako dahil yung iba inipis na, tinitiis pa ring kainin. Yung iba kahit sopas na may ipis, walang makain (pero parang swerte pa yun). Yung iba, kumakain ng ipis. Yung iba utak ipis. Yung iba boses ipis. Wala nang pinupuntahan to kaya tama na ang pagbanggit sa ipis.

Basta dapat thankful tayo sa mga bagay bagay sa buhay natin kahit minsan parang badtrip, may reason pa rin kung bat nangyari yun satin. Nakakaumay din pag lagging blue skies ang drama mo, kelangan may ulan to freshen things up, not to dampen our days. And after the rain, we look at the blue skies with a better appreciation. =j

Bookmark and Share

Tropa ni Ate Betch

September 7th, 2008 by dragonesang-diosa

How dare she blame it on my baby toi!

Alam kong di natin nalimutan si Ate Betch from College…

Refresher:

Sya yung malditang taga-bigay ng clearance form sa College of Arts and Sciences sa UPLB, naku may mga bagong biktima nanaman sya for sure dahil graduation is just around the corner. Uurong nanaman ang regal at tutubo ang sungay ni ate betch. Bongga nanaman sya ngayon. Tangina sya.

Present:

Heniwey, akala ko lusot na ko after the fateful clearance period… BUT NOOOOOO…

Marami nga pala kung tumubo ang masasamang damo. Syempre may mag o-audition para sa ‘Who is the Betchiest of Dem Ol’ title na ginaganap taun-taon sa bayan nila na kung tawagin ng marami ay IMPYERNO. Di kagaya ng normal na contests, hindi iniipon sa iisang lugar ang contestants, distributed sila sa iba’t-ibang lugar. Simple lang ang mechanics, pagalingang mameste ng buhay ng iba. Mahirap, pero someone has to do the job daba? Lets all be thankful for all the Ate Betches on earth, dahil kundi sa kanila, wala tayong paggagamitan ng mga mura gaya ng potangena, mamatay na sana sya, kunin na sana sya ni lord, etc. Sila ang mga dakilang tagasukat kung hanggang saan ang pasensya ng ibang tao. Sila ang mga tagasubok kung may kapasidad ka ba talagang makapatay. Sila ang nagpapalapit satin kay lord:

“Lord, alam ko pong may dahilan ang lahat ng to, kaya naman sinusuko ko na sya sa inyo. Kunin nyo na po sya… eymen. ”

Diba? Pabanal nang pabanal ang marami dahil sa kanila, ilang request kaya ang narereceive na ganito araw-araw? Hay… sabi ko bagong buhay mode na ko. Pero talaga yatang gusto ni lord na i-prove ko ang sarili ko.

Sabihin sa sarili ng 10x

“Killing is a sin…”

Pero hindi ba mas kasalanan na hayaan na lang silang pagala-gala sa lupa? Try ko kayang sa tubig pagalain?

Ano nanaman ba ang problema mo hunyo? Eto na ang kwento…

(queue in pang teledramang music)

Nagsimula ang lahat ate Charo noong magkatrabaho ako sa Pa-q, dahil malayo ito sa aming bahay, kinailangan kong mangupahan. Dahil sarado yung dapat naming lilipatan napilitan kaming humanap ng iba. Doon naming nakita ang boarding house ni ate betch. Maliit na kwarto na narealize kong sobrang mahal para sa 1500 na upa sa isang bwan. Walang tumatagal daw na boarder, malamang lang…

Fast forward, tinatamad na kong magkwento dahil sobrang badtrip na.

Inuwi ko si Baby Toi sa bhaus dahil kelangan kong hapitin yung ginagawa namin na libro. Sabi ko dati magdadala ko ng pc pero di pumayag ang betch, kaya bumili ako ng laptop. Malakas daw kasi sa kuryente ang computer. Pero yung anak nya magdamag nagdodota saka nagpapatugtog ng bwakanang lakas. Hindi naman yun malakas sa kuryenteee. She had to blame it on my poor Baby Toi. Ni hindi pa nga kami nagcecelebrate ng monthsary, sinusubok na agad ang relasyon namin! Sinigil lang naman ako ng 200 php para daw sa energy consumption ni Baby Toi. Makatarungan ba yun??? Hay… Ikayaman kaya nya yung nagoyo nya saken? Sana. Dahil kung hindi, lugi pa sya sa iisipin sa kanya ng mga makakabasa nito. Actually hindi ako ganong bummed out dahil sa dalwang daan, nakakapikon lang kasi saken nya siningil yung excess daw sa kuryente nung month na yon, two weeks ko pa lang dala si Baby Toi nun… at considering na summer at natural na biglang taas ng kuryente. Ganun din kasi sa apartment namin nung college. Mas nakakapikon pa kasi nung sinabi kong exaggerated naman ata na ako lang mag isa yung nakapagpamahal ng kuryente, sabi ba naman, ayaw naman nya talagang magpaggamit ng mga ganun, ako lang daw mapilit. Kulang na lang itapal ko sa muka nya yung 300. nga pala, sinisingil nya lahat ng boarders ng 100 para sa gas, walo kami, ka0share sila ng mga junakis nya sa pagconsume ng gas. Ayus diba? Pagpapalain talaga. Hataw sa tubo.

Let’s pray for her…

Lord, please end her suffering…take her back as soon as possible. Like, now.

Two weeks after that incident, lumipat na kami ng apartment. Bow.

Bookmark and Share

Si King! hehehe

May 25th, 2008 by dragonesang-diosa

(Kung may ma-offend man, nagsosorry na ko ngayon pa lang. at kung ikaw si King, naku wag mo nang ituloy ang pagbasa, na-miss ko lang ang elementary at nagkataong ikaw ang pinaka maraming pauso. hehehe)

Maliit, chubby, maitim – este kayumangging kaligatan pala – at makulit. Parang bading din pero sino ba naman ako para magsabi? hehehe

Di ko alam kung baket pero bigla ko na lang naisip si King. King Kong Kablong o King Philip Ocampo. Kaklase ko nung elementary. Akala ng mga tita ko dati best friend ko sya. Madalas kasi kami magkasama sa galaan at kung anu-anong mga trip. Di ko rin alam kung bat ako sumasama sa kanya saka kung bat kami magkasundo. Siguro dahil akala ko bading sya, safe kung baga. Di ko rin alam kung saang mga bagay kami magkasundo kasi madalas din kaming mag away. Hmmm. Basta, ewan.

Nagpupunta ata ako dati sa kanila kasi may nagpapahire ng comics dun sa malapit, e adik ako sa comics bukod sa subscriptions gusto ko pang magbasa ng iba, lagi akong nagpapsama sa kanya tas tambay sa kanila para magbasa. Ayoko kasi sa bahay namin, maid lang kasama namin. Minsan din pumupunta kami kina Aiza (best friend ko) para manuod – at i-role play – ng hirayamanawari. Kapit bahay sila ni Aiza, malapit sa school ng kapatid kong nasa pre-school na sinusundo ko. Tambay muna habang naghihintay sa uwian ng kapatid ko. Sa sobrang adik pa nga dati, napasarap ang kwentuhan, umuwing mag isa yung kapatid ko (4y/o) napagalitan ako pagdating sa bahay.

Di ko alam kung grade 2 o grade 3 namin naisipang itayo ang fuzzy-wuzzy club (gahd, anung pangalan yun??) galing sa laruan na binebenta sa archie comics, yung dinidikit sa kamay tas may kuryente effect pag nakipag shake hands. Brilliant noh? Isa si King sa mga nauto namin na ‘neophytes’. Mabilis din naman namin na-outgrow yung club kaya lugi pa sila sa initiation. Yung kalaban nga pala namin sa habulan nun panalo din ang pangalan – Kissable Lips. Wag nyo kong tanungin kung san nila nakuha yun, di ko rin masasagot. Bukod sa pointless na habulan (parang rambol nung dalwang clubs, may mga stick-on tattoos na binubura pag nahuli yung opponent team), marami pang sumunod na mga pauso – Jogan, Magic temple, imbentuhan ng pangalan, Bahoya family, atbp.

Lumipat kami ng bahay nung grade four, lumipat din sina King malapit samin. Ayus! Dinadaanan ko sya pagpasok madalas tas sabay din kami pauwi. Madalas na trip namin yung lutu-lutuan saka tamang gala lang. madalas samin yung venue, may maid kasi na tagaligpit ng kalat, at tagasumbong. Minsan natripan din nilang maligo sa ilog, di ko sure kung kasama ‘ko, tapos samin naki-banlaw. Sya lang ang lalaki nun. Napagalitan ako kasi sinumbong ako nung maid namin na nagdala pa daw ng additional na magkakalat sa bahay.

Nauso yung cartoons na sky dancers, naging alias nya yung pangalan ng kontrabida – Sky clone. Hindi ko na idedetalye kung anu-anong similarities nila.

Si King ang dahilan ng unang beses kong mapagalitan ng teacher. Takot ako sa mga teachers dati. Kung sasabihin nyong hindi nauso sa school nyo yung dinidikitan sa likod ng notes

gaya

ng “batukan mo ako” o kaya “hindi ako naligo” ang ibang bata, hindi ako maniniwala. Bleh! Hehe. Dahil samin, sobrang patok to. Syempre dahil patagong maldita ako, di ko napigilang makiuso. Kaso lang naubusan na ng tape nun. Kelangang mag improvise, nakakuha ako ng paste, bwahahaha! Sino nga ba ang biktima? Dahil inagawan nya ko ng upuan, jackpot ang lolo nyo. Yun nga lang nung narealize na nya (naisip ko lang, malamig nga pala sa likod ang paste kaya imposibleng di nya maramdaman). Umiyak sya dahil madumi na yung shirt nya. Oh no! Syempre, dahil elementary yon, may nagsumbong sa teacher. Tegibelle ang lola nyo, sabon galore sa teacher. Di na daw ako nahiya, ka-babae kong tao nagpapaiyak ako ng lalake. Pagkatapos nun, chika na ulit kami after a few days.

Grade 6.

Home economics, maggagawa kami ng guava jelly. Groupmate namin si King. Sya ang bumili ng bayabas at nagpiga ng mainit na katsa. Medyo

malabo

nga lang yung juice nun, bat kaya? Hehehe. Hindi ko na matandaan yung saktong rason kung bat sya nagalit samin. Baka dahil sya yung pinaghugas namin ng kaldero? Basta, naghuramentado sya, hindi yun exaggeration ha, inambaan nya kami ni Nikki ng kutsilyo. Nakatingin sa kisame habang ginagawa yun, nakakatawa na lang pagkwentuhan ngayon pero scary yun, lalo na’t naisip namin na di manlang ba kami gagraduate muna ng elementary bago mag babu to the world? Kumalma naman din sya after the performance.

Kung may ginawa mang matino si King na ipagpapasalamat ko, yun ay nung pinag-away nya kami ng best friend ko. Magpinsan kasi sila, tas nung grade 5 lumipat na sila ulit ng bahay kaya sabay na sila lagi umuwi ni Aiza. Dahil matagal kaming nagchichikahan, madalas hindi na sumasabay sa kanya si Aiza tas ako palagi yung kasama. Infairness, hanep sa effort, nagawan nya ng paraan para hindi kami magpansinan. Naalala ko pa, sinabi nya sakin dati na “Wala ka nang best friend Mary June. Kontrolado ko na ang isip nya [aiza]”. Panalo!!! Hehehe. Buti na lang mabait yung intern namin, sya yung gumawa ng paraan para makapag communicate kami ulit. Lost nanaman si sky clone. Pero thankful talaga ko dahil kungdi nya ginawa yun, hindi siguro kami naging best friends forever and ever amen. Saka kung di namin siguro kaklase si King, wala kaming masyadong pagkkwentuhan pag reunion. Kaya on behalf of the whole class of

Baras

Elementary School

1998, section one, apir para kay…

(banggitin sa tonong ginagaya si Kapitan Basa ng Batibot)

King… Kong… Kabloooong!

Bow.

Bookmark and Share

potek….

May 25th, 2008 by dragonesang-diosa

Tagal na din mula nung una tayo magkakilala. Pareho tayo ng topak at mga trip sa buhay. Sabay nating sinubukang gumawa ng isang bagay galing sa kung anu anong karaniwang hindi pinapansin ng iba. Syempre nagkatangahan muna tayo kung anong gagawin nang biglang *ting!*.

Tara

, gawa tayo ng paso! Gawa tayo ng bagay na pwedeng pakinabangan galing sa dumi kung ituring ng iba. Potters ang drama natin, ayos, hanap na tayo ng materyales. Putik, konting tubig at potter’s wheel. Kelangan ng tamang consistency ng putik para maihulma ng maayos. Sabi naman sayo malabnaw pa e, pero atat ka masyado sinalang mo agad sa mabilis nang umiikot na potter’s wheel. Yun, putik everywhere! Sabi na kasing hindi makakatagal sa mabilis na ikot ng gulong. Nauwi sa maruming pader ang obra

sana

nating dalawa. Hindi ko na kinareer ang paninisi sayo kasi sobrang irita ko na nun. Nilayasan na lang kita. Di ko na inintindi kung sinong maglilinis ng kalat, kaya mo na yun may kasama ka naman e. Yoko na, sabi ko, bahala ka na dyan. Kala ko tapos na don.

Episode 2

Adik nga naman talaga yang si manong Ted Hanna no, lakas mang trip. Nilagay nanaman tayo sa iisang kalsada. Habang pareho tayong naglalakad ng nakatungo, nagkauntugaan tyo. PMS. Patay ka. Bumuga ko ng apoy, sunog ka. Kala ko tatakbo ka na pagkatapos non, pero matigas nga pala muka mo. Tinawanan mo lang ko, kaya natawa na rin lang ako. Kumustahan, kwentuhan, sumbatan ng mga dating kasalanan, tawanan ulit. Ngkatanungan tayo kung ano nga bang hinahanap natin sa lupa. Naghahanap ako ng halamang pwedeng ipalit sa cactus kong namatay. Hinahanap mo naman ang dulo ng bahaghari. Iiwan na

sana

kita para ituloy ang “quest for the next carbon dioxide filter” pero naisipan mong makisabay.

Magkaibang direksyon ang pupuntahan natin. Pero mapilit kang malungkot maghanap mag-isa, e bored din ako kaya sige na nga. Sa paglalakad, may nakita tayong modeling clay, ayos, libangan. Libre na, malaki pa yung clay, iba iba pang kulay, hati tayo. Habang naglalakad, unti unti nating hinuhulma ang clay, magkatabi tayong gumawa ng kung anu-ano. Minsan seryoso, minsan galing sa outer space. Unti unti nating nagawa ng mumunti nating mga obra. Pag kapos, hiraman ng kulay na kailangan. Tagal din pala nating nalibang, layo na ng nalakad natin. Nawala na halos sa isip ko na naghahanap nga pala ko ng halaman, non ko narealize na hindi naman ako masasamahan ng halaman sa mapanganib na kalsada. Saka puno na ang kamay ko sa mga ginawa ko kanina, mga munting plano na balang araw sana magawa kong palakihin, di ko na kaya ang dagdag na bigat. Yoko muna ng halaman, Samahan na lang muna kitang hanapin ang dulo ng bahaghari, basta balatuhan mo ko ng gold coins ha? Kahit pambili lang ng Sony Bravia. Di ka pa rin tapos gawin ang obra mo, naghihintay ka pa kamo ng magtutuloy nyan para sayo? Gudlak.

May natira pa rin akong clay, di ko pa lam kung san gagamitin, marami pa naman siguro kong oras. Pero pano kung topakin nanaman si Manong Ted? Pano kung dumating yung may ari ng clay tas bawiin? Pangangatawanan ba ang banal na kasabihang “Finders keepers, losers weepers” o magpapakabait nanaman ako at isosoli ang hindi naman akin?

Bookmark and Share

balat kalabaw

April 12th, 2008 by dragonesang-diosa

may naaamoy ako… sana tama ang kutob ko.

may kwenta nga kaya ang halos limang taon na paghihintay?

sana naman…

kita mo na, tanga ka kasi e, kung tinuloy mo yung saten, edi sana maligaya ka ngayon…

hehehe. oh well. just so you know…

inantay kita.

aantayin kita…

ano ba naman yung limag taon pa daba…

27, may papatol pa siguro saken non… pero, aantayin kita…

sana lang simulan mo nang makahalata…

Bookmark and Share

Quompliqada

February 10th, 2008 by dragonesang-diosa

ni-try ko i-google to kasi wala alng akong magawa. ako lang yung lumabas sa results. syempre nabilib naman ako sa sarili ko. hehehe.

ako ang orig.

ako ang nag-iisa.

ako ang pinakamagulong..

Quompliqada.

hehehehe

asteeeeg!

kaya kung sakaling may matapang na gumaya, alam na kung sinong nauna.

hehe.

kanya kanyang hiya sa balat na lang yan.

hehe.

ayos!=j

Bookmark and Share

para sa jowa nya…

February 3rd, 2008 by dragonesang-diosa

una sa lahat, hindi ko naman sya kinakarir kaya wag kana ma-praning…

di na rin lang ako magparamdam, i’ll leave you alone.

pero favor lang, please do the following:

laugh at his jokes, oo, alam kong kung may world record para sa pinaka korning tao qualified ang lolo mo, pero tawa ka lang. masaya sya pag ganun…

favorite nya ang fries ng mcdo, ilibre mo paminsan ng dalawang large, kaya nyang ubusin yun. mag-aalok kunwari pero isa lang ang kunin mo, kasi sakto lang sa kanya yun… para lang di sya magmukang masiba…

pag nagkwento sya ng kakaiba, at sa tingin mo imbento lang, kunyari na lang naniwala ka saka na-amaze.. masaya na sya nun, kasi alam din nyang di ka naniwala.

wala syang bisyo, turuan mo. haha. turuan mo syang maadik sayo.

hindi sya manloloko, kaw lang babae sa mundo, ganda mo teh!

last na,

wag mong lolokohin yan, kasi pag yan umiyak at saken lumapit, la ka na. kalbuhin ko kilay mo…

pag ako nilapitan nyan, alam ko na kung anong gagawin, di ko na uulitin na magpakaengot. i’ll love him the way he should be loved. i’ll love him as if he were the only man on earth.. i’ll mend his wounds, until he’s good as new… heck maybe even better.

KAYA UMAYOS KA!

Bookmark and Share

tanong

December 31st, 2007 by dragonesang-diosa

ilang beses mo na bang natanong sa sarili mo yung :

"ito bang ginagawa ko ang dapat ko talagang ginagawa?"

ako, madalas simula nung mag-bente ako…

pero tinatanong ko lang….

hinahanap ko pa rin ang sagot…

baka nasa puso ko. hahahaha

Bookmark and Share

imisu…

December 30th, 2007 by dragonesang-diosa

Fixation*

I long for your touch…

I long for your scent…

I long for your warmth…

I barely had you…

Experienced you just twice yet your absence is eating away my insides…

I feel as if I’m rotting slowly…

Whenever I see my fingers, I feel yours entwined with them…

Our hands were made to be together…

The comfort of our temperature combined in the still air around us, air that seemed reluctant to move for it may bother our moment…

The television went mute the moment you sat beside me, afraid to drown the sound of our breathing…

You started leaning towards me and I forgot to breathe…

If being away from you means breathing normally, I’d rather die of suffocation.

Some wise guy from college (aka Prof) told me that we get fixated in stages in life that we don’t finish, e.g., oral stage, where we had to put everything in our mouths. A popular explanation why some people can’t quit smoking… hmm.. I guess I’m stuck in the “You Stage”, I long for that oh-so-illusive closure. I have to chase it no matter what. I’d be stuck on thinking of “What-could-have-been’s” and “What if’s”.

I don’t know when or how I will get over the “You” stage, for now, I’ll keep on nibbling on the bits and pieces of whatever’s left from our times together.

* a partial arrest of emotional and instinctual development at an early point in life, due to a severe traumatic experience or an overwhelming gratification. (http://dictionary.reference.com)

Bookmark and Share